Jackson's Point of View
6:00 am, bumangon na ako sa pagkakahiga, I decided to go work today. Tama na ang isang araw para ma-realize ko na hanggang secretary lang ako ni Izeik, hindi na ako aasa pa na magkagusto siya sa akin. Si Tyler nga hindi ako napansin na may crush ako sa kanya si Izeik pa kaya na turing lang sa akin ay isang binayaran lamang para maging fake boyfriend niya.
Siguro, papansinin ko na lang yung tao na magkakagusto sa akin. Yun bang maga-attempt na ligawan ako, yung mamahalin ako at hindi lang ako ang magmamahal.
Nakaligo na ako at bumaba na para kumain, kasabay kong kumain si mama bago ako lumabas ng bahay. May reporters pa din sa labas ng bahay kaya magko-kotse na ako papunta sa company, wala na akong sundo remember.
Nakasakay na ako sa kotse at binuksan na ni Mama yung gate namin, nakasulong ako ng mga ilang segundo pero hinarangan ako ng mga reporter. Ang kulit nila, grabe sila. Binubulyawan sila ni Mama para makadaan na ako pero ayaw nilang paawat, naiinis na ako kaya lumabas ako sa kotse ko para sagutin na ang mga katanungan nila.
"Ano bang gusto niyong malaman?" Sigaw ko sa kanila. Sunud-sunod na silang nagtanungan pero dalawa lang na tanong ang sinagot ko.
"First of all, totoo po na break na kami ni Izeik and naiintindihan ko kung bakit yun nangyari and second...hindi dahil nag-break na kami eh magku-quit na ako as his secretary". Sumakay na ako ulit sa kotse ko after kong mag-speech sa kanila, para namang mahaba yung sinabi ko noh...hehe
Nakarating na ako ng kompany at diretso ako sa taas pagkatapos mag-log, mukhang gulat naman yung mga katrabaho ko sa pagdating ko.
"May multo ba sa tabi ko at gulat kayong lahat sa pagdating ko?" Sabi ko sa mga kasamahan ko, si Gerald na lang ang hindi gulat...alam na niya kasi dahil sinabi ko sa kanya kagabi na papasok na ako.
"Kasi naman friend, may broken-hearted ba na one day lang magluksa?" Sabi ni Jade sa akin.
"Ano ka ba Jade, hindi naman ako namatayan eh. Nag-break lang kami ng fake boyfriend ko no" walang pakundangan kong sinabi sa kanya.
"Oo nga pala, fake nga lang pala relasyon mo kay Sir Izeik" bumalik na siya sa kanyang pwesto at ganun na din yung iba.
Paano kasi, dumating na si Sir Jerwin. Kitang-kita sa mukha niya na parang nanalo siya ng lotto, diretso lamang siyang pumasok sa opisina ni Izeik at di man lang sinagot ang paggo-good morning ko sa kanya.
Ilang minuto lang ay dumating na din si EB ko, kasabay niya si Tyler.
"Good morning Izeik, good morning Tyler" bati ko sa kanila.
"Are you okay now?" Tanong ni Izeik.
"Yes" simpleng sagot ko sa kanya.
"So, you are single now. Can I date you tonight?" Sabi ni Tyler.
"Why not, libre naman ako mamaya" sagot ko.
"Okay then, see you later" tuwang-tuwang sabi ni Tyler at iniwan na niya si Izeik.
"Bakit ka sasama sa kanya? I thought you don't like a guy like him"
"Eh Sir, sayang din yun inaya ako nang crush kong mag-date kami. Malay mo he will change after he date with me di ba?"
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.