I put the dslr inside my big black shoulder bag. Pagkatapos ay isinukbit ko ito sa aking balikat at saka binuksan ang pintuan ngunit napatalon ako sa gulat nang abutan ko ang nag-aabang na si Troy doon.
"Damn Troy! Aatakihin ako dahil sa'yo e! Anong ginagawa mo diyan?" Lumabas ako at isinarado ang pintuan ng aking unit. He looks fresh today, parang araw-araw naman ay malinis siyang tignan. He's wearing a simple sweatshirt at loose pants. He really has his own fashion sense, huh?
"Hinihintay ka." Dinantay niya ang mabigat niyang braso sa aking balikat kaya mas naging malapit kami sa isa't isa. Nakadikit ang mala-troso sa bigat niyang braso sa aking balat, and sparks hit me again.
"You don't need to wait for me Troy, nag-abala ka pa." We took the elevator. Kahit na may kasabay kaming babae sa loob ay hindi niya inalis ang pagkakaakbay sa akin. What's his motive now?
"I want to." Maikling tugon niya at hinintay naming makababa sa ground ang elevator.
After the last statement that he said to me yesterday, hindi ako tinigilan nito. Kung magkakagusto ako ay siya lang dapat, what does that really mean? How can someone be possessive of someone they don't own? We don't even have a label, we're merely friends, magkaibigan nga ba talaga?
"Sabay ka na sakin.." Papunta na sana ako sa aking kotse ngunit pinigilan niya ako. He's offering me a ride, since iisa lang naman ang destinasyon namin. Hindi ako tumanggi sa kanyang alok at sumakay sa kanyang sasakyan nang walang pagdadalawang-isip.
"Bakit ang bait mo ngayon?" Nagtataka kong tanong sa kanya. He remains a mystery to me that I want to unfold every secret of him. He has his own way of triggering my curiosity.
"Bakit masamang tao ang tingin mo sakin lagi?" He defended with a stern look on his face as he maneuvers the steering wheel.
"Can you blame me? E hindi naman ganito ang pakikitungo mo sakin dati. You were a cold, snob, mysterious, and intractable person." Actually, ang dami ko pang salita na maaaring makapaglarawan sa kanya. Hindi ko nalang ito sinabi, besides I know every person has his own nature. I can't change him the way I want him to be, dahil may sarili siyang utak at desisyon sa buhay.
"Does that mean, I'm a bad person?" Hindi siya sumusulyap sa direksyon ko.
"Hindi naman. I understand naman how you think or act. Curious lang ako, sometimes you're near me but I feel that you're so distant at the same time. Is it about me, or about you?" Nilingon ko siya, saktong nakatingin na rin siya sa akin. His expressive eyes hit me unaware of it. Brusko siyang tignan, but in a professional way. Alam nyo yun? Mukha siyang basagulero sa kanto dahil sa kanyang postura at pangangatawan, pero in a legal way? Ugh, pardon me! Ang hirap iexplain.
"I'm sorry for what I've done before, I'm such a jerk. It just really became hard for me to trust people again.."
Nakarating kami sa tapat ng Elegantesse. Pero bago pa siya makababa ay hinawakan ko ang braso niya dahilan kung bakit mapatitig siya sakin.
"You can trust me, Troy." I said it genuinely.
Pumalakpak si Madam Bunny nang matapos ang pictorial shoot ni Callisto, isa sa mga photographers.
"Symon, bakit napaaga ka yata? 9 pa ang sched mo diba?" Lumapit siya sakin nang maaninag ako sa dagat ng mga models sa likuran. Naasiwa ako sa mga babaeng naka-bikini pa.
"It's good to be early Madam, since gusto ko rin namang mapanood ang shoot ni Callisto." Palusot ko nang mabanaag si Callisto na palapit sa kinaroroonan namin.
May nakasukbit na camera bag sa kanyang balikat. Matangkad siya at lean, moreno and he's very flirty.
"Long time, Symon. Ngayon nalang uli tayo nagkita." Hinanap ko si Brunner sa paligid upang makaalis sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...