Mabigat ang damdamin kong naglakad papasok ng agency. I can't cry. Hindi ko magawang umiyak kahit na nasasaktan. I don't deserve to cry just because of that. I've been on many relationships and I've been cheated not just once. This is supposed to be usual, but my heart's been heavy since I came here.
Nang makapasok ako sa loob ay nabunggo ko ang isang lalaki.
"Sorry." Hindi ko na siya tinignan pagkatapos humingi ng paumanhin.
Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. I can't work or concentrate when I am this messed up. Hindi ko deserve ito. Hindi ako ang nawalan kaya hindi ako dapat makaramdam ng ganito.
"Uy! Tulala ka riyan? Magsisimula na." Tinapik ako ni Brunner sa balikat. Tinimbang niya ang reaksyon ko.
"Nariyan na ba ang mga bisita?" Tanong ko sa kanya. Namataan ko sa kanyang likuran ang pagpasok nina Madam kasama ang tatlong bisita.
Umikot ako upang isetup ang anggulo. Nasa harapan na si Troy na may kasamang dalawang babae sa kanyang gilid. Sila ang napili nina Madam para sa pagpapasikat ngayong may mga bisita. Sinenyasan ko sila na ako'y magsisimula na. Tanging kislap ng camera ang nakikita nila sa ngayon. They did awkward poses. May suot na itim na jacket si Troy ngunit walang pangloon kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang dibdib at abdomen. Ang dalawang babae'y naka-high ponytail at naka-blazer na sa loob ay bra lamang ang suot.
Naririnig ko ang ilang komento ng mga tao sa likuran, probably the visitors. They're talking about Troy Nixon Torralba, and how his face and body surpass some international male models. Oo nga naman, daig pa niya ang mga dayuhang modelo. Perpekto ang pagkakaukit ng bawat bahagi ng kanyang katawan. Walang tapon.
"Magnificent!" Pumalakpak pa si Madam Reyn nang isigaw iyon. Napilitan na rin ang ilang staff na makisama sa pagpalakpak.
"This is Symon Neil Monteguido, one of the finest photographers here at Elegantesse." Kinamayan ko ang mga lalaking naka-suit. Ang isa ay medyo matanda na, ang dalawa naman ay mukhang bachelors.
"This is Architect Torrecilla." Pakilala ni Madam sa isang lalaking nasa harapan ko na ngayon.
"Nice to meet you, Mr. Torrecilla." Tinanggap ko ang kamay ng isang lalaki. Napansin ko ang magandang hulma ng kanyang panga, at ang mga mata ay mapupungay. I wonder what's his nationality?
"I met you earlier.." Aniya habang pinagmamasdan ako. Nagtataka ako dahil ito pa lang naman ang unang beses na nakilala ko siya sa pagkakaalam ko. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
"At the ground floor, I was in the doorway when you bumped into me?" Aniya. Pagkatapos magsink-in sakin ang nalaman ay napanganga ako sa kahihiyan. Siya iyon?
"Oh! I'm so sorry, Mr. Torrecilla. Hindi ko sinasadya." Yumuko pa ako bilang paumanhin. I just accidentally bumped one of the visitors without my knowledge.
"It's okay, and I am very much honored to meet you." Nginitian niya ako. Nakakasilaw ang kanyang ngipin sa puti. I think he's a European because of his hard accent and the intricate features on him.
Nagpakilala pa ang isang lalaki na malugod ko ring kinamayan. Napapansin ko ang hindi pag-alis ni Troy sa platform sa unahan at waring pinapanood niya ang dako kung nasaan ako.
"So how's your stay in the Philippines?" Sumama ang tatlong bisita kina Madam Reyn at Madam Bunny na sinenyasan kaming magpack-up na.
Nagligpit ako ng mga gamit. Maya-maya ay naramdaman ko ang paglapit ni Troy. Hindi ko siya pinansin. Nang matapos ako ay akmang lalagpasan ko siya ngunit pinigilan niya ako gamit ang malambing niyang boses.
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...