Where there's a flame, someone's bound to get burned. But I am not stupid to burn myself twice by the same old flame.
FLASHBACK
(A year ago)Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan nang makarating ako sa police station. There are so many people everywhere, mayroon pa akong nasaksihang nag-aaway sa harap ng desk ng isang pulis.
"Troy Nixon Torralba please.." Nagtungo ako sa counter. I found the sheriff writing something on the log book. Malaking lalaki ito at batak ang katawan. Nabasa ko ang pangalan sa kanyang damit, B. Fajardo ang nakalagay doon.
"Hindi maaaring bumisita ngayon." Tumalikod siya sakin at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat doon.
Maingay sa paligid dahil sa dalawang babaeng nag-aaway sa hindi kalayuan at pinapakalma ito ng isang pulis.
"Anong hindi? Kadadala lang sa kanya dito kan-- wait! Isa ka sa mga pulis na dumakip kay Troy kanina. Paano kayo napaniwala ng babaeng iyon?" Ngayon ay muli siyang humarap sa akin. Salubong ang kilay at nagtatangis ang bagang.
"Are you his lawyer?"
Natigilan ako sa kanyang tanong. Mukha ba akong lawyer?
"H-Hindi."
Umiling-iling siya nang marinig ang sagot ko.
"Then shut up. Bumalik ka nalang kapag visiting hours." Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin.
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng mga rehas ang boyfriend ko, again. Alam kong sanay na siyang nasa kulungan pero ako ang hindi sanay! He didn't deserve to be dehumanized just like that!
Kaya naman nang bumalik ako sa agency ay si Lionel agad ang una kong hinanap. I told him to delete all the possible recorded videos and photos a while ago. Alam kong hindi agad ito kakalat dahil ibebenta pa nila ito sa mas malalaking tv stations upang kumita.
"I don't have the list of the reporters that attended the interview. Hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko silang lahat, Symon."
He taps my shoulder. My mind is so haywired. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Habang nasa loob si Troy ng kulungan ay susubukan kong linisin ang kanyang pangalan dito hangga't hindi pa pumuputok ang balita.
"Then I'll convince them. You have their contacts, right?" Isang kabaliwan na itong naiisip ko pero wala na akong ibang pagpipilian. If the news about him being arrested for rape and harassment spreads to the public, I'm sure mahihirapan na siyang makabangon mula rito, or worst baka hindi na talaga.
And the management can't tolerate this kind of issue that is against the law.
"What are you planning to do?" He's also worrying. Mabuti na lamang at hindi siya gaya ng ibang reporters na walang pakialam sa mga masisirang buhay kapag inilabas nila ang kanilang nasagap na balita.
I sighed in frustation.
"I'll buy their silence. Siguraduhin lang nilang buburahin nilang lahat ang record."
Lionel's mouth dropped open. Tawagin na nila akong baliw o nasisiraan ng ulo, pero gagawin ko ang lahat upang mapawalang sala ang lalaking minamahal ko kahit na alam naming hindi totoo ang lahat ng akusasyon sa kanya.
"Are you effin' serious, Symon? That's gonna bankrupt you!" I know. But sometimes, there will come a time that you need to sacrifice.
Kahit pa lumubig ako sa utang, hindi ako magsisising ginawa ko ito para sa kanya. At kung mauulit ang ganitong pangyayari, ito pa rin ang desisyong gagawin ko.
"And the management won't allow you to do that. Criminal or not, you are tolerating him at lalabas na parang pinagtatakpan mo siya." Then what does he want me to do? Do nothing while my boyfriend rots in the prison? Pay for the justice that's not supposed to be his business?
![](https://img.wattpad.com/cover/104491021-288-k854068.jpg)
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...