HI guys, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Super busy kasi ng sched namin, heto nakasulat kahit papaano. Pagtiyagaan nyo na lang guys at pagpasensyahan nyo na kung magulo, nga pala...paki-spread naman at ng dumami naman yung readers ko hehe, cgeh :|)
____________________________________________
Jackson's Point of View
Iniwan ko muna yung Evil boss ko sa living room at pli-nay ko muna yung pinili niyang movie, total di ko naman bet yung barilan. Okay pa sana kung action comedy, yung bang katulad nung kay Jackie Chan, pero yung pinili kasi niya puro gyera ata ang tema.
Dumiretso na ako sa kusina para magluto, iba talaga din itong EB ko at gusto pa ng adobo flakes gawa ng manok at ng baboy. Bakit niya kaya gusto yun? Usually kapag may natira lang na adobo, dun pa lang lulutuing adobo flakes di ba. Pero siya dahil susyal, kailangan ko pa talaga siya gawan, demanding kasi masyado at dalawang klase pa ang gusto ngayon.
Tapos na akong mangsangkutsa and pinakulo ko na ng sabay ang manok at ang baboy, hiniwa ko na ang gulay para sa pinakbet at para sa hipon ko. This is for me naman, total di ako ang nagbayad kaya hindi ako mag-aalinlangang lutuin lahat ng pinamili ko.
After one and Half hour lutu na, natapos ko na din ang apat ay bale limang klase ng putahe ang naluto ko. Nilabas ko na at hinapag sa mesa, nakapagsaing na din ako. Ang bilis ko di ba, sana magustuahan niya luto ko.
Tinignan ko si Izeik habang nanunuod pero nakatingin na pala sa mesa.
"Smell good right" sabi ko sa kanya ng tinignan niya ako.
"Why it took you so long" sagot niya.
Nakita kong patapos na yung movie na pinapanood niya, baka nga naiinip siya kakapanood at wala man lamang siyang popcorn o kahit na anong makain habang nanonood.
"Iwan mo na yan at kumain ka na dito" inaya ko na siya sa mesa.
Agad naman siyang tumayo at mukhang excited sa pagtikim sa luto ko, para pala kaming mag-asawa. Day-off ng asawa ko at pinagluto ko siya ng paborito niyang ulam at magmo-movie marathon kami na magkatabi pagtapos kumain, ang sweet nun. ^___^
Konsensya: Mahiya ka naman, boss mo kaya yan hindi asawa
Jackson: Oo na, magtigil ka na dyan. >_______<
Umupo na si Evil boss ko sa mesa at unang kinuha ang adobo flakes na baboy, agad itong sumubo. Nguya...nguya...nguya...lunok...reaksyon time, tumingin siya sa akin.
*^____^* "It's good" sabi niya.
"Good lang ba o very good?" Tanong ko sa kanya.
He grinned "Your Moms is the best but yours is only good"
Ang sama naman nito, good lang ang binigay niyang score sa akin eh magkalasa lang yung luto ng nanay ko saka luto ko eh. Mabilaukan ka sana, katok sa mesa, joke lang yun.
"Join me" sabi niya.
"Marunong ka naman pala mag-invite" umupo na ako across sa kanya.
Tinikman niya din yung manok version at nag-smile siya as in =) ako naman (*0_###_0*). Para akong hihimatayin, ang gwapo niya kapag naka-smile. Gusto ko siyang kurutin, i-hug at i-kiss.
"Are you okay?" Tanong ni Evil boss ko.
"Ah OO, okay lang ako" ano bang nangyayari sa akin? Na-iinlove na ata ako kay Evil boss ko, hindi pwede.
Parang nasarapan din siya sa iba kong luto at heto pinapanood ko na lamang siyang kumain at ako, di na ako makakain. Wala siyang pakialam na may nanonood sa kanyang kumakain, siya yung tao na tipong ngayon lang nakakain ng ganitong ulam.
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.