Jackson's Point of View
Sabi nga nila, love will unexpectedly come in your life. Maybe he or she knocking on your heart yesterday, today or tomorrow. Ngayon, I can say that love has come my way.
Iziek Kingz is my boyfriend, he announced it on the media last night. Madaming umiintriga pero marami din ang masaya na magkabalikan kami, lalo na ang kanyang daddy. Medyo nahiya pa ako sa kanya dahil hindi ko na nabisita si daddy Shaun, nag-promise pa man din ako sa kanya. Simula kasi pinalayas ako ni Iziek sa kompanya niya ay naalis na sa isipan ko ang kanyang dad. But now, ipapangako ko na babawi ako sa future in-law ko. Haha landi much ba, I never expect kasi na after Iziek announced sa madlang people na boyfriend niya ako. He grab the opportunity to give me a ring. Yes, engaged na kaming dalawa.
I am very happy today pero pupuntahan ko ngayon si Albert dahil tumawag sa akin si Tyler na hindi daw siya pumasok sa trabaho, I'd try to call him pero di niya din ako sinasagot. Baka naman totoo na siyang nagreregla, baka nagiging babae na siyang talaga? Nababliw na ata ako, kung ano na naiisip ko sa kaibigan ko.
Nagpaalam na ako kina Mama at Papa para puntahan ang best friend ko. Pagdating ko doon, di niya ako agad pinagbuksan hangga't di niya narinig ang maganda kong boses.
Di ako malilihiman ng kaibigan kong si Albert kaya nalaman ko kung bakit siya naging madrama at nagpapaka-emo ngayon. Busted na naman pala siya sa pag-ibig, ibigin ba naman niya ang isang cassanova. Nakakaloka pero nakakalungkot pa din, paano ako magiging masaya kung ang bessy ko ay malungkot naman.
"Anong namang hitsura iyan friend? Parang mas malungkot ka sa akin ha?" ani Albert dahil nalulungkot ako para sa kanya.
"Parang kasalan ko kase na makilala mo si Tyler, kaya ka umuwi dito para makapagmove-on di ba? Ngayon, panibagong sakit na naman iyan" pahikbi kong sabi sa kanya.
"Bruhong ito, alam mo naman ang kasabihan ko di ba. Di lang iisa ang lalaking pwedeng ibigin diyan, marami pang nag-aabang diyan sa kanto-kanto sa mga tulad natin". Paliwanag niya sa akin dahilan para kumalma na ako. Alam ko kasi na magiging okay na siya the fact na biniro na niya ako.
Naging madaldal na siya after naming mag-drama, nabigla pa ako sa kanya ng may ikwento pa siya. Bago daw sila magkatampuhan ni Tyler eh may tinagpo daw sila na client which ginamit niya upang pagselosan ang sinta niya ngunit palpak daw then suddenly, after daw na linawin ni Tyler na wala siyang feelings sa kanya, tumakbo si Albert tapos sinundan siya nung Jayson daw. Grabe, parang hindi ito brokenhearted at kinilig pa habang kinikwento niya ito sa akin.
Lunch time na ng mag-txt na sa akin ang boyfriend ko (Gawd, may boyfriend na talaga ako) at inaya na niya akong kumain with him. Pinatxt ko na lang yung address at ako na lang ang pupunta, galing nga kasi ako kina Albert. Tinawagan ko na din si Tyler para ipaalam na hindi na daw papasok pa sa kanya ang bessy ko, he understand naman and I end the call. After kong ibaba ang phone ko ay may nagtakip sa aking bibig, may kasama itong panyo at may pampatulog pa ata dahil unti-unti akong nawalan ng malay.
Paggising ko nasa isang masukal na lugar na ako, isa ata itong lumang bodega kung saan mang parte ng maynila o saan man. Sinubukan kong gumalaw pero nakatali pala ako. Syete, sino naman kaya ang may pakana nito. Di kaya pakulo ito ni Iziek? Baka may surprise ulit siya sa akin?
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.