Jackson's Point of View
Mukhang mag-iiba na simula ngayong araw na ito ang buhay ko, paano ba namang hindi eh may mga reporters na bumubulabog na sa harapan ng bahay namin. Maaga pa lang eh ginugulo na nila kami, tinawagan ko na yung boss ko at itinanong sa kanya kung ano ang gagawin ko.
"Just wait me there" yun na yung sinabi niya at binabaan na niya ako.
"Anak, instant artista ka na agad ah" sabi ni mama habang sumisilip sa bintana.
"Di ko gusto ito Ma" T___T ganyan ang ekspresyon ko ng sinasabi ko sa mama ko.
"Biglaan mo naman kasing sinagot yang gwapo mong boss eh, oh ayan na ata Prince Charming mo" sabi ni mama.
Sumilip na din ako at tinignan kung siya nga yung dumating, halos maghiyawan yung mga babae na nakikiusyoso ng makita nila ang Evil boss ko. Hindi ba nila alam na wala siyang interes sa mga babae, binalita nga kagabi sa news na may boyfriend na siya. Halos pagkaguluhan nila kami kahit malalim na ang gabi para lang makompirma kung totoo ang nakita nila na ako ang boyfriend ng ungas nitong kumakatok na sa pintuan namin.
"You ready?" Tanong niya ng pinagbuksan ko na siya.
Tumango na ako bilang pagsang-ayon, hinawakan niya kamay ko at hinila na niya ako papunta sa kotse niya. Kahit umaga ay nasisilaw na ako sa mga flashes ng mga camera nung mga kasama ng nga reporters na ayaw paawat sa pagtatanong sa amin.
Nakahinga ako ng maluwang ng makapasok na kami ng kanyang kotse at pinaandar na niya ito.
"Ganoon ka ba talaga kasikat?" Sabi ko ng makalabas na kami sa kalye namin at nasa high-way na kami.
"Get used to it, I am one of the well known business man in this country"
"Yabang"
Dumating na kami sa kanyang kompanya at pati pala dito ay may mga reporters din na naghihintay sa pagdating namin, isa-isa iba-iba yung mga tanong nila.
'Paano daw ako nagustuhan ni Izeik'
'Hindi ba daw biglaan at kahihiwalay niya lang kay Jerwin'
Naiinis pa ako sa iilan.
'Sinagot ko lang daw ba si Izeik dahil mayaman siya'
Sasagot sana ako pero naramdaman ko na lang si Izeik na itinago niya ako sa kanyang likod.
"As to what I said last night, me and Jackson is dating. Hindi niyo siya kailangan husgahan, we just like each other. Thank you"
Gulat man ako sa sinabi ni Izeik dahil hindi ko alam na kailangan niyang sabihin iyon sa mga reporters, cheesy siya ah. Hinila niya na ako papasok sa kompanya at sabay na kaming sumakay ng elevator.
Bumukas yung elevator at sinalubong kami ng mga katrabaho ko , nagpaputok sila ng confetti ng dumaan kami sa kanila.
"What the..." siniko ko siya para pigilan yung gusto niyang sabihin.
Lumabas si jerwin mula sa office ni Izeik kaya siniko ko si Izeik para alisin ang mad expression niya. Bumati na lang ako sa mga katrabaho ko at binati na si Jerwin na mukhang may sakit yung ngipin.
"Heto na pala yung talk of the crowd" bati niya sa amin.
"Thanks" sabi ni Izeik
Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng office ni Izeik at nag-request siya na igawa ko siya ng hot choco, nabigla ako pero sumunod ako sa kanya. Tinanong si Jerwin ngunit tumanggi siya, hindi daw siya umiinom ng kape.
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.