Chapter 22

4 0 0
                                    

" Ladies and Gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is three thirty in the afternoon. On behalf of the airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay!"

Sumandal siya  sa headrest ng kinauupuan niyang airplane seat, nasa tatluhan ang upuan kaya naman nasa tigmagkabilang tabi ang kambal na natahimik na natutulog sa kanyang tabi.

Ng inaanounce na pwedeng bumaba ay hindi parin sila umaalis sa kinauupuan

"Travis, Tyler wake up where here na"
I snapped them out. Lulugo-lugo namang nagmulat ng mata ang dalawa.

"Mom"

"Yeah,wake up baby ko" Kinusot pa nila ang mata at isinuot ang Kapsnack na bag, ang cute lang ^_^..

Tinignan niya ang mga nagkukumahog na mga Pinoy sa pagbababa. Hinayaan niya muna sila dahil wala naman siyang balak na makigulo at baka maipit pa ang kambal na anak . And it's not like nagmamadali silang makababa ng eroplano.

"Are you okay, Ma'am?"

Tinignan ni Clouise ang lalaking flight attendant na sa buong duration ng flight ay wala na atang ginawa kundi ang magpacute sa kanya. She think he's part arabian and part american. The combination is great since nagmukha siyang prinsipe but She's not interested.
Kanina parin ito iniirapan ng kambal na anak.

"I'm fine."

Mukhang may sasabihin pa ang lalaki ngunit pinikit  na ni clouise ang mga mata niya. She dont have time to chat with him. What She need is to relax.

"Mom he's irritating, hes been watching all over the flight" asar na sabi ni Tyler na halata sa mukha ang pagkadisgusto sa lalaking flight attendant.

Pagkalipas ng ilang sandali ng sa palagay niya ay wala ng masyadong tao ay tumayo na sila at kinuha ang malaki travelling bag na pinaglalamanan ng ilang dokumento at ilang gamit ng kambal, Iyon lang ang dala  niya.

Mabilis na nakalabas sila hanggang sa tanaw na ang mga taong nag iintay sa labas na ang ilan ay may mga dala pang mga sulat na itinataas nila. She dont expect anyone waiting for them Hindi naman siya nagsabi kung anong oras at araw darating at hindi rin naman alam ng mga GDL at Middleton  na uuwi silang magiina. Its been five years since the last time She stepped  been here.

Its past 4:00 pm and still bumabyahe pa sila sa lugar ng mga Magulang sa Stratford Recidence.

Gusto man niyang umidip ay hindi maari dahil sa Sumita lang sila ng masasakyan, delikado ang kalagayan nila kumbaga.

"Maam nandito na po tayo" She look at her wrist watch, Its already 7 in the evening.

Nagbayad siya dito ng sobrang halaga bago lumabas ng sasakyan.

*Ding dong*

She ring the door bell at lumabas doon ang isang kasambahay.

"Maam Clouise? Maam kayo po ba yan?" Gulat na ani ng matandang kasamabahay ng mapagsino ang kanilang bisita.

Nanlaki ang mata niya.

"Nanay Lottie! " tili niya at niyakap ang matanda.

"Hija ikaw nga!" Nilawakan nito ang bukas ng gate at pinagbitbit siya ng travelling bag.

"Ito na ba ang mga anak mo? Ang lalaki at ke gagwapong bata nare" Hindi umimik ang mga anak at sumiksik lamang sa kanya habang papasok sila ng mansyon, wala itong pinagbago, yaon nga lamang ay mas lalong gumanda ang paligid nitong mansyon. Binati siya ng ilang kasambahay na nakakakilala sa kanya.

For The First Time And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon