HINDI ko na nahagilap pa ang kaluluwa ni Troy nang umalis ako ng agency. Ayon kay Brunner ay nakita raw niyang maagang umalis ito kanina. Kaya ngayon ay hindi kami magkasabay at kinailangan kong mag-taxi pauwi.Ngayon ay abala ako sa pag-iisip ng mga kadahilanan kung bakit hindi ko maisasama ngayong gabi si Troy sa inaasahang family dinner mamaya. For sure, mas inaabangan nila ang pagdalo ni Troy kaysa sa pagdating ko. And I'm sure Syra will be giving her best to look beautiful tonight.
Nakarating ako sa condo sa tamang oras. Tumigil ako saglit sa tapat ng unit ni Troy at idinikit ang tainga sa pintuan upang pakinggan kung nariyan siya sa loob. Nang wala akong madinig na ingay ay kinatok ko ito. After six seconds, nagpasya ako na mukhang hindi ko siya makikita rito.
Nagtungo ako sa aking unit at agad na nag-shower. It's already seven in the evening when I finished showering. Nagbihis ako ng isang grey fitted shirt underneath a single-vent black coat. This is our normal dinner, you must look elegant and professional. That's what Mom and Dad taught us about the proper etiquettes and grooming.
Bumaba ako ng basement upang hanapin ang aking sasakyang matagal ko na ring hindi nagagamit dahil lagi akong sumasabay kay Troy. Our house is a few kilometers away from my condominium. Hindi ito kalayuan kaya wala pang isang oras ay nakarating na rin ako.
I parked my car beside a gorgeous red car, iyon ang kotse ni Syra. Pagpasok ko sa main entrance ay sinalubong ako ng dalawang housemaids at ang mayordomang si Guillerma, niyakap ako nito. Matagal rin siyang nawala dahil umuwi ito ng probinsya mga dalawang buwan ang nakalilipas.
"Nanay, namiss po kita." Hanggang balikat ko lamang siya. Naging malaking parte siya ng aking paglaki, siya ang madalas kong nakakasama noon sa bahay dahil madalas na nangingibang-bansa ang magulang namin dahil sa trabaho.
"Ang laki na talaga ng Simon ko.." Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko. Mangiyak-ngiyak siya ngayong nakita akong muli. Dahil sa pagrerebelde ko noon, minsanan nalang ako kung umuwi sa bahay.
"Symon, Nay. Hindi Simon." Iyon kasi ang madalas niyang itawag sakin. Simon ang namayapa niyang anak noong ako'y labinlimang taong gulang.
"Halika at kanina ka pa hinihintay nina Mam." Umikot ang mata ko sa kaisipang iyon na hindi ko kayang paniwalaan.
She guided me towards the large kitchen kung nasan naroon na ang aking ama, ina, at kapatid. Lumawak ang ngiti ni Syra nang makita ako, maging si Mom ay lumiwanag ang mukha. Wow. What was that?
"Oh my gosh! Hindi ko akalaing darating ka.." Syra in her elegant navy blue dress, she walked towards me para sa isang mainit na pagyakap ngunit lumagpas ito sa akin. Lumingon ako sa aking likuran at napagmasdan ko ang pagyakap ni Syra sa kadarating na si Troy, in his charcoal black tuxedo that hugs his well-built upper body. I met his pair of dark olive eyes. And he didn't inform me that he'll come after all? Akala ko ba ayaw niya?
Sumunod si Mom kay Syra sa pagtanggap sa bagong panauhin. Nagmukha akong hangin. Napailing nalang ako sa ere at nagpasyang umupo sa katabing upuan ni Syra.
"Oops! Kuya, I reserved that seat for Troy. Doon ka nalang sa kabila." Sabay turo niya sa upuang katabi ni Mom. Si Dad ang nakaupo sa kabisera na tinanguan lamang ako. At least he noticed me kahit paano, unlike these two who acted like they didn't see me at all.
Buong oras ay iniiwasan ko talaga ng tingin si Troy. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa kanya, at kung ano ang pakay niya sa pagdalo rito. He said a big no when I invited him and talk about it. What triggered him to come over now?
"Nice meeting you son, I'll be glad to finally meet you." Naglahad ng kamay si Dad kay Troy at ito'y dali namang tinanggap. Nasuka ako doon. Nice meeting you son? Kahit kailan ay hindi ko narinig mula sa kanya iyon na itawag sa akin. I was never his son. I started being not his son when he knew about my real sexuality.

BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...