Chapter 48 [Montenegro]

10.3K 457 65
                                    

It's all what I've asked for. May mga bagay talaga o pangyayari sa buhay natin na binabalewala lang natin, ngunit hindi natin alam na ito na pala ang makapagpapabago sa lahat.

Love is the most influential thing in this world. You can change someone's life because of it. Gaano man kahigpit ang pagkakasarado mo sa iyong puso, matutunaw at matutunaw ang kandadong kumukulong dito.

Everyone can love, but not everybody's  loved back. But it's not the end of the world, we have to believe that there's still someone out there who's waiting... and will provide the love that you deserve.

The love that you deserve, saan mo nga ba mahahanap ito?

Look at your surroundings...

You don't have to find it..

You just have to wait for it.

"Symon, aren't you done yet?"

Natigil ako sa pagmumuni habang lumalagaslas ang patak ng tubig sa aking mukha nang marinig ang marahas na katok sa pintuan.

"Nakita mo na bang lumabas ako? I'm not done yet!"

Minasahe ko ang aking buhok hanggang sa bumula ang shampoo na pinahid ko.

Everyone deserves the love the way we give it to others.

"Bakit kasi hindi nalang tayo nagsabay magshower? Edi sana nakatipid pa tayo sa tubig!" his voice is getting impatient.

I can't find the logic in it. Kung magsasabay kaming maligo, mas aksayado sa tubig iyon dahil paniguradong dodoble ang oras na magtatagal kami dito sa loob. I know how Torralba's hormones work, it has been my expertise.

"Can't you wait??" nagmadali na akong magbanlaw dahil nakakahiya naman sa lalaking ito.

Medyo natagalan rin ako dahil sira ang gripo sa ibaba, kailangan pang pihitin ng ilang beses para gumana. This needs to be fixed.

"Tsk.."

After almost 25 minutes or so, ako'y natapos rin sa mga ritwal. Pagbukas ko ng pintuan ay walang tao sa labas.

"Nasaan na ang damuhong iyon?" napatanong ako sa aking sarili.

Nakatapis ako ng tuwalya nang maglakad ako patungo sa bedroom, at doon ay naabutan ko ang katawan ni Troy na nakahilata sa dulo ng kama habang nakapulupot pa ang tuwalya sa leeg. Nakatulog na ang loko.

"Troy.." I softly tapped his cheek.

"Hmmm..."

"Magshower ka na, tapos na ako.."

Nanatili siyang nakapikit. Napagmasdan ko nang high-definition ang kanyang mukha. Tangina, ang gwapo talaga ng damuhong ito. Why is the world so unfair?

Noong nagpaulan siguro si Lord ng kagwapuhan, palaboy-laboy ito sa daan.

"Hmmm..hmmmmmmm...."

At iyong totoo, may balak pa ba itong gumising?

"Troy, magshower ka muna bago ka matulog.." inalog ko ang kanyang balikat.

Nang hindi pa rin gumising ang loko ay hinayaan ko na. He must be tired.

It's been a week after we have opened up a new beginning. I'm still trying to count the number of my days left being here, dahil may naghihintay rin naman akong trabaho sa Barcelona. Ngunit hindi pa namin napag-uusapang muli ang bagay tungkol doon.

Nagbihis ako at naghanda ng makakain. I am already preparing the dinner when the bell rang. I'm in Troy's condo unit so who will be visiting him in this time of the night? Sounds off, but well let's see.

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon