Chapter 17 [Rude]

14.9K 554 35
                                    

As soon as makapasok ako pabalik sa aking unit ay pinakawalan ko ang hiningang ilang minuto kong pinigilan. I saw Troy still lurking on the couch. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko patungo malapit sa kanya at saka binato sa mukha niya ang towel at mga damit niya.

"Mag-shower kang mag-isa mo!" Nagulantang siya sa ginawa ko.

"What the fuuuck?"

Nilagpasan ko siya at saka nagtungo sa banyo. I made it sure na nakalock ang pintuan para hindi siya makapasok. Nag-iinit ang dugo ko. How dare he fool me and my sister? Salawahan siya!

"W-Wala si Troy dito. He's in the studio. Why are you meeting with him?" I don't want to judge my sister, pero noon pa man ay hindi na patas ang pagtingin ng magulang namin sa aming dalawa.

"Ilang beses niya akong hindi sinipot. I thought nakauwi na siya?" She answered. There was hope in her eyes. At mukhang nagkakaroon pa sila ng interaction through text or what. Bakit hindi ko alam 'to?

"Sinipot saan?" I want to dig for more informations.

"We're supposedly dating!" She hissed losing her patience.

What the heck of all heck?! Dating? Talaga lang, Troy huh? Pinagsasabay kami ng kapatid ko kung ganoon? Ilan pa kaya ang kasabay ko sa kanya?

"And what are the towels for?" She looked at what I'm holding. Hindi na gumagana ng matino ang utak ko. Kung anu-anong masasamang ideya ang naiisip ko. He can't do this to me! Pinaghirapan ko siya tapos ano, malalaman kong dini-date niya ang kapatid ko? Just how cruel is that?

"Uhh.. Laundry thing, he ask me to this for him since busy siya sa agency." Kulang nalang ay mapangiwi ako sa kasinunghalingang pinagsasabi ko. Ever since, alam naman ni Syra na magkasama kami sa trabaho ni Troy. They met once, iyon ang pagkakaalam ko noong gallery opening niya. Hindi ko alam na may lihim pala silang pagkikita. I feel backstabbed.

Sumandal ako sa likod ng pintuan habang inaalala ang nangyari. Hindi ako mapakali. Muli kong naramdaman ang kompetisyon sa buhay kong ito. I can't forever compete with my sister. Ako ang kuya, kaya hangga't maaari ako ang magpapaubaya. Ako ang iintindi.

Lumabas ako ng banyo nang matapos maglinis. I found Troy sitting on my bed, waiting for me. His eyes are as passionate as ever. Tumayo siya at nagtangkang lapitan ako.

"Anong problema? What are you upset about?" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at hinagkan ito. Mas lalo akong nahuhulog sa ginagawa niyang ito.

"Nagkikita kayo ng kapatid ko?" Hindi dapat iyon tanong. It was the truth. He seemed to be unexpecting this kind of question from me. Napaawang ang kanyang labi.

"Yeah, I mean no but not quite."

Napangiwi ako sa pait na naramdaman ko. I don't like this creeping uneasiness. So what are they? Mutual ba sila? Bed buddies?

"Alright. I can explain it." Iginawi niya akong maupo sa dulo ng kama habang malumanay siyang huminga ng malalim. I can't talk because I will just make it hard for him.

"She's kind of.. How will I put this.. We dated, once. Noong hindi ko pa napapagtantong ikaw ang mahal ko. She's persistent and spoiled, I can't ditch her because it would be rude and because she's your sister. And I ignored her. And avoided her. And I don't like her, for clarification." Tinitigan ko lang siya habang tinitimbang ang mga salitang namumutawi sa bibig niya.

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon