Chapter 38

1.1K 41 0
                                    

Albert's Point of View

"Congratulations" sabi ko bago ibaba ang cellphone ko. Si Jackson ang kausap ko, buti pa si best happy na siya sa prince charming niya. Samantalang ako, lagi na lang ako inaaya lumabas sa mga restaurant nitong si Tyler pero he take it only for a purpose. Sa tuwing may kailangan lang ata siya doon niya ako lalandian. Joke, susuyuin haha. Wala talaga ata siyang gusto sa akin.

Lumabas na ako ng cubicle ng cr sa opisina, tumatae kasi ako habang kausap ko nga si Jackson. Medyo maaga pa kaya walang tao dito, naghugas muna ako ng mukha para naman mawala yung kalungkutan ko.

Hmmm, di talaga ata maganda yung love life ko.

Tumuloy na ako sa opisina ni Tyler, kinamusta niya ako ngunit nginitian ko na lamang siya.

"I have to talk to a client later, you go with me later Albert" sabi sa akin ni Tyler.

"Ok sir" tipid kong sagot sa kanya at nagbisi-bisihan na lang ako.

"Parang ang tamlay mo?" Takang tanong niya sa akin. Baka nanibago dahil tahimik ako ngayon, kasalanan mo ito eh.

"Medyo mabigat lang pakiramdam ko" sagot ko.

"Kung gusto mo um...."

"Ok lang ako, sama ako sa'yo huwag kang mag-alala" sinabi ko para tumigil na siya.

------------

Lunch break na agad, di ko na napansin dahil may pina-type sa akin si Tyler para daw sa client namin na kikitain ngayon. So, sabay na naman kami magla-launch nito. Ayoko pa naman sana sumabay sa kanya ngayon.

Inaya na niya ako at lumabas na kami.

Pagdating namin sa isang sosyaling restaurant, isang lalaki ang nadatnan naming naghihintay na sa amin.

"I'm sorry we're late" sabi ni Tyler sa lalake. Gwapo din ang lalaking ito, mukha nga lang goons. Mohawk ang buhok at may suot na tingga, siga talaga ang dating.

"Ok lang, ayos na ba ang mga papele? Taning niya. Ang lamig pala ng boses niya, siguro singer din siya.

Iniabot ko ang mga papeles sa kanya at binasa niya ang mga ito.

"Cool, ang cute ng secretary mo ha" puri niya sa akin at kinindatan pa ako. Binigyan ko naman siya ng pagkabongga-bonggang ngiti at nakipag shake hands pa, ang lambot ng mga kamay niya.

"What's your name cutey?" Tanong niya at hinalikan ang kamay ko. Gosh, girl ba ako para gawin niya iyon.

"I'm albert" tipid kong sagot.

"It's nice to meet you Albert"

"Aheemmm, business ang pinunta namin dito Jayson hindi blind date" sabat ni Tyler sa amin na lukot na lukot ang mukha niya. Huh, bakit naman siya nag-inarte ng ganyan?

"I'm sorry, kain muna tayo before I sign these papers".

"That's a good idea" sabi ni Tyler.

Hala, intense ata. Di kaya nagseselos ang mokong na ito kay Jayson, mukhang type nga ako ng goons na ito. Ting, parang nagliwanag ang bombilya sa loob ng aking utak. Siguro kailangan ko lang pag-selosan si Tyler para malaman ko kung may gusto na ba siya sa akin o wala.

Tamang-tama at linapit ni Jayson ang upuan niya sa akin at di naman ako lumayo, humati siya ng chicken stuffed sa kanyang tinidor at susubuan niya ako. Syempre, kinain ko at umaktong ang saya-saya ko.

"Thank you" sabi ko at tiningnan ko si Tyler na chill lang sa paglamon niya. Buwisit talaga ang lalaking ito, wala talagang pakiramdam.

Tumayo naman ito at nagpaalam na pupunta lamang siyang cr, tapos nakita ko siya na sumenyas na sumunod daw ako sa kanya. Na-gets ko naman kaya ilang segundo lang eh sumunod ako't nag-excuse na kay Jayson.

"Anong ginagawa mo?" Tanong agad sa akin ni Tyler pagpasok ko sa cr.

"Ano namang ginawa ko?" Balik kong tanong sa kanya.

"Huwag mo akong pilosopohin, why are you flirting with that guy?"

"Aba, siya naman ang nakikipag-flirt sa akin. Bakit ako ang tinatanong mo?" After ko sinabi iyon eh lalabas na sana ako ng cr ng bigla niyang hablutin ang kamay ko.

"I don't want to see you flirting with other guy" seryoso niyang sabi sa akin.

"Baket? Nagseselos ka ba sa kanya?" Nakangisi kong tanong dahil nafi-feel ko na magiging successfull ang balak ko na pagselosan siya. Matagal bago siya sumagot pero parang hinulog ako sa mataas na building sa sakit ng naramdaman ko ng marinig ang sagot niya.

"Why would I feel jealous, you're not my type okay". Ito ang sinabi niya dahilan para tumuloy na akong lumabas ng cr at diretso na din palabas ng restaurant.

Lilipat sana ako ng pedestrian pero may humablot sa akin dahil muntik na ako masagasaan. Tumingala ako at si Jayson pala, sinundan niya daw ako ng makita niya akong nagtatakbo palabas ng restaurant.

"Magpapakamatay ka ba?" Tanong niya sa akin. Yumakap na lamang ako bigla sa kanya dahil nasaktan talaga ako sa narinig ko kay Tyler. Bakit niya sinabi iyon? Ganoon ba talaga ang feelings niya sa akin?

Tumawag si Jayson kay Tyler na idadaan na lang daw niya ang papeles sa opisina niya at nagpaalam na sasamahan na lang daw niya ako muna.

Kahit mukhang goons si Jayson, napaka-gentleman pala niya. Ngayon pa lang kami nagkakilala pero kinomfort niya ako na parang matalik na kaming magkaibigan, sana ganito sa akin si Tyler.

Hinatid din ako pauwu nitong si Jayson, kahit papaano ay naibsan nito ang bigat na nararamdaman ko kanina. Napag-desisyunan ko na din na mag-resign na kay Tyler, ayoko ko ng ipagsisikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin.

Siguro, the love I felt for him should stop now. Lagi naman kasi akong sawi. Dapat siguro, pagbigyan ko na lang kung sino man ang kakatok sa aking puso. Lesson na sa akin ito, love story is not always a happy ending.

 __________________________

A/N: May side story pa sana si Tyler kung bakit hindi niya kayang sabihin kay Albert ang tunay niyang nararamdaman para sa kanya. Feeling ko kasi lalong hahaba pa ang kwento kapag itinuloy ang kwento nilang dalawa, leave it that way na lang. Anyway kina Iziek at Jackson naman ang storyang ito. Last 2 chapters na lang.

Just Us "Post It" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon