"Kiss so you can prove it to me. True love, huh?"
Nakakapanlumo ang mga kaakit-akit na mata ni Troy habang nakahalukipkip at animo'y may patibong na nabubuo sa kanyang utak.
A kiss doesn't prove if it is true love or not! Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya. Bakit biglaang kailangan kong patunayan sa kanya na totoong boyfriend ko nga si Aljer, hindi pa ba sapat ang acting skills namin? Kapani-paniwala naman kami 'di ba? At bakit kailangan ng confirmation mula sa kanya eh ex ko lang naman siya?
"T-That's silly, Troy. A kiss won't settle anything." Why am I even stuttering? Half-meant but I just really want to avoid it.
Tumayo ako ng tuwid at ipinwesto ang kamay sa likuran ni Aljer, pinisil ko ang kanyang likuran at sinenyasan na sumakay lang sa aming plano. Hindi mangyayari ang halik na hinihingi ng unggoy na 'to.
"May mawawala ba? Or are you scared because you are really not in a rel---" Agaran kong pinutol ang balak na sabihin ng hunghang na alam ko na ang karugtong.
"M-My boyfriend's conservative!" Palusot ko. Sht!
Pinandilatan ako ni Aljer, tila hindi sang-ayon sa naisip kong palusot. Napakaraming maaaring maisip iyon pa! Awtomatikong umarko ang isang kilay ni Troy na medyo inexpect ko na Conservatism, talaga ba Symon?
Aljer looked at me with disgust. Nabasa ko ang pandidiri sa kanyang mga mata. We both know na malayong-malayo siya sa depinisyon ng pagiging konserbatibo.
"Y-Yes. We are planning to get intimate after marriage. I grew up in a traditional family." Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay gumagana na ang utak ni Aljer. Ngayo'y lumawak na ang ngisi sa mukha ko at nakaramdam ng papasibol na pag-asa.
"That''s right!" Pagsabat ko, confirming my fake boyfriend's words.
But the look on Troy's face is still insensible. Bakit ba napakahirap nitong kumbinsihin? Kitang-kita naman sa mga pagmumukha at linyahan naming dalawa na we are one happy couple. Plus the bouquet I am holding that signifies our sweetness. Lahat ng tao maniniwala bukod tanging siya lang ang nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan.
"Conservative?" May panunuya sa kanyang tono habang hinihimas ang ilalim ng kanyang mukha.
"And you are conservative too?" Turo niya sa akin.
Putangina mo Troy manahimik ka na! Bakit na-offend ako doon? Alam ko sa sarili kong hindi ako conservative pero dahil nanggaling sa kanya ay napipikon ako.
Goddamn you Troy Nixon Torralba! I hope you burn your soul to the depths of hell!
"Y-Yes." Sagot ko at binatukan ang naubong katabi ko. Hindi ba talaga ako mukhang conservative?
Alam kong malayo rin ako sa depinisyon ng pagiging konserbatibo pero kung magsisinunghaling na din naman ako, lulubus-lubusin ko na. Hindi man ako conservative pero at least 'di naman ako rapist katulad niya! Excuse me!
"Really?" Troy displayed an annoyed but amused smirk on his face that I want to rip because it's more annoying to me.
"Really."
Nakipaglabanan ako ng titigan sa kanya. The tension is so obvious that I feel like the surroundings faded and it's just the two of us that are left in this cruel world.
"Alright! No kiss then." Isinuot niya ang dalawang kamay sa loob ng kanyang mga bulsa at bumuntong hininga nang hindi makuha ang gusto.
Finally, you've learned how to deal with things that you cannot win. Sometimes, losing is not a sign of weakness. Sometimes, it's a brave thing. But clearly in front of me, Troy is not yet ready to waver his flag. God, why did you create these egotistic people?
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...