Jackson's Point of View
Maaga akong nagising at naligo agad, heto na ang araw para kausapin ko si Pedro at si Iziek.
Nang sunduin ako ni Pedro ay agad ko sinabi sa kanya na mag-usap muna kami bago niya ako ihatid sa aking trabaho, sa wendy's kami nagpunta at bumili na muna kami ng breakfast namin.
Bakit ba kahit anong sabihin ng puso ko na kay Pedro na lamang siya tumibok hindi pa din ito sumusunod sa isipan ko, pagdating kay Iziek ay nagkakampihan ang dalawa. Gwapo naman si Pedro, mabait, makisig at mayaman pa.
"Jackson? Are you listening to me?" Sabi ni Pedro, bumalik na lang ako sa eksena ng iwagayway niya ang kamay niya sa mukha ko.
"Yeah, yes I'm sorry. I have something in my mind" paliwanag ko.
"And what is it that it bothers you a lot?"
"I'm sorry on what I acted last night to you?"
"Oh, yeah. The way you acted last night makes me realise that you had a feelings for him, am I right?"
"Huh?"
"To your ex-boss Jackson" nabigla man ako ay wala na din akong alam isagot kaya't tumango na lang ako bilang pag-sagot.
Binigyan niya ako ng pilit na ngiti pero kitang-kita naman sa kanyang mga mata ang pagkalungkot.
"I think I should stop courting you then" biglang pamutol niya sa katahimikan namin sa mga oras na iyon, di ko alam ang dapat kong gawin, hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sa kanya. Lumuha na lamang bigla ang aking mga mata at tanging nasabi ko lang sa kanya ay "Sorry".
"Hey, don't cry. I felt sad too when you're not okay, don't worry about me Jackson" bigla lang siyang umalis sa kanyang upuan at lumapit sa akin, pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang mga hinlalaki. Alam kong pinagtitinginan na kami ng ibang mga kumakain dun pero wala na akong pakialam kung makita nila akong umiiyak, di naman ako bruskong lalaki dahil silahis ako di ba.
"Stop crying Jackson or I will force you to get away from him and let you stay right in my country, you want that?" Banta niya sa akin.
Pinigilan ko na ang aking paghikbi at unti-unti ng mahimasmasan, ang hirap palang sabihan ang isang may gusto sa'yo na may mahal ka ng iba. Akala ko noon, walang manliligaw at magmamahal sa akin pero ngayon na meron na saka ko naman pinakawalan.
Bakit ba matimbang si Iziek sa puso ko gayong di ko naman alam ang pagtingin niya sa akin, siya lang ang may alam na may nararamdaman ako para sa kanya.
"Are you okay now?" Tanong pa sa akin ni Pedro, huminga ako ng malalim at nagpasalamat sa kanya.
Pinagpatuloy na namin ang aming breakfast para maihatid na niya ako sa aking trabaho, malungkot man ay tinanggap na niya at sinabi niyang magkaibigan na lang kami ngayon.
---------
Kinagabihan, si Pedro pa din ang sumundo sa akin sa opisina. Dumaan muna kami ng baywalk para mag-usap, bigla niyang sinabi sa akin na sa makalawa na ang kanyang alis.
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.