"Kaloka naman pre, mamayang gabi na yung reunion ng boss ko" pambungad kong sabi sa kaibigan kong si albert. "Aba galingan mo sa pag-aacting friend, gwapo naman ata yung boss mo, panindigan mo na" pambobola ng friend ko sa kabilang linya. "Ayoko nga, kung si crush ko lang iyon talagang tototohanin ko na eh" sabi ko "Oh siya sige, pumasok ka na sa trabaho at baka ma-late ka pa, babush na" si albert "Sige, good luck na lang sa akin mamaya, pre" o di ba magpare lang ang peg namin, di naman kasi kami yung baklang lantad eh, yung bi-curious ba tawag dun....ah ewan yun na yun.
Sa trabaho
"Good morning GKB" bati ko ng dumating si Evil Boss ko. "GKB ka diyan, sunod ka sa akin" sabi niya at pumasok na sa kanyang opisina. "Uy Sonny, anong GKB?" Tanong ni Jade sa akin. "Ah sa amin na lang yun ni boss" sabi ko “Aba, mukhang malakas ka kay boss, may pinakain ka ba sa kanya" si jade ulit. "Naku chismosa, tawag pa ako ni sungit kaya later na yan" sabi ko.
Pumasok na ako sa opisina niya at nagkausap kami, may mga plan kami for being a fake partners. Kinancel muna namin yung mga appointments niya ngayon to work for our plan.Well para kapani-paniwala that we are officially partners eh nagpictyuran kaming dalawa sa loob ng office, lumabas kami ng office, change outfit, selfie sa loob ng car labas uli change outfit again and take a shot ulit na kunwari sweet kami sa isa't isa.
So, this is my plan at pumayag naman siya. Cute nga eh, yung mataray kong Evil boss eh napasunod ko sa gusto ko. Bumalik na kami sa opisina at nakasalubong namin si V.P. Tyler my crush ko, tinawag siya ni Izeik.
"Oh, magkasama pala kayo?" Si Tyler "We just did a little something about the fake bf thing" si Izeik "Jealous na ako niyan" si Tyler at tumingin sa akin "Ay Sir, it's just part of the work" depensa ko.
Natapos ang awkward moment na pag-uusap namin kay crush ko at nauna na kami sa kanya, sana totoong nagseselos siya sa amin. Joke lang, masama bang maging assumera.
Di naman nagtagal at oras na pala pumunta F&H/ famous salon na pinuntahan namin kahapon, nagpaalam na ako sa boss ko. "Wear the last clothes I chose for you" paalala pa niya sa akin bago ako nakalabas ng opisina niya.
"Anong meron?" Tanong ni Gerald sa akin "May date kasi ako ngayon" sabi ko "To whom?" Biglang nagseryoso ang mukha niya "Sa boss ba natin?" Sunod niyang tanong "Ah eh secret" sagot ko at lumarga na ako, nagsalubong ang kilay ni gerald ng sabihin konh sekreto. Ano kayang klasing reaksyon yun, baka naasiwa sa kin at magde-date ako.
Dumaan na ako ng salon at grabe pagkatapos ng ilang minuto eh mas lalo akong gumwapo, "Salamin salamin sa aking dingding sino ang pinaka-cute na nilalang sa buong mundo" sabi ko ng makapagpalit na ako ng damit sa bahay. Di nyo talaga ako makikilala, pwede na akong model ng belo hehe.
"Gwapo ng anak ko, mana talaga sa ama mo!" Si mama ng makalabas ako ng kwarto "Thanks, beautiful kong Nanay" hinalikan ko siya sa pisngi.
Beep! Beep! Beep! Beep
"Diyan na ata sundo mo" si nanay, sumilip ako ng bintana at siya na nga. "Ma, siya na nga po" binuksan ko ang pinto at pumasok naman siya para ipagpaalam ako, gentleman naman siya eh, sa harap nga lang ni mama ko. "Ang sweet naman, sige mag-ingat kayo anak" "Opo nay" umalis na kami.
Sa isang resort pala gaganapin yung venue ng reunion nilang magkakaklase ng high school, di ko alam kung anong nararamdam ko ngayon. Kasi kanina, pinuri niya yung look ko pagkapasok ko sa kotse niya. "You look great" sabi ni Izeik sa akin, di ko alam pero pumunta ata lahat ng dugo ko sa ulo ng sambitin niya yon. Ngayon heto, natahimik lang ako, halos mahulog din yung panga ko nung makita ko na si crush ko, ang gwapo niya, nose bleed.
Di ako agad nakasagot at kinakausap niya pala ako, huminga ako ng malalim at nagsabi na okay lang ako. Sunod na dumating sa amin si Jerwin Van Caster, ex ni Sir. Izeik. Wait sino kayang kasama niya.
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.