Chapter 3 [Sign]

20K 655 45
                                    


"Three...two..one.." Bilang ko as I hit the capture button.

"Perfect!" Sigaw ni Madam Bunny. Isa siya sa bosses namin dito. Bakla siya, blonde ang mahabang buhok at putok ang labi ng pulang lipstick.

Binitiwan ko ang dslr ko at hinayaang nakasabit iyon sa aking leeg. Photography isn't that easy. But it's my passion and I love it. Tatlo ang boss namin dito sa agency, but of course they do not handle our salaries. Sila lang ang nagpapadala samin kung saan may kliyente. Every one has their own field of photography. Si Brunner ay magaling sa mga sports and occasional photography like birthdays, celebrations, and weddings. As for me, I engaged in photoshoots para sa mga magazines and newspapers. It's more dramatic. We get to choose our own project so that we'll earn money. That's how it goes.

"You didn't disappoint me with your outputs, Symon. Your photos are always the best. As usual." Si Madam Bunny na maarteng inaayos ang blonde na buhok niya.

"Thanks, Madam."

"By the way, have you finished your portfolio? A client's asking for it, he's from Cebu." He rested her hands on his breast. He's a transwoman by the way. I mean "she".

"Hindi pa, eh. Can't that client wait? I have to finish it by Monday. May two projects pa kasi ako tomorrow and the other day so you'll expect that I'm busy. Is that okay?"

"I'll call him. Malakas ka sakin, Sy. You know that." I pat her shoulder and step out of the studio.

Naabutan ko si Brunner sa dressing room.

"Oh, tapos ka na? Ang bilis ah. As usual, wala na akong say sa talent mo. This is your passion, right?" Nag-aayos siya ng gamit niya. All the cameras, tripods, and other stuffs.

"Pasaan ka?" I asked. Habang ibinababa ang mabigat na dslr sa leeg ko.

"I have a client. It's a shoot for a prenuptial. Kailangan ako doon by 9am. Ikaw?" Isinabit niya ang malaking shoulder bag sa kanyang balikat. Padarag akong naupo sa isang reclining chair.

"Hmm.. Wala akong masyadong gagawin ngayon. And besides, I don't feel working today.." I'm still wondering about him. About that mysterious guy. He had so much in him that I seek the most on my entire life.

"Why not? Kailan ka pa tinamad? You're thinking of something, ayt?" He knows me but not quite. Well, we all have stories we'll never tell.

That kind of rarity. He's one in a billion of humans. But unfortunately, I don't know how to find him. How can we meet again. Pakiramdam ko ay may malaking kulang sa pagkatao ko na siya lang ang makakapagbuo. I know it's stupid to depend on someone I don't know.

Lumabas ako ng agency at saka pumara ng taxi. As soon as makasakay ako ay tinawagan ko si Lionel, batchmate ko na magaling sa paghahanap ng mga personalidad. He's now a reporter from a known tv station.

"Hi Lionel!" Bati ko pagkasagot niya.

[Oh. Symon? Long time no talk.] Narinig ko ang paghagikgik niya. By the way, he's a bi.

"Yep. Can I ask for a favor?"

[That straightforward huh? I'm intrigued. What is it?] Trabaho niya na talaga ang pag-usisa sa mga buhay ng tao. I have to take care of him, dahil siya lang ang alam kong makakatulong sa akin.

"Have you ever heard of the name Torralba?" There, I spit it out. I just hope I'll get a good answer from him.

[Torralba.. Hmm.. Saan ko nga ba narinig ang pangalang yan...]

By this time, kumakabog na ang dibdib ko. My chances are rising. Tahimik akong naghintay sa kanyang sasabihin.

[Right! Naalala ko na.]

OH MY FUCKING GOD!

"Spill the beans, Lionel."

[That is the owner of the famous Torralba Holdings, Inc. Sa pagkakaalam ko ay magkapatid na Torralba ang nagmamay-ari nun. Bakit nga pala naitanong mo?]

Torralba Holdings, Inc? Haven't heard of that.

"I am..doing business with them. Saan ko matatagpuan ang kompanya nila?" Kinapalan ko na ang mukha ko. This is my only chance to find him. To chase him. Panagutan ako. He will make out with me then leave me with nothing? What kind of man is that?

[Sa BGC lang. Business ba talaga 'yan? I heard gwapo raw ang CEO nila.] Such a gossiper!

"Yeah, business. Talaga? Then I must meet him." Tumawa ako at saka pumara na. Ibinaba ko na rin ang tawag.

Ngunit bago pa ako makababa ng sasakyan ay may sinabi si kuyang driver.

"Torralba po ba hinahanap niyo?" Ayy. Usisero din si kuya. Well, let's try to hear him.

"Opo, manong. Bakit may kilala po ba kayong Torralba?" Kakaiba ang ngiti niya. Baka mamaya ay pinaglololoko lang ako nitong si kuya.

"Baka po nasa Torralba Gym ang hinahanap niyo? Diyan lang yun sa kabilang kalye." Tinuro niya pa ang daan.

Hindi ko sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba itong si kuya. Pero napaisip ako.. Ano naman ang mapapala niya kung lokohin ako?

"Ah sige po, salamat kuya!" Bumaba na ako at nilakad ang daan pauwi. Hindi ko sinunod ang itinuro ni kuya. Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong magjowa na magka-holding hands pa. Gwapo yung lalaki pero chaka yung babae. Nainis ako. What do I expect? Love is blind.

Lumiko ako ng daan at tinahak ang itinuro ni kuyang taxi driver sa akin. Nakapagdesisyon ako. Why not give it a chance?

After ten minutes of walking habang palinga-linga sa daan ay natagpuan ko rin ang tinutukoy ni kuya.

Torralba Gym ang nakaimprinta sa itaas ng glass na salamin. Sa loob ay naaaninag ko ang ilang kalalakihang pawisan. Napalunok ako. I don't have a clue if he's one of them.

Itinulak ko ang mabigat na pintuang salamin. Pagkapasok ko ay lahat ng mata ay naglingunan sa direksyon ko. Inside were gym buffed men lifting weights and barbells. I'm completely out of place the first moment they laid their eyes on me.

"Ano po ang atin?" Isang matangkad na lalaki ang lumapit sakin. May face towel siyang puti sa balikat. May hawak rin siyang bote ng tubig. Papasa siya bilang modelo.

"Uhh.. I'm looking for the owner of this gym.. Can I talk to him?"

He looked at me with curiosity. Parang kakaiba yung tinging ipinupukol niya sakin.

"Nasa opisina sa likod. Ihatid na kita." Nauna siya sa paglakad. I followed his footsteps. Sa pinakalikod ng gym ay isang maliit na opisina.

Kumatok siya ng tatlong beses.

"Sino yan?" I heard the baritone voice inside.

"Sir Blade, si Atom po ito. May naghahanap po sa inyo."

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Nararamdaman kong malapit ko na siyang mahanap. Inilahad ni Atom ang daan papasok sa loob ng opisina. Hindi ko namalayang bukas na pala ang pinto.

Pumasok ako doon. I found another gym buffed guy na nakaupo sa reclining chair. Batak ang katawan niya kaya ang damit niya ay fit na fit sa kanya.

"Uhm. Symon Neil Monteguido." Pakilala ko at saka naglahad ng kamay for a handshake.

Tinignan niya ako. He has this set of greyish eyes. Balbas sarado. Striking jaw and thin red lips. Gwapo ito. He looks so masculine and manly.

"Blade Collins Torralba." Inabot niya ang kamay ko. I felt his semi rough palm. He's so strong. He had so much intensity in him.

"Torralba?" I uttered while staring at his soulful eyes.

"Yeah. Maaari ko bang malaman kung ano ang pakay mo?"

Uh-oh! All spirits, please give me a sign. Is he the one? Siya na ba?

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon