Chapter 7

3 0 0
                                    

"This is the third time na late ka Middleton!" Galit na puna ni Mel saakin.

"Sorry na, napasarap kasi tulog ko."

Napairap ito at lumapit sa bola na agad ibinato saakin, maagap ko namam iyong nasalo.

"Wooo! Easy Coach Are you trying to shoot me with this ball?" Palatak ko at pumunta sa service area.

"Kuh! Clouise nakakairita kana  talaga manang mana ka sa kapatid mo."
Reklamo pa nito. Tss memoryado ko na ang linya niyang yaan.

Pinagod kasi  ako ng Rianzares na iyon . >.< Hindi niya ako tinigilan hanggang sya na mismo ang kusang sumuko.

3 days to go at Semi-finals na ng Liga legend ball.

At Oo nga pala, kalat na sa buong school ang ginawa ni Stan na proposal saakin. Dahil popular si stan ay agad itong kumalat maging sa social media.
E ikaw naman po kasi ang magkaroon ng famous racer and Student Pilot  na Boyfriend I mean fiancee 😆.

After naming magpractice ay tiningnan ko ang cellphone ko, automatic akong napangiti ng mabasa ang message ni Stan.
Nagaaya itong kumain sa Cafet. Infairness sa kanya ang effort nya ngayon.

"Coach Mel una na ako!" I wave at her.

"Gaga wag kang mauna bata ka pa!" Sigaw niya. Loko din yun ah! Bakit hindi niya hawahan si Paris ng Kalokohan.

Naglalakad ako papunta sa Cafet ng makasalubong ko si Nanay. Masama parin ang loob ko dito.

Hindi ko siya pinansin ng madaanan ko siya.

"So you really accept his proposal?" Mapanguyam na sabi nito.

"Nanay - I mean Liza"

"See, even calling me nanay ayaw mo na dahil kay Stan he's no good to you Im telling you! "

"Nanay-"

"This ! Dyan sa Usb na yan alamin mo kung anong sinasabi ko! Imulat mo ang mata mo Clouise! Matalino ka! Gusto ko si Tristan Para saiyo dahil kaibigan namin siya at bestfriend ko sya pero nakakabobo lang!"   She shouted and Nagwalk out ito.

Nagkaroon ng lungkot sa puso ko dahil sa inasal nya.

Ano na naman ba ito? After ng saya lungkot ulit?.

Bakit ba hindi nalang nila tigilan ang relationship namin ni Tristan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinagmasdan ang usb na hawak ko.

Tsk hanggang ngayon mahilig parin si nanay sa kulay blue.

Ano bang laman nito? Im curious.

Nakarating ako sa Cafeteria at nakangiting mukha ni Tristan ang sumalubong saakin.

"Bakit nakasimangot ka ? May problema ba Love" He asked at ipinaghila ako ng mauupuan.

Itinago ko sa aking bulsa ang flashdrive na nangaling kay nanay.

Mamaya ko nalang siguro aalamin ang laman nito.

Minsan kasi Surprize lang ang galit galitan ni nanay lalo na at malapit na ang 3rd anniversary namin ni Stan.

"What do you want to eat? " Napaisip ako at inisa-isa ang food sa Menu.

"I want this dish Stan, gusto ko rin ng Pizza pie with macarons" 

Ngumite lang siya at hinawakan ang kamay ko bago sabihin sa waiter ang order namin.

"I already talk to tito about our plan" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

For The First Time And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon