Chapter 35

7 0 0
                                    

Chapter 35

"No!" Sigaw niya. Napabalikwas ng bangon si Clouise dahil sa panaginip na nawala daw sa kanya ang mga anak.

Napahawak siya sa sinapupunan.

No...

Ang baby niya, may dugo siya sa hita kanina, yun ang huling pagkakaalam niya. Naramdaman niya na may nakalapat na mga kamay sa kamang kinahihigaan niya.

Pero ang anak niya?

"No! My baby!"

"Clouise!"

"Tristan-" agad na sumigid ang sakit sa puson niya na ikinahigpit ng kapit niya sa lalaking bagong dating.

"Are you okay? Tatawag ako ng doktor-"

"Tristan ang baby ko, kamusta sya? Tell me nandito pa sya diba? Sabihin mo!?"

Niyakap siya ni Tristan.

No!!

This cant be..

"Tristan!!"

"Dont cry, ligtas ang baby natin"

Baby natin? Alam na nito na siya ang ama?

Nakahinga siya ngaluwag ng malamang ligtas ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

"Dont deny that Im the father of this baby dahil kahit anong sabihin mo alam kong ako lang, Look at me clouise" utos nito.

Umiwas siya ng tingin dito.

"I said look at me! Isang tanong, isang sagot, ako ba ang ama ng kambal mong anak!?"

Nanlaki ang mga mata niya.

Ang mga anak niya! Damn! Hinila niya ang IV fluid na nasa kamay

"What the hell Clouise!?"Ibinalik siya nito sa kama.

" Kailangan ako ng anak ko Tristan!"

"Sabihin mo anak ko ba sila! Oo at hindi lang Clouise!!?" Sigaw nito sa kanya.

"OO ANAK MO SILA MASAYA KANA!" Humikbi siya at pilit kumawala dito ngunit kahit anong pagpipiglas niya ay hindi siya pinakawalan.

"Thats the thing I wanted to know"

" Dalhin mo ako sa mga anak ko kailangan nila ako Tristan!"

"Clouise masama ang lagay mo you need to rest kayo ng anak natin baka kung anong mangyari sayo!"

"Im fine! Doktor ako kaya hindi mapapahamak ang anak ko " pilit niya at tumayo

"Fine, kukuha lang ako ng wheelchair" Tumawag ito sa intercom, pumasok si Nurse Troy na may dalang wheelchair.

"Doktora ito na po"

"Salamat" Tinulungan siya ni Tristan maupo sa wheelchair at tinulak palabas ng silid patungo sa O.R.

Hanggang ngayon nasa O.R parin ang mga anak.

"Clouise!" Salubong ng magulang nya, nandito pa ang mga magulang ni Tristan, gustuhin man niyang magalit ay ubos na ang lakas niya.

"Mom ilang oras na po ang doktor sa loob?' Tanong niya sa Ina niya na nakaupo sa waiting area.

" Magtatatlong oras na anak, nasa loob si D-lite dont worry, alam nating hindi nito pababayaan ang kambal"

"Gusto ko pong pumasok sa loob" akamang tatayo siya at pinigilan siya ng inang si Charmaine.

"Anak hindi maari, emosyon ang mangunguna sayo baka hindi mo kayanin lalo na sa lagay ng Kambal"
Niyakap siya ng Ina.

For The First Time And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon