Weeks have passed, naging mabilis ang paglipad ng oras. Naging mas patok sa media ang tambalang Fabiana at Troy. I feel bitter pero ganoon talaga, it's part of the job. Gwapo si Troy, at maganda si Fabiana, perpektong kombinasyon ang dalawa. Mas dumami ang offers ni Troy, at mas naging hectic pa ang schedule nito. Pumupuslit na lamang siya sa mga oras na free time niya para lang magkaroon siya ng oras sa akin.
Gaya na lamang ngayon.
"Are you aware of the reporters outside? You're not just a model now, celebrity ka na rin. Masaya ako para sa'yo."
Madalas kapag umuuwi kami ay dinudumog siya ng reporters. Nalilink kasi siya kay Fabiana, na anak pa ng isang congressman, kaya ayun at binibingwit siya ngayon ng media upang makasagap ng kung ano mang impormasyon na pupwedeng iissue sa kanila.
"They are always everywhere. Damn." Kumakain siya ng junk food ngayon, aniya'y pantanggal stress daw.
"Are you okay with it? Being linked with Fabiana? Does it gives you a lot of pressure, because people assumes you are in a relationship with her?" I asked him, trying to snatch his attention.
To be honest, sa akin okay lang ang mga nangyayari. It's not like Fabiana is stealing my boyfriend away from me, and she didn't say anything to the media regarding her love life. Maybe she doesn't like Troy at all? O may boyfriend na talaga ito?
"Ikaw ang gusto kong tanungin niyan, are you okay with me being linked to someone else?" his lips turned into a slight grin. He's observing my facial reaction if I display jealousy or not.
"Of course not. Pero siyempre nagiging okay pa din dahil alam ko namang wala talaga kayong relasyon, and as if may balak kang mangaliwa?" ako naman ngayon ang bumaling sa kanya at sinuri ang reaksyon ng kanyang mukha.
"Wala sa lahi namin ang cheater." natural niyang sagot na parang hindi man lang pinag-isipan at matagal na ang katotohanang iyon.
"Uh-huh.." napangiti ako dahil doon. Sige, ibigay na natin sa kanya ang loyalty award.
"Ikaw, sino iyong lalaking palihim mong kinakatagpo?" hindi na naalis ang mata ko sa kanya dahil sa kanyang ibinulalas. Agad na lumukot ang mukha ko.
"What? Sinong tinutukoy mo?"
Now, he laughed with sarcasm. Para bang sa tingin niya'y pinaiikot ko siya at pinaglalaruan. Anong pinagsasabi nito? Sinong lalaki?
"Gaano ba karami ang kinakatagpo mo para hindi mo malaman kung sino ang tinutukoy ko?" his sardonic look is turning into an obscenely dangerous look.
"Troy. What are you talking about?"
Ngumuso siya na parang bata at ayaw umamin sa isang sikreto.
"I saw you once with that fucking foreigner." ang labag sa loob niyang pag-amin. Sinong foreigner? Wala naman akong kilalang forei-
Damn. Si architect ba ang tinutukoy niya?
"You mean, si Sancho? He's a friend. I mean, not totally a friend, isa siya sa mga international visitors natin noong nakaraan." nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na ang sinasabi niya.
"First-name basis, huh? What's his business with you?"
Noong nakaraan ay nagkita kaming muli ni Architect Sancho dahil ipinaalam niya sa aking dadating dito iyong tinutukoy niyang kaibigan niya na may-ari ng graphic design firm, aniya'y mas maganda raw kung iyon mismo ang makakausap ko.
"He's.. he's offering me a job. He saw my credentials and offers me a position in his friend's firm."
Ayaw kong magtago sa kanya ng lihim kaya sasabihin ko na sa kanya. It wouldn't hurt for him to know. Kumunot ang noo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/104491021-288-k854068.jpg)
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...