Chapter 24

1.3K 42 2
                                    

Jackson's Point of View

Daig ko pa ang isang prinsesa ng sagipin ako ng dalawang prinsipe mula sa ibang lugar pa nanggaling, kahit bumabagyo ay naisipan pa nila akong hanapin. Takot na takot ako ng mga oras na ako'y nag-iisa lamang sa loob ng madilim na elevator, buti na lang talaga at to the rescue itong sina Iziek at Gerald.

Hindi ko na namalayan na niyakap ko na pala si Iziek pagkaahon niya sa akin, wari'y gusto kong maramdaman ang maiinit niyang katawan sa mga oras na yaon at naging kalmado ako ng mag-simula na siyang magsalita. Bigla na akong kumalag sa kanya at niyakap ko na lang din si Gerald para hindi siya magtampo, alam kong labis din siyang nag-alala sa akin.

Awkward na naman sa tutuusin ang kaganapang iyon at agad na hinatid na ako ni Gerald sa bahay namin, agad akong niyakap ni Mama pagkababa ko sa kotse niya. Iba din ang ginhawang mararamdaman mo kapag isa sa magulang mo ang yumayakap sa iyo, dahil sa pangyayaring iyon...tinatanong ako ni Gerald kung bakit hindi ko daw nalaman na kinansela ang aming trabaho at pinauwi lahat ng empleyado ng Kingz Company. Sinabihan ko siya na bukas na lang ako magku-kwento at pagod na ako, iyak kasi ako ng iyak kanina kaya heto inantok na. Nagpaalam na siya at ako ay nagpahinga na.

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone na naka-charge sa tabi ng aking lamp-shades, unti-unti kong minulat ang aking mga mata at baka importante ang sasabihin ng taong tumatawag. Hindi ko na inabalang tingnan pa ang naka-rehistro sa screen ng cellphone ko dahil mahapdi sa mata ang ilaw nito. "Hello, sino 'to?". "Jackson...". Sabi ng nasa kabilang linya. "Sir Iziek, ikaw ba yan?". Tanong ko. "Yeah, I can't sleep because I need to know first if you are alright now". "Sir naman, maririnig niyo ba ako kung hindi ako maayos ngayon?". "That's why I call you, I just want to hear your voice before I sleep. Goodnight". "Sir...". Hindi na ako natapos at binabaan na niya ako.

Tama ba ang narinig ko, gusto niya muna marinig ang boses ko bago siya matulog. Teka, baka nag-alala lang talaga siya sa akin dahil nag-iiyak ako sa harapan niya kanina. Binaba ko na lang ulit ang cellphone ko at natulog na ako, masarap pa kasing matulog dahil malakas pa din ang buhos ng ulan sa labas.

Kinabukasan, naging maayos na ang aking pakiramdam. Maulan pa din kaya hindi pa din kami pinapasok ni Iziek ngayon, kaya chill chill lang muna ako sa bahay. Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ko ang Mama ko na nagluluto ng lugaw sa kusina, mukhang nakapagluto din siya ng adobo flakes.

"Good morning Ma?". Bati ko sa kanya.

"Oh anak, maupo ka na dito at malapit ng maluto itong lugaw".

"Aga mo atang nagising Ma, masarap kayang matulog sa ganitong panahon".

"Pinag-alala mo ako kagabi kaya di rin ako nakatulog ng maayos".

"Sorry na po, love you Ma".

"Love you too anak".

Akmang susubo na ako ng aking lugaw ng may mag tao po na nagmumula sa labas ng aming bahay, agad na pinuntahan ni Mama kung sino man ang nadalaw sa mabagyong araw na ito.

"Anak! Andito mga gwapo mong boss!" Sigaw ni Mama mula sa pinto. Nasamid ako, tumayo ako at kumuha ng tubig. Tapos nakita ko na ang mga bisita ko, si Iziek at si Tyler.

"Good morning mga boss, aga niyo nandito ah?". Bati ko sa kanila.

"Yes Jackson, Iziek told me that you are trap yesterday in elevator and he want to..." hindi na natapos pang magsalita pa si Tyler dahil tinakpan siya ng bibig ni Iziek. Inalis ni Tyler ang kamay ni Iziek sa kanya.

Just Us "Post It" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon