Chapter 24 [Stone Wall]

11.4K 502 25
                                    

I removed my sunglasses as soon as I entered the studio the next day. Mataas ang tirik ng pang-umagang araw sa labas kaya kinailangan kong magsuot ng shades. As usual, people are in a hurry mode, may tumatakbo rito, at ang iba'y may bitbit pang mabibigat na costumes at outfits na ipapagamit sa mga models. Someone is shouting, the usual hectic day that I get used to.

"What's up? Ganda ng gising ah?" Bati ni Brunner na kanina'y naabutan kong may kausap na stylist.

Dapat lang dahil sa iisang kama lang kami natutulog ni Troy. Speaking of him, paggising ko'y wala na siya. Nakatanggap nalang ako ng text message sa kanya na maaga ang sched niya for today. Dahil sa dami ng projects and offers sa agency nang dahil sa kanya ay madalas na hindi na ako ang photographer niya. Habang tumatagal, sumisikat siya at mas marami ang nag-ooffer sa kanya.

Lumingon-lingon ako sa paligid, tracing my boyfriend across the crowd of busy people.

"Looking for your boyfriend? He's there!" Sinundan ko ang hintuturo ni Brunner na tinukoy ang platform sa gitna.

Nahaharangan iyon ng cameraman kaya naglakad ako ng ilang hakbang just to see what's happening at the middle. And there, I found my boyfriend on a complicated pose beside him a sophisticated-looking woman with her hands resting on my boyfriend's biceps. This isn't the first time that I saw him working with female models, pero iba itong babaeng ito dahil sobrang ganda nito at halata mong sa pilantik ng mga mata nito ay may banyagang kulay ito.

I watched them as they do what the photographer's told them to do. In my own perspective, without prejudice, they look good together. Plus the fact that they are both photogenic and they wonderfully can create magic together in front of the camera.

I noticed the crowd is getting bigger, everyone's eyes are focused on the two. Sinong hindi mabibighani sa dalawang perpektong taong ito? Masyado silang perpekto para maging mortal.

I just stood there while my eyes are observing them. They are so close to each other. Nagkaroon pa ng anggulo kung saan halos magkalapit ang mga mukha nila, it's so intimate, alam ko dahil iyon ang hinihingi ng photographer. The more intimate you look on the camera, the better the outputs.

"Who is she?"

Napansin ko ang presensya ni Brunner sa gilid ko kaya tinanong ko na siya.

"You mean, Fabiana? She was sent here as a brand ambassadress, at the same time she is a promotional model. She's half-hispanic, that's why she looks so gorgeous even without an effort." Aniya habang pinapanood namin ang dalawa.

Ngayon, ay mas lalo pang lumapit ang mukha ni Troy sa leeg ng babaeng iyon. Minsan napapaisip ako kung tinatablan ba siya sa mga babaeng nakakapareha niya.

"How long will she stay here?"

Brunner looks amused at my remark.

"What? I'm just asking because I'm curious."

He silently contained his laughter. Dagukan ko kaya ito?

"I dunno, kararating lang niyan kahapon. And her Dad is a congressman here, kaya posibleng magtagal yan dito." He's observing my face, specifically my facial reaction.

"You are both stunning!" Natahimik lang kami sa boses ni Madam Reyn na pumailanlang sa lugar. Lumapit siya sa dalawa at binati ang mga ito, most especially Fabiana.

Nagpaalam ako kay Brunner at nagtungo sa dressing room. Ilang minuto pa lamang ako doon nang narinig kong bumukas ang pintuan. Hindi na ako nagulat na si Troy ang pumasok doon, pero nakakapagtaka pa ring nasundan niya agad ako rito.

"You didn't text, I heard your arrival from your friend." Pagod siyang naupo sa couch na malapit sa akin. Nakabalot ng parka jacket ang katawan niya.

"Ah! Kadarating ko lang din. And.. you look good together.." Agad akong nagsisi sa aking sinabi dahil nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon sa mukha niya.

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon