Epilogue

18.1K 537 159
                                    

Troy

I looked down on the floor, bumalik ang alaala ng nakaraan. I still fucking regret what happened, hindi ko dapat ginawa iyon.  I looked up at the metallic prison bars wondering how it deserve to surround me. I should be caged, I shouldn't be around people because I'll just hurt them.

I was devastated, hindi ko ipagkakaila iyon. Sugal at alak ang naging adiksyon ko upang makalimutan ang sakit na aking nararamdaman. Dahilan ng aking pagkalubog sa utang.

"Dude, I know you're earning a lot from doing photoshoots, but you know this is a big amount of money you're asking." Sinubukan kong humingi ng tulong sa iilang kakilala ko sa agency. No one helped me.

It was my fault, anyway. I should deal with it. Ang mayamang business tycoon na inutangan ko upang makapagsugal ay naniningil na ng kapalit ngunit wala akong maibigay. I got beated also by his men because of it. Binigyan ako ng palugit na isang linggo at kung hindi ako makabayad ay sa kulungan ang uwi ko.

"As much as I would love to, pero pare wala akong ganyang kalaking halaga." ani Charlie na isang kaibigan at batchmate ko noong kolehiyo.

We're in a bar and this is the only place I could think of. I wanna forget everything and start all over, but I know it's not going to be easy. Nilunod ko ang sarili sa alak, hinihiling na makalimot sa mga problema kahit panandalian lamang.

"I'm sorry, pare." tinapik niya ang aking balikat.

Tumango ako bilang tugon. I can't think of anything right now. Saan ako kukuha ng ganitong kalaking halaga? Kahit magpakamatay ako sa pagtatrabaho ng isang linggo, hindi ko pa rin makakalahati ang isang milyong utang.

Inilabas ko ang phone sa aking bulsa, I scrolled down the contact lists, I was so tempted to call any of my brothers to get help but fuck I don't want them to get involved too. I can't risk anyone just to get rid of my fucking debt!

"But I am thinking of another way, you could get a huge amount of money but it will not be easy..." bulong ni Charlie pagkatapos ng pangatlong shot ko ng whiskey. Nakuha niya ang buong atensyon ko.

"Try me." hamon ko.

"Have you heard of Hellish Paradise Bar?" tanong niya.

Hindi nagsink-in sa akin ang kanyang sinabi.

"Helli-what?"

And that's how everything started.

Tama si Charlie, kumita nga ako ng malaki roon. But damn, I wasn't informed that that's an exclusive bar for men who likes men! And someone even drugged me, the fuck, and forced me to wear a goddamn mask. I told myself that this is gonna be the last time I'll do terrible things like this. Just for the sake of money, damn!

Natigilan ako sa aking iniisip nang mapansin ang anino na nanggagaling sa labas ng aking selda na umabot na sa kinaroroonan ko. Kunot ang noong tinignan ko kung ano iyon.

And there comes a guy, standing in front of me. Nagtagpo ang aming mga mata. He looked so shock about something that he even covered his mouth with his hands.

What the fucking fuck is his problem?

I got out of the prison because of him. I took advantage of it even though I don't know him at all.

"Ang sungit nito! Bakit hindi ka na lang magpasalamat dahil sa akin ay nakalabas ka na sa maruming kulungan na 'yun? You owe me one! Hindi mo dapat sinisigawan ang taong tumulong sa'yo. Nakakasakit ka ng damdamin ah?"

Hinarap ko siya. Isinuot ko ang aking itim na jacket at saka siya pinagmasdan. Nasa labas na kami at naaarawan, animo'y kumikinang siya sa puti dahil sa sinag ng araw.

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon