Chapter 2
"Jackson!" Sigaw ng kaibigan kong si Albert habang pumapanhik sa hagdan papunta sa kwarto. Ako naman ay naghahanda na para mag-shower, wala pa akong lakad ngayon pero may sariling alarm ata katawan ko kaya heto ang aga kung gumising.
"Pare, may ka-date ka ba kagabi?" Tanong ni Albert pagkabukas niya ng pinto. Ako naman nabigla sa tanong niya at binaliwala ko na lamang siya. Ang aga-aga naman kasi niyang makikichika, siya kasi number one likers ko at commentador ko sa fb page ko.
Patuloy lang ang pagtatanong ni Albert habang ako naman ay nagsa-shower na, nadinig kong nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa malapit sa sink. Pinatay ko muna ang shower at sinagot ko yung tumatawag sa cp ko.
"Yes hello, Sino po sila?" Tanong ko sa unknown caller. "Are you Mr. Jackson Chance" nag-yes agad ako at baka trabaho na ito. Hindi nga ako nagkamali at isang babaeng nagtatrabaho sa Kingz Company ang nagbigay sa akin ng oras para pumunta sa orientation ngayon. Aba't kung swe-suwertihin nga naman at dadaan sana ako mamaya dun para makuha ang pinaghiripan kong trabaho kahapon, aba'y napaaga pa ako ngayon.
"Anyare?" Tanong sa akin ni Albert ng nagmadali akong lumabas ng banyo at humalukat ng pormal na susuotin para sa orientation. "Kwento ka naman oh" pangugulit ni Albert uli sa akin. "Baka mamaya na ako magku-kuwento at may tumawag sa akin, trabaho na ito" sabi ko sa kanya habang naglalagay ako ng wax sa aking buhok.
Nagdiretso na akong lumabas ng kwarto ko at iniwan ko na ang kaibigan kong makulit, sumakay ako ng MRT para hindi ako ma-traffic.
Dumating ako sa oras at agad akong pinadiretso sa opisina ng presidente, madami ang nakasabayan kung pumasok ng elevator at mukhang lahat sila ay trabahador na dito sapagkat may suot-suot na silang mga I.D ng kompanya, kinabahan naman ako kung alam na kaya ng president dito na ako ang hahalili sa nag-resign niyang secretarya.
Natahak ko na ang elevator at nakarating na ako sa harap ng malaking pintuan ng opisina ng masungit na Presidente nila. Kakatok na ako ng pinto at...
"Anong ginagawa mo dito?" Antipatikong pagtatanong ng isang lalaki, humarap ako sa kanya at dalawa pala silang magkasama, nakita ko din crush ko at ang pogi na masungit.
"Good morning pog...este Sir sa inyo" bati ko sa kanila "Andito ka na pala" natutuwang sabi ni crush ko" agad na namang sumabat si pogi 1 "Andito ka ba para kunin na ang sweldo mo?" Atat na sabi ni poging mataray at ngumisi pa "Teka lang pare chillax, may rason kung bakit siya nandito" pagpipigil ni crush ko kay poging mataray.
Pinapasok muna kami ni crush ko sa opisina ni pogi 1 at nag-explain. "Pare, meet your new Secretary!" Pagpapakilala ni Mr. Tyler sa akin "What!?" nagulat siya at naging halimaw ang pagmumukha ni Mr. Kingz
Ako'y napaurong bigla at natakot sa kanya, grabe yung negatibong ekspresyon niya sa balita ni crush ko. "Pare, huwag ka namang ganyan. You are scaring him, okay let me say this, marami ng sumukong sekretarya sayo at naiisipan ko na i-try naman ang isang lalaking tulad niya para naman may makatagal sayo" tumigil sa pag-eexplain si crush ko tiningnan ako "Makakatagal ka naman sa ugali ng kasama kong ito di ba?" tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa tanong niya.
"Whatever!" Tinaas niya ang dalawang kamay niya na senyas ng pagsuko.
Ako naman, lalakasan ko na lang ang loob ko cause I need this work badly. Mukhang may savior naman ako dito kaya't kakayanin ko ang impaktong ito (Oo, impakto na at di na poging mataray ang itatawag ko sa kanya, pero sa isip lang (^_____^)
Lumabas na si crush ko at iniwan na ako kay impakto, tahimik lang na umupo si Mr. Kingz sa kanyang upuan. "Dito po ba ang pwesto ko?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa bandang kaliwa malapit sa pinto.
"No, you stay outside the office and your table is in front" nakakunot noo niyang sabi "Okay sir, do you need anything before I go out?" "Nothing, just go out" pagbulyaw niya sa akin.
"Taray" pabulong kong sabi "Did you say anything?" Tumingin lang ako sa kanya at kinindatan ko na lamang siya at lumabas na ako ng opisina niya at di na siya pinansin. (^____*)
Pagkalabas ko ng pinto ay may mga ususyero palang nakikinig sa usapan namin mula sa loob, binati naman nila ako at tinuro nila sa akin yung table ko. Buti naman at mabait ang mga nagtatrabaho dito lalung-lalo na si Gerald unang nagpakilala sa akin at nagsabi na pwede akong sumabay sa kanila mamayang lunch. Siya na din ang nag-explain sa akin sa mga naiwang trabaho ng huling nagtrabaho bilang sekretarya ni impakto (-____-).
Wala pa akong masyadong ginawa at nagkalikot muna ako sa computer para i check ang schedule ng boss ko. Hanggang sa mag-lunch na kami at sumabay na ako kina Gerald, dalawa pa mga kasamahan niya ang naka-close ko nung oras na yaon.
Pagbalik namin sa opisina ay dumiretso muna ako sa teller sa company upang kunin ang sweldo kahapon (Sayang din yun noh). Nakasabay ko naman si crush sa elevator papuntang opisina at biniro-biro pa ako, nagkuwento ng kung anu-ano tungkol sa masungit kong boss. Bale mag-pinsan pala silang dalawa kaya hindi layo ang hitsura nila at sadyang maiinitin lang daw ang ulo niya dahil sa kanyang Ama. Hindi ko alam kung bakit pero mamemersonal naman akong kung itatanong ko pa kung bakit.
Dahil sa malakas naman ako kay crush ko ay tinanong ko siya kung single pa ba siya o may nagpapatibok na ba sa kanyang puso. Pabiro niya din akong sinagot single and available at pwede naman daw akong mag-apply. Halos mamula naman ako kahit biro lang yung sagot niya sa akin, pero syempre joke joke joke lang naman daw (Bakit di naman niya alam orientation ko di ba).
Asa pa ako, eh sigurado naman ako na babae ang peg ng crush ko eh. Pero malay ko, kahit mag-asumero na lang ako baka magkatotoo naman di ba (*^_____^*).
Pagbalik ko naman sa table ko eh tinawag ako ni impakto at madaming pina-arrange na papeles sa akin, sinira niya araw ko ah.
Mag-aalas-siyete na ng lumabas ang boss ko sa kanyang opisina at pinaalalahanan niya ako na dapat ko daw tapusin at gagamitin na ito bukas ng maaga. Dinuro ko siya pagkatalikod niya sa akin at tumawa ang mga kasamahan ko ng makita ako, tumingin siya sa akin at inaayos ko ang pagka-upo at pag-aayos ng papeles. Ng hindi niya ako nahuli ay nagtuluy-tuloy na siya sa elevator.
Lakas tawa naman ng mga kasamahan ko pagkasara ng elevator na sinakayan niya.
"Lakas mong maka-trip sa kanya" sabi ni Jade na isa kong naging close sa lunch namin kanina "Gwapo sana siya kaso ang super sungit naman" sabi ko "Tama ka diyan and you know what, cute ka din naman" si Jade. “Thanks, marami nga ang nagsasabi” tumawa na lang kami.
8:15 na ako nakauwi sa amin at nag-online na ako, nakita kong available si Albert at nagkwento na ako sa kanya mula nung nangyari kahapon. Naging excited siya at nagtanong kung ano ang mga hitsura ni pogong mataray na impakto at si crush ko. Sabi ko naman, gwapo sila kung gwapo kaso, malabo naman na makabingwit ako sa kanila hehe joke lang.
Wall
Sa wakas may trabaho na ako, take note, si crush ko pa talaga ata ang nag-attempt na i-hire ako. Muntik na ngang maaberya dahil sa pagtanggi ni impakto na akin, kaiinis siya (@_____@). Buti na lang may knight and shining armor ako, kung hindi wala pa din akong trabaho ngayon. ¥(^_____^)¥
#thankyoulord
#trytolovemywork
Post
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.