Chapter 14 [License]

13.7K 579 60
                                    

As soon as I captured the shot, tumalikod na ako upang itago ang camera. Nakailang kuha ako bago ko makuha ang perpektong anggulo. Sa harapan ay si Troy na half-naked, kasama niya sa photoshoot ang dalawang babaeng naka-bra't panty lang. Siya sa gitna, habang nakapulupot ang dalawang babae sa kanya.

"Is that enough? Nakakailang minuto palang tayo, you can take your time." Madam Bunny said na kanina'y nakaupo sa stool habang pinapanood ang models.

"This is okay, Madam. Besides, it's just one shot for the billboard." Actually hindi ko alam kung bakit ko minadali ang pagkuha ng litrato. Bukod sa hubad na si Troy ay hindi ako mapakali sa mga babaeng kasama niya sa shoot.

"Okay. Models! Prepare for the next shoot! Callisto will be here in just half an hour." Madam announced kaya nagsialisan na ang mga models at inalis na rin ang mga kagamitang ginamit.

"Bakit simangot ka?" Nagulat ako sa presensya ni Troy sa likuran ko. Humugot siya ng isang sando sa kanyang backpack at sinuot yun. Finally, natatakpan na ang katawan niya.

"What is it with you? Masama na bang sumimangot? May dapat ba akong ikatuwa?" Masungit kong tugon. Pabalibag kong sinuksok ang tripod sa paperbag. Hindi ko ito mapagkasya.

"May problema ka ba? Parang kahapon naman okay tayo?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ba obvious na pakitang tao ko lang saiyo iyon? Para lang tigilan mo na ako. Para lang tigilan ka na ng guilt mo.

"Walang tayo, Troy." Sinukbit ko ang shoulder bag ko at ang backpack ko at lakas-loob na tinalikuran siya.

Bumaba ako ng elevator na dismayado. Hindi man lang niya ako hinabol! Ano, hanggang doon nalang siya? Akala ko ba handa siyang pagbayaran ang kautangan niya? Naiinis ako sa kanya dahil wala akong karapatan sa kanya! At mukhang nag-enjoy pa siya sa dalawang babae kanina. Mabuti nalang at tinapos ko kaagad.

Lumabas ako ng building at bumuga ng malakas na hininga. Naramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin kung kaya't sinikop ko ang aking buhok upang hindi magulo.

Papara na sana ako ng taxi nang may humigit sa aking braso. Halimuyak palang nito'y nakilala ko na kung sino.

"Troy! Ano ba!" Hinatak niya ako hanggang sa maipasok niya ako sa kanyang sasakyan.

Sinarado niya ang pintuan at saka umikot sa kabila. Napasinghap ako sa bilis ng pangyayari. Hindi ako nakahinga nang ayos nang makaupo siya sa driver's seat.

"Ano bang binab-"

"Can you shut up for at least a minute?! Napakaingay mo!" Sinigawan niya ako kaya natutop ko ang aking bibig. Ang natural na lakas ng kanyang boses ay nagpatigil sa akin. This is the first time I saw him as an authoritarian. Troy Nixon Torralba is a silent man, but his body speaks of so much intensity and atmosphere. Natural ang kuryenteng nararamdaman ko bawat hawak niya sa balat ko.

Wari akong nagbibilang sa aking isip. Ang sabi niya'y at least a minute lang kaya nang mag-60 seconds ay nagsalita akong muli.

"Your minute is up! Ano bang trip mo at sinakay mo ako dito?! Uuwi na ako Troy gusto ko nang mag-hmmm!" Biglang huminto ang kotse kasabay nang pagtigil ng aking pulso. Ang kanyang malambot na labi ay mapusok na dumapo sa aking labi.

He passed the electricity on me. Samu't saring emosyon ang dumaan. His tongue is seeking entrance and I let it in. I can't keep up with his aggressive moves.

"Now I know how to make you shut up.." Aniya nang kumalas sa aking labi. Smirk is plastered on his lips.

He did it just to make me shut up?! I can't believe it! I can't believe this man! He has his own ways and it's fucking hopeless. Hindi ko siya magawang saktan dahil nanigas ang aking mga kalamnan. Gustong gusto ko siyang hampasin, sabunutan, sampalin, sakalin, pero nanatiling nakapirmi ang aking katawan.

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon