Chapter 3

1.8K 68 0
                                    

Chapter 3:

 Nakatayo ako sa loob ng masikip na MRT papasok sa aking trabaho, halos mag-mix up na yung mga amoy namin sa loob dahil sa maraming nakasakay na pasahero ng pampublikong MRT ngayon, halos katulad kong mga nagtatrabaho ang mga kasabayan kong ito. Bagaman may kotse ako eh pipiliin ko ng sumakay dito kesa ma-late ako sa trabaho ko, masungit pa naman yung boss ko.

 Tumigil na ang MRT sa may red belt street kaya't nag-ready na ako para makipagumpugan papalabas ng MRT, bumukas na ang pinto at unti-unti ng gumalaw ang mga tao. Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko at naiipit ako sa bandang gilid nung MRT.

 Wala na akong nagawa at hinintay ko na lang na maging mahinahon ang paglabas ng mga tao at nag-sigh na lang ako ng makalabas na din ako.

 Medyo irita akong naglakad pataas sa hagdanan palabas ng MRT station at dali daling nag-abang ng taxi papuntang opisina ng may marinig akong may tumatawag sa akin at bumubusina malapit sa akin, nagpalingun-lingon ako at nakita ko si crush ko 0_____0. Tumawa siya ng lumingon ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya.

 "Good morning Sir" bati ko sa kanya. "Pwedeng huwag mo akong tawaging Sir kapag nasa labas tayo ng opisina, tsaka you are the secretary of the President not the V-President" paliwanag niya sa akin, tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. "Hop in, huwag ka ng maghintay ng taxi, sabay ka na sa akin" lumabas siya ng kotse pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa kabilang driver's seat.

 Hindi na ako nakahindi at si crush ko pa ang nag-alok na sumabay sa kanya, hay naku pumunta ata lahat ng dugo ko pataas, aba teka huwag kang papahalata na nagba-blush ako sa harap ng crush ko at baka masuntok pa niya ako. (>____<)

 "What's with your face kanina?" Tanong niya sa akin ng malapit na kami sa office. Hindi ko agad na-gets yung tanong niya pero naalala ko ng lumabas ako kanina sa MRT station eh iritado ako. "Ang gulo kasi ng mga tao sa MRT kaya nairita ako" sabay tanggal ko sa seatbelt at lumabas na kami ng kotse niya. "By the way, pakisabi sa boss mo na may dinner kaming pupuntahan mamaya kaya ipalala mo sa kanya huh" huling sabi ni Mr.Creed pagkalabas niya ng elevator, mauuna kasi siyang bababa sa akin at tatlong palapag pa bago ako makarating opisina.

 Nag-ready na akong ng sarili at kailangang positive vibes lang ako hanggang matapos ang araw na ito.

 Pagpatak ng alas siyete y media dumating ang Evil Boss ko (Ay bagong tawag ko sa kanya), binati ko siya at di man lang ako pinansin. Yung mga kasama ko sa labas eh yumuko lamang bilang pagbati sa kanya ng magandang morning.

 Tumingin ako sa kanila at gesture na kung anong meron sa kanya? Para kasing maiinit ang ulo niya at ang cold lang ng ekspresyon niya, gininaw tuloy ako.

 Ng makapasok na siya sa kanyang office eh lumapit sa akin si Jade at sinabing baka nagkagalit na naman sila ng dad niya.

 Ayun naman pala at nagkakagalit silang mag-ama, sumunod pa ako sa loob ng office para sabihin ang mga appointments and meetings niya ngayong araw.

 Dumiretso muna ako ng mini kitchen upang ipagtimpla siya ng hot choco, "Lagyan ko kaya ito ng shabu ng maging maaliwalas ang mukha niya" sabi ko sa sarili ko, pero syempre joke lang naman yun noh kung si crush ko lang siguro ito baka love potion pa ang ilagay para naman mahumaling siya sa akin.

 Lumabas na ako at ibinigay ko na sa kanya hot choco na ginawa ko at nagpaliwag na ako sa mga appointments niya ngayon.

 "Sir, dadarating po dito ngayon ang President ng Anville Corpiration for investment deals" ako "I know" sabi niya. "Next, after that kailangan po nating makipag-negotiate doon sa pwesto sa makati para sa itatayong bagong branch ng department store" ako "Teka, do I need go there?" Malamig niyang tanong at tinikman na niya ang ginawa kong hot choco. "Yes Sir, the owner wants to talk to you for some matter" paliwanang ko sa kanya at nag-okay na lang siya. "Lastly, ito po yung mga reports na kailangan pirmahan niyo" huminga siya ng malalim at humigop siya ulit ng hot choco.

 "Okay na ba lahat?" Tanong niya akin. "That's all Sir" sabi ko at pinalabas na niya ako ng office. Bago ako nakalabas ng pinto eh naalala ko yung sinabi sa akin ni crush ko "By the way sir" tumingin siya sa akin at parang nagliyab yung mga mata niya "Pinapa-remind lang po sa akin ni Mr. Creed yung pupuntahan nyo na dinner meeting mamayang 9 ng gabi" hinintay ko siyang sumagot ngunit bumalik lang siya sa pagpipirma ng mga papeles at lumabas na ako.

 Mabilis gumalaw ang oras at nagsimula na ang meeting namin sa President ng Anville na labis naming ikinatawa sa resulta na mag-iinvest sila ng malaking pursyento dito sa aming kumpanya, doon ko lamang nakita si Evil Boss ko na calm at parang normal lang na tao habang nagpapaliwanag kanina. Pagkatapos isinama niya ako sa makati para makausap ang may-ari noong pwesto kailangan namin para mapatayo ang bagong branch na itatayo doon, hindi naman kami pumalpak at dahil yun sa effort ko, hindi kasi pumayag ang boss ko sa deal ng kinausap namin at nakipag-bid na lang ako sa may ari at napapayag ko siya.

 Balik kami ng opisina upang ihanda ang kailangang papeles para doon. Naupo ako sa table ko ng i-print ang mga kailangan. Habang nagpi-print ako eh chumika si Jade sa akin kung ano daw lagay ko bilang kanang kamay ni Sir Evil Izeik.

 "Okay lang naman te, keri...este kaya pa ng powers ko" sabi ko, bigla akong tiningnan ng masama ni Jade. "Ang sama ng tingin mo?" Tanong ko "Para kasing may naamoy akong kakaiba eh" sabi niya. "Huh? Ano naman?" Kinabahan ako "May dugong berde ka ba?" Tanong niya ng pagkalakas-lakas, tinakpan ko ang bibig niya. Hindi ko alam na nakatingin na silang lahat sa akin at masaklap pa nun eh nasa pintuan yung evil boss ko at nakatingin din sa aming dalawa ni Jade.

 Natahimik kaming lahat at binasag ni Gerald at nagtanong "Are you gay? Jackson?" Binitawan ko na ang kamay ko sa bibig ni Jade at napayuko na lang ako. Mukhang naghihintay silang lahat ng sagot kaya tinapangan ko na ang sarili ko. "Yes, I'm gay" at tumalikod na ako sa kanila" tumulo na lang bigla ang luha ko habang hinahantay kong matapos lahat ng pini-print ko.

 "What are you waiting for? Go back to work!" Nabigla na lang ako ng marinig ko ang boss ko sa pagsabi niyang yun sa lahat. "You" tinignan ko siya at nakaduro siya sa akin "Come in my office" nag-ayos na ako at pinunasan ko na ang luha ko at susunod na ako sa boss ng bumulong si Jade sa akin "I'm sorry friend, hindi man lang ako naghinay-hinay sa pagtanong ko sa’yo" tumingin ako sa kanya. "It doesn't matter, at least alam niyo na habang maaga pa di ba" I just gave a fake smile and get inside the office.

 Nalaman din ng boss ko, baka tanggalin niya ako nito. Pagsara ko ng pinto eh tumalikod siya upang kausapin niya ako, kinabahan akong bigla dahil seryoso talaga ang mukha niya.

 "Go home and...." pinutol ko ang sinabi niya dahil alam ko na ang kasunod nun.” I respect your decision Sir, I will pass my resignation letter right away" sabi ko sa kanya. "Are you crazy? What are you saying?" Nagtaka ako sa kanya. "Let me finish first, go home and change your outfit, you will go with me and Tyler to the party tonight" si Izeik "Sir, you're not mad at me?" Tanong ko "Why would I'll be mad at you" sabi niya, shocked pa din ako at sinabihan niya ulit ako na umuwi na magpalit na ng damit sa amin. 

Just Us &quot;Post It&quot; (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon