Chapter 34

1.3K 36 1
                                    

Jackson's Point of View

Naiinis akong naglalakad palabas ng opisina ko dahil pinilit ako ni Albert na makipagkita kay Iziek, alam ko naman na hihingi siya ng paumanhin dahil sa nalaman na niya ang pakay sa kanya ni Jerwin.

Gusto ko na hindi siya makita, okay pa sana kung hindi niya pa alam ang tunay na nararamdaman ko sa kanya. Kaso, naging madaldal ang bestfriend kong si Albert. Alam na niya tuloy kaya ayokong harapin siya ngayon dahil nahihiya na ako, alam niyo yun? Alam na ng crush mo na crush mo siya. Eeewww, nakakahiya!!!!

Eksaktong pag-exit ko ng kompanya ay siya namang dating ni Pedro, agad niya akong hinila papunta sa kotse niya ng hindi man lang nagpapaliwanang. Pilit kong pinaliwanag sa kanya na may katatagpuin ako ngunit parang bingi lang siya at di ako pinansin, kinabahan ako sa ginawa niya at naiisipan ko na lang tawagan si Albert na hindi ako makakarating sa usapan namin ni Iziek.

Pakshyet naman, nakalimutan ko sa table ko ang cellphone ko sa opisina. Sinubukan kong manghiram ng cellphone kay Pedro ngunit di talaga ako pinapansin, magwawala na sana ako ng biglang tumigil ang kotse niya sa isang botique.

"What are we doing here?" Tanong ko sa kanya.

"You have to change clothes before we meet them" aniya.

"Who will we meet?"

"Just change Jackson".

Wala na akong nagawa dahil ayaw niyang sumagot sa akin, namili ako ng button-up white polo sport shirt at greyish maong pants para mapartneran ko ang mga black shoes ko. Hindi naman siya nag-reklamo sa sinuot bagkus ay pinuri pa niya ako, cute pa daw ako ngayon.

Umalis na kami ng botique at syempre, siya ang nagbayad ng damit na sinuot ko na.

Hindi familiar ang restorant na pinuntahan namin at hindi ko alam kung sino ang makaka-meet namin, kaibigan ba niya o katrabaho? Malabo naman na pamilya niya eh nasa ibang bansa sila di ba?

Pagpasok namin ng restorant eh, may nakita akong dalawang babae at dalawang lalake. Kapwa sila ay mga amerikano't amerikana.

"What's up guys?" Bati ni pedro sa kanila.

"It's been a while, is that Jackson?" Sabi nung brunetang girl.

"Yes, Kendra, Faith, Keith and Peter. Meet Jackson my date" pakilala sa akin ni Pedro.

"Hi Jackson, it's so nice to finally meet you". Bati nilang lahat sa akin at nagbeso silang lahat even yung mga guys.

Grabe, nalaman ko na kapatid pala sila ni Pedro. Boyfriend ni Kendra si Keith, panganay daw siya. Sumunod si Peter then si Pedro tapos si Faith, they're all are beautiful family. I'm talking about that no one of them has the desappealing look, gwapo at magaganda silang lahat.

Nauna daw silang pumunta ng pinas dahil busy pa daw ang mga parents nila, nose bleed na naman ang peg ko dito kaya hindi ako masyado nakisali sa usapan nila. Nakikitawa na lang ako kapag nagbibiruan na silang magkapatid, di ko inexpect pero nag-enjoy akong makipag-kwentuhan sa kanila.

Matagal-tagal din bago kami nagpaalam sa kanila ni Pedro, maggagabi na kasi at kailangan na akong ihatid ni Pedro sa bahay namin. Alam niyo na, curfew. Pa-girl lang no.

Just Us "Post It" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon