Gerald's Point of View
(Buti na lang naisipan ni Author na bigyan na ako ng POV, may role din naman ako dito).
Pagkatapos kumain ng cake sina Sir Izeik at Jackson, umalis na sila. Ayoko pa sanang umalis na si Jackson kaso sasabay daw siya kay boss, ewan ko pero gusto ko pang makausap at masolo si Jackson.
Simula pa noon, may iba na akong nararamdaman kay Jackson. Alam ko dati na lalaking-lalaki ako, naiba ito ng makilala ko siya. Simula kasi ng nangyari ang eksena ng magka-usap sila ni Jade, tinanong ko siya at sumagot siya ng may tapang na bakla daw siya.
Una kong naramdaman? Syempre nagalit ako, alam kong di pa kami lubos na magkakilala pero nakagaanan ko siya ng loob ng una siyang pumasok sa kompanya namin. Lahat nagbago sa akin ng hindi siya mawala sa isipan ko, hindi ako mapakali at gusto ko lagi siyang nakikita.
Malimit namang mangyari na lagi ko siyang makasabay tuwing lunch, paano naman kasi, pinagpanggap lang naman siya ng presidente ng kompanya namin na magpanggap bilang boyfriend. Oo, masakit para sa akin. Akala ko mawawala agad siya sa kompanya ng malaman nila na bakla siya, alam ko namang Bi yung presidente ng pinagtatrabauhan ko, kaso...di ko alam na gagamitin niya iyon para lang magpanggap si Jackson bilang boyfriend niya.
Mas natatakot pa ako ngayon na baka mahulog naman ang loob ni Jackson kay Mr. Kingz, may hitsura ito at saka mayaman pa di ba. Di malabo na baka mahalin niya ng totoo at syempre masasawi naman ako dahil hindi mapapasaakin si Jackson.
Nabitin ata ako sa kwentuhan namin kagabi, kaya hindi ako makatulog pagkatapos ng gabing yaon. Napagod ako sa paghahanda sa birthday party ng bunso kobg kapatid pero hindi nga ako nakatulog, nakaidlip naman ako kaso mga isang oras lang.
Kinaumagahan, nabigla yung mama ko sa akin. Mukha daw akong zombie, sabi ko naman di ako nakatulog kaya pagkatapos kong kumain ay pinainom niya ako ng cobra energy drink para alive daw ako sa work.
Umipekto naman ang cobra at nagising na ako, pumunta na ako ng kompanya at ewan ko kung bakit masaya ako. Nga pala may natira kasing cake at pinadalhan ako ni mama, naalala ko din na gustong-gusto ni Jackson ang cake kaya siguro ako masaya.
"Good morning bati sa akin ni Jade"
"Busy ka ata at hindi ka nakapunta sa birthday party ng kapatid ko" sabi ko sa kanya. Hindi kasi siya nakapunta kagabi.
"Oo nga pala, heto oh" may inabot siyang regalo ata sa kapatid ko. "Ayan, pasensya naman at may date ako kagabi" tuglong pa niya.
"Okay lang, thanks pala and good morning by the way"
Sakto naman ang pagbukas ng elevator, pumunta na kami sa usual seats namin at start na ang work. Dumating na din sina Sir Izeik at Jackson, lagi silang magkasabay pumasok simula ng mag-work dito si Sir Jerwin. Binati na ako ni Jackson na usual niyang ginagawa pero agad naman din sila pumupunta sa loob ng office ni Sir Izeik, alam ko lagi niyang ginagawan ng hot choco ang boss niya. Pagkatapos naman na gawin ni Jackson iyon eh lumalabas na siya sa office at uupo na sa kanyang table which gusto, lagi ko siyang tinititigan kapag may pagkakataon.
Lumipas ang mahigit isang oras dumating si Chairman at agad na tinanong kay Jackson kung andito na daw si Sir Izeik, sinamahan naman siya ni Jackson sa loob ng opisina. Ilang minuto lang eh lumabas silang apat ngunit mukhang maiiwan si Jackson, bakit kaya? Pero nakahanap ako ng time para makausap uli siya.
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.