Chapter 23

1.3K 40 2
                                    

Jackson's Point of View

Pamatay talaga ng moment itong si Jerwin, sasabihin ko na sana kay Izeik na niloloko lamang siya nito. He wants to own the company on his own hands, he wants Izeik to fall down on his own way.

Natakot tuloy ako ng bigla siyang sumulpot kaya agad na lamang ako lumabas sa loob ng opisina ni Iziek, baliw lang itong si Izeik at di niya alam na niloloko lamang siya ni Jerwin.

Lunch break na at inaya ako ni Gerald na kumain na sa labas, eksakto naman sa aking pagtayo ay inaya ako saglit ni Jerwin at may sasabihin lang daw siya sa akin. Pinauna ko na lang si Gerald at sumama muna ako kay Jerwin, bakit kaya at di niya kasabay lumabas si Izeik?

Gusto niya kaming mag-usap in private kaya sa kotse niya kami pumunta, di kaya niya ako tatanungin dahil nahuli niya ako na may sasabihin ako kay Iziek about sa kanya?

"I think you know why I want to talk to you right now?"

"Hindi po eh, ano po ba iyon?"

"Pilosopo ka ba? may sasabihin ka kay Iziek about sa akin kanina. What is it ba iyon?"

Kailangan hindi niya malaman na narinig ko siya about his plan.

"Sir Jerwin, sasabihin ko po sana sa kanya na...... na-iingit ako sa inyo".

"What are you pointing at?"

"I envy you Sir Jerwin, your dad is very supportive on you and Iziek loves you so much".

"Bakit, nagseselos ka ba dahil may feelings ka sa boyfriend ko?"

"Naku hindi po Sir, may nanliligaw na po sa akin and I think I'm starting to like him".

"Ganoon ba, okay you can go now". Sabi ni Jerwin kaya nakahinga na ako ng maluwang.

Dumiretso na ako sa fast food kung saan naghihintay si Gerald, hindi talaga siya nag-order hangga't hindi ako dumating. Basang-basa akong pumasok ng fast food, wala kasi akong payong.

"Sana nag-order ka na at hindi mo na ako hinintay". Sabi ko sa kanya.

"Bakit ka sumugod sa ulan, sana nag-txt ka para sinundo kita saka hindi ako makapag-decide ng kakainin kaya hinintay na lang kita".

"Sus, sige ako na lang pipili ng kakainin natin at take note ako dapat ang magbayad".

"Ako na lang".

"Hep hep hep, huwag ka ng umangal at pambawi ko ito sa pagtulog ko sa inyo kagabi".

"Ikaw ang bahala". Laking tuwang sagot ni Gerald, kilig naman siya. Bigla niyang inalis ang suot niyang jacket at sinuot niya sa akin. "Ayaw mo kasing kunin yung jacket kanina, ayan at baka lamigin ka pa". Tumayo na ako at nag-order na, sweet naman si Gerald kaya di siya mahirap mahalin.

Kaso iba talaga ang tama ko kay Iziek, na-isip ko nga kung nalaman niya na niloloko lamang siya ni Jerwin...mapapansin kaya niya na may gusto ako sa kanya at hindi dapat siya magpabulag kay Jerwin".

Nakapag-order na ako at kumain na kami ni Gerald, napansin ko na parang lumalala pa ang ulan sa labas.

Pagkatapos naming kumain ni Gerald, sabay kaming bumalik sa loob ng kompanya. Iisa lamang ang gamit naming payong, maliit lamang ito kaya't dikit talaga ang katawan namin. Nagtawanan naman kami pagtapak namin sa tapat ng elevator, para kaming bata na wari'y nagtampisaw sa malakas na ulan.

Just Us "Post It" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon