Tyler's Point of View
Up untill now, Iziek is still mad at Jackson. So, I decided to get an private investigator to know the true story behind the thing that Jackson has nothing to do with it. Pagkatapos nga ng isang linggo, kaharap ko na ang imbestigador na kinuha ko at nabunyag na ang ang balak ni Jerwin kay Iziek at sa kompanya niya.
"Are you sure to the information you are telling me now?" Sabi ko sa imbestigador.
"Opo, I did a surveillance sa mag-ama and totoo na may balak silang angkinin ang kompanya ni Mr. Iziek Kingz"
"I can't believe na magagawa pala ni Jerwin kay Iziek ang solohin ang kompanyang sabay nilang itinayo at gumawa pa siya ng paraan para maalis si Jackson doon dahil bunyag na din siya sa kanya"
"Kailangan niyo na din pong ipaalam kaagad kay Sir Iziek na may ginawa ang mag-ama to make him out on his own company"
"Yeah I will, thanks for the info"
"That's my job Sir" kinamayan ko na siya at iniabot ang cheke sa kanya.
"Sino siya?" Tanong sa akin ni Albert
"Just a friend"
"Parang imbestigador eh, may pina-imbestiga ka ba?" Pangungulit pa niya.
"Mag-trabaho ka na nga lang at huwag mo akong guluhin dito"
"Titigil lang ako kung sasama ka sa akin mayang lunch"
"Okay fine just go back to work".
Albert's Point of View
Hay, itong lalaking ito. Pa-hard-to-get pa, mukhang type naman ako eh. Lalakero ba talaga siya? Well, ipaglalaban ko siya sa kahit na sinong tatargetan niya. Desperada na ba ako? Edi kase.
Nga pala, may kinausap siya at alam ko na imbestigador iyon. Sana para sa kaibigan ko ang pinapa-imbestiga niya, gusto kong mag-sisi yung Iziek na iyon na binitawan na lang agad ang kaibigan ko na may pagtangi sa kanya. Sana kalimutan na siya ni Jackson, may gwapo namang nanliligaw sa kanya ngayon.
Nakakainggit nga si Jackson at halos mga nagga-gwapuhang mga lalaki ang nakakasalamuha niya, pati nga ako nagka-crush na din sa kanya noon pero mas gugustuhin ko pang maging kaibigan siya para forever.
Pumayag pala na mag-lunch kaming dalawa ni Tyler ngayon, kaya palabas na kami ng kompanya niya. Gusto ko siyang maasar na naman sa akin kaya umakbay ako sa kanya habang papunta kaming kotse niya.
"You don't have to hold my arms"
"But I want to" sabi ko
"Tsk, by the way...kasabay nating kakain si Iziek ngayon"
"What? Bat kailangan mo pa siyang ayain pa?"
"May sasabihin ako sa kanya"
"Pwede, some other time mo na lang sabihin sa kanya"
"No, it's important"
"Hay, tara na nga"
"What's your problem?"
"Gusto ko lang na masolo ka eh"
"Shut up Albert"
Wala din naman siyang nagawa at sumakay na kami ng kotse niya, gusto ko sana na hawakan yung kamay niya kaso nagmamaneho siya eh. Pagdating namin ng restaurant, wala pa dun si Iziek kaya umupo muna kami at uminom muna ng juice.
Tapos, napansin ko na pinag-titigan nila ang kasama ko ngayon. Kulang na lang ay hubaran na nila ito, aba akin na siya no. Asumero na ako kahit hindi pa kami mag-boyfriend pero sasagutin din ako ng mokong na ito.
"Pwede ba people, huwag ninyong titigan ang boyfriend ko. Baka malusaw na siya at wala ng matira sa akin!" sigaw ko sa loob ng restaurant na ikinagulat ni Tyler. Bigla niya ako hinila para makaupo ulit sa tabi niya, tama katabi ko kasi siya eh.
"Are you crazy? Anong pinag-sasabi mo? Nakakahiya"
"Baket, masama ba? Kung makatitig sayo kase"
"So, pagbigyan mo na sila"
"Hinde, akin ka lang"
"Magtigil ka nga" tapos ngumisi siya. Kung alam ko lang, gusto naman niya ginawa ko.
Dumating na din si Iziek at kumain muna kami bago man sila mag-usap ni Tyler, in-fairness...gwapo din talaga itong si Iziek. Tinitititigan ko kasi siya sa tuwing may pagkakataon, kaya pala nahumaling si best friend ko sa kanya.
"So, ano pala gusto mong sabihin Tyler?" Si Iziek
"I asked a private investigator para malaman ang totoong nangyare kung niloko ka nga ba ni Jackson and I found out that Jerwin is betraying you Iziek"
"Are you kidding? What are talking about?"
"You heard me, Jerwin is planning to take you out from your own company"
"Bakit mo ba sinasabi iyan, is this all about Jackson? Anong pinakain niya sa'yo pinsan at sinisiraan mo na din si Jerwin sa akin"
Nanahimik lang akong nakikinig sa usapan nila ng marinig ko ang pangalan ni Jackson, aba at mukhang magkakagera ngayon dito sa resto.
"No Iziek, maniwala ka sa akin. Look at this informations" iaabot sana ni Tyler yung envelope kay Iziek pero tinapon lang ito palayo sa kanya.
"Ano bang problema mo, I think let's end this conversation now and for god sake Tyler don't trust Jackson because he's the one who betrayed me"
Nag-init ang ulo ko na marinig ko ang sinabing iyon ni Iziek kay Jackson, kaya tumayo na naman ako sa aking upuan.
"Hoy, para sabihin ko sayo. Hindi magagawa ni Jackson ang ipinaparatang sa kanya ng ungas mong boyfriend. Nagiging bulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya and for the record, may gusto sa'yo ang kaibigan ko kaya hinding-hindi niya gagawin ang lokohin ka!" I blurted out.
"Albert, watch your mouth" sabi ni Tyler. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Iziek sa sinabi ko sa kanya.
"Did you mention na may gusto sa akin si Jackson" sabi ni Iziek at bigla ko na lang nasapo ang aking noo, sa sobrang galit ko sa kanya...bigla na lang ako nadulas at nasabi ang hindi dapat. Lagot ako kay Jackson nito.
"Iziek, mauna na kami sa'yo" sabi ni Tyler at hinila na niya ako palabas.
"Bakit mo ba sinabi sa kanya Albert?"
"Sorry, nabigla kasi ako eh" sabi ko pagkasakay namin ng kotse niya.
Naiwan pala si Iziek sa loob ng resto, nagulat yata at naupo na lang ng hindi kumikibo.
________________________
A/N: Ito na po muna ang kaganapan sa chapter na ito, finals na po this coming week. Busy kase magre-view pa ako, good luck na lang sa akin.
Ano pala say niyo sa chapter na ito? Ano kayang gagawin ni Iziek at nalaman na niya na may nararamdaman pala si Jackson sa kanya?
Click like and spend the time to leave a comment naman, thank you :))
BINABASA MO ANG
Just Us "Post It" (boyxboy)
Teen FictionIt's the story of Jackson Chance being a secretary of the famous Iziek Kingz. Magkahulugan kaya ang loob ng dalawa? Paano isi-share ni Jackson sa mundo that being in love with the same gender is the same as true opposites couple.