Chapter 5 [Pillow]

16.6K 640 71
                                    

MABILIS pa sa alas kwatro akong tumakbo para lang habulin ang lalaking iyon. Matagal ko siyang hinanap, at pagkatapos ko siyang makita ay tatakbuhan niya ako ngayon?

"Sandali! Wait! Bakit ang bilis mong maglakad?" Kabig kabig ko ang aking dibdib para habulin ang aking hininga. Tumigil siya sa paghakbang kaya nauntog ako sa kanyang likuran.

"Bakit mo ba ako sinusundan? At sino ka ba?! Bakit mo binayaran ang pampiyansa doon? Hindi mo dapat ginawa iyon!" Sinigawan niya ako. Kahit na mukha siyang galit na dragon ay namangha pa rin ako sa kagwapuhan niya. Siya na nga talaga ito! Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti ng wala sa oras.

"Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" Dinuduro na niya ako. Matangkad siya obviously. Pang-modelo ang katawan. Pasok na pasok sa standards ko. He can even make me moan loudly in bed. Konektado na ang kaluluwa ko sa kanya. I'm longing for his electric spark.

"Ang sungit nito! Bakit hindi ka na lang magpasalamat dahil sa akin ay nakalabas ka na sa maruming kulungan na 'yun? You owe me one! Hindi mo dapat sinisigawan ang taong tumulong sa'yo. Nakakasakit ka ng damdamin ah?" Pag-iinarte ko sa harapan niya habang pinupunasan kunwari ang aking mata.

"Sino ka ba sa buhay ko? Hindi naman kita kilala. Yeah, I owe you one at babayaran din kita. So that we're quits." Ang tigas naman pala ng puso nito. Hindi man lang nadala sa pag-acting ko.

"Ako si Symon Neil Monteguido, at may utang ka sakin." Ani ko. Humalukipkip ako. Let's see what his reaction will be kapag nalaman nya kung anong ginawa niya sa akin.

"Utang? Fuck. Utang na naman? Wala akong naaalalang umutang ako sa'yo. It's also the first time I heard your name." Nakakapanlinlang ang kanyang mapupungay na mata. Naiimagine ko ang makisig na katawan niya sa ilalim ng suot niyang damit.

"Hindi pera, kundi kaluluwa! We made love before, hindi mo ba naaalala?" Parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko base sa reaksyon niya. Para siyang magagalit na matatawa.

"Ridiculous. Bakit ako papatol sa isang katulad mo?"

Ouch! Napakasama niya! Anong nangyari at bakit ibang-iba ang katauhan niya doon sa nakadaupang palad ko sa kama? Hindi niya rin ako naaalala. May amnesia ba siya? Nabagok ang ulo? O sadyang makakalimutin lang?

Pero hindi ako makakapayag! Hindi na siya makakawala pa sa akin! I will not let his soul go away! Akin lang siya!

Dinukot ko sa likurang bulsa ng pantalon ko ang maskarang itim na pagmamay-ari niya.

"Siguro naman tanda mo pa 'to?" Winagayway ko sa harapan niya ang maskara. Hawak hawak ang lace nitong itim din. Gulat ang reaksyon niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Aalis na ako." Tumakbo siya sa parking lot at nagtawag ng taxi saka sumakay. Hindi ko na siya naabutan. Ugh! Napakailap niya! Kung kailan napasakamay ko na siya ay siya naman itong mag-iinarte.

Kinabukasan.

Day-off ko. Meaning ay wala akong gagawin para sa araw na ito. I'm supposed to finish my portfolio for Monday na hinihingi ni Madam Bunny for the client. Pero wala ako sa mood tapusin iyon. Ang umiikot lang sa isipan ko ay ang lalaking iyon.

Of course. I've researched about him. Plus the details and informations Lionel gave me.

His name is Troy Nixon Torralba. He's a top rank model ng Royale Fashion Magazine. Bestseller lagi ang magazines nila with his candid photos on their cover. His salary is also stable. Napaisip ako kung bakit nauwi siya sa kulungan kung sapat naman ang kinikita niya. He even went to an old dirty bar to display his chocolate body just for what? For money? Hindi ko talaga maintindihan kung paano at bakit.

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon