Chapter 28 [Girlfriend]

10.5K 429 61
                                    

Kinabukasan ay nagmamadali kaming nagtungo ni Troy sa isang ospital kung saan di umano isinugod ang kanyang kapatid.

"Bakit daw naaksidente?" I tried asking him just to distract him from overthinking.

Ramdam ko ang tensyon sa kanya. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa manibela habang binabagtas namin ang daan patungo sa ospital. I know he's worrying, and I want to ease his tension, at least.

"I still don't know. Blade is there, I'll just ask him when we get there." Binilisan niya ang pagmamaneho.

Higit dalawampung minuto ang itinagal kasama na ang traffic bago namin marating ang ospital. Binitbit ko ang bulaklak at basket ng mga prutas dahil nauna sa pagpasok si Troy sa loob.

"Room 303 po sa third floor."

Narinig ko ang babaeng nurse sa counter na itinuro ang kwarto ng kanyang kapatid na si Hunter. I still haven't seen him in person, tanging sa mga pictures ko pa lang ito nakikita. At isa ito sa kambal niyang kapatid. It's not a good idea na dito ko pa siya unang mami-meet in person. But do I have a choice?

"Let's go, Sy.."

He held my hand at sabay kaming umakyat ng elevator.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

Tinitimbang ko kung ano ang pakiramdam niya. But the question was just plain stupid, Symon. Of course, he is not okay! His brother got into an accident and we don't know for now if he's stable or in critical condition.

Bumukas naman din agad ang elevator doors kaya lumabas din kami agad. Sa hallway ay kapansin-pansin ang isang kwarto na mayroong dalawang lalaking nakaitim na nagbabantay sa labas ng pintuan.

Hinanap namin ang kwarto. Nagpapadala lamang ako sa hatak ni Troy hanggang sa huminto kami sa tapat ng pintuang may dalawang lalaki.

"Is this Hunter's room?" Tanong niya sa dalawang lalaki na diretso ang tingin. Naagaw niya ang atensyon ng isa.

"Ano hong pangalan ninyo, Ser?"

Nagtataka naman kaming tumingin sa dalawa. They look like bar bouncers dahil sa lapad ng pangangatawan ng mga ito. Sa mga titig nito ay para bang sinusuri at kinikilatis kami.

"Troy Nixon Torralba."

Nagtinginan ang dalawa saka binuksan ng isa ang pintuan para sa amin. Pumasok si Troy at sumunod naman ako ngunit napahinto ako nang iharang ng isang lalaki ang kanyang braso sa harapan ko.

"What? He's with me." Nag-iba ang tono ni Troy at ngayo'y mukhang mananapak na anumang oras. Mukha namang natakot ang dalawa kaya hinayaan din nila akong makapasok. Okay, what was that? Bakit ayaw nila akong papasukin?

Is his brother's a famous celebrity or some politician at grabe ang higpit ng security sa kanyang kwarto? Naabutan ko ang dalawang kapatid niyang sina Blade at Hector na nagbabantay doon. Hunter Torralba is lying on his bed and there are patches around his face. He is oxygen-dependent on the machine beside his bed.

Inakbayan ni Blade si Troy. Inilahad naman ni Hector ang isang upuan para sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang bulaklak at ang mga prutas.

Nag-usap ang tatlong magkakapatid samantalang ako ay pinagmamasdan ang mahimbing sa pagkakatulog na si Hunter. Magkahawig sila ni Hector, the only difference is their complexion and the tattoo on Hunter's arm. But I can see that this man is an eye-candy too, just like his brothers. Balbas sarado ito at maputi. Does he has a girlfriend?

"The investigation is still ongoing. But his car was caught in a cctv and we saw what happened. Nawalan yata ng preno ang sasakyan, kaya nawalan ng kontrol at sumadsad sa isang bangin."

Masked Pleasure (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon