Chapter 19

1.3K 42 4
                                    

 Alam mo na kung bakit kita nilagay sa dedecation ng chapter 18 at ngayon sa 19 na din, salamat sa patuloy mong pagbabasa sa aking maiking kwento hehe....... 

                                                                                                                          Secretauthor014

___________________________________________________

Jackson's Point of View

Sawi nga kung matatawag ang mga nangyari sa akin kaya buong gabi akong hindi natulog dahil sa pag-iyak, humingi ako ng isang araw na pagliban sa opisina para hindi ko makita si Izeik. Hindi ko pa kaya na makita siya at si Jerwin na magkasama, masasaktan kasi ako for sure.

Malamang sa oras na ito, pinagtatawanan na ako ni Jerwin. Matagal na rin kasi na ngingisi na lang siya tuwing titingnan niya ako. Pero di ba, may boyfriend din siya? Paano na kaya iyon?

Kinaubahan, wala akong pasok dahil nagpaalam ako kay EB na hindi muna ako papasok para naman kunwari ay heartbroken ako sa kanya.

"Anak! Anak!" Biglang sumigaw yung mama ko mula sa baba, nag-ayos muna ako bago ako lumabas sa kwarto ko.

"Ma, bakit ka sumisigaw?". "Anak, ang dami kasing reporter sa labas". "Ano?". Sumilip ako sa bintana at totoo nga ang sinabi ni mama, ang dami ngang reporters at ako ang pakay ng mga ito. Teka, di ba dapat yung Izeik na iyon ang guluhin nila? Siya yung nag-dump sa akin eh.

"Anak, huwag ka na munang lumabas ng bahay ngayon" payo ng mama ko.

"Sige po ma"

Bumalik na muna ako sa kwarto ko dahil wala naman talaga akong ibang pupuntahan kung hindi magpaikot-ikot lang sa loob ng bahay namin. Pagkaupo ko sa kama, nag-ring yung cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ko na si EB yung tumatawag sa akin, siguro alam niyang ginugulo ako ng mga reporters.

"Hello Sir" sagot ko sa kanya.

"Is there a reporter there?" Tanong niya sa akin.

"Bakit sila nandito? Dapat ikaw lang abg guluhin nila di ba?"

"Alam mo naman mga reporters, they will find a way how we broke up. So, dont..." pinigil ko na siya dahil alam ko na. "Yes Sir, don't worry. I will be quite, you don't have to remind me. All our deals will be put in grave from now on, okay Sir I have to do something" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at binabaan ko na siya.

Well siguro nga kailangan ko ng ibaon lahat ng nangyari at napagkasunduan na namin ni EB ko, wala din namang mangyayari kung aasa pa akong magkakagusto siya sa akin. Alam ko naman na ginawa niya ang bagay na iyon para mabalik sa kanya si Jerwin, siya naman kasi ang dahilan kung bakit niya ako pinagpanggap di ba? May gusto pa din ito sa kanya at gusto niyang ibalik ang dati nilang relasyon.

Mga ilang minuto lang, may tumatawag ulit sa akin pero di ko marecognize kung kanino ang number.

"Hello, sino po sila?"

"Jackson, are you Jackson?"

"Yes, why"

"This is Shaun, father of Izeik. I heard the news, what happened?"

"If you are talking about the breaking up Mr. Shaun, it's true, we broke up" sagot ko sa dad ni Izeik, pero di ko namalayan na tumutulo na pala luha ko.

Just Us "Post It" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon