The warm but polluted air of Manila welcomed me as I walked out from the airport. It all feels nostalgic, but I always remind myself that I did not come here for a vacation, I came here to claim what I deserve.
I restrained myself from sightseeing, dahil matagal ko naman nang nakita ang mga kapaligiran dito. Naghintay ako ng mapaparang taxi nang maramdaman ko ang mabigat na brasong umakbay sa akin.
"Ginugutom na ako, why don't we eat first?"
His hands cradling on my arm as I feel the weight of his sturdy arm on my shoulders. Kailan pa nakasunod itong lalaking ito sa akin? Wala talaga siyang balak na humiwalay sa akin, huh? Tinignan ko ang hila niyang maleta.
"You followed me?"
Actually, it's too obvious to even ask that question. Nakisabay pa yata ng flight ang loko. Pero bakit hindi ko naman siya napansin sa loob ng eroplano?
"Yeah, I don't have any business left in Barcelona when you're not there. Ikaw lang naman ang rason kung bakit ako naparoon." he took his time relishing the sardonic face I am giving him.
His gaze went to my baggages.
"Ako na ang magdadala para 'di ka mahirapan."
Hinayaan ko siyang agawin sa akin ang maleta ko. Bahala siya kung balak niyang magpaka-PA ko ngayon, tulong na rin ito para hindi ako mapagod.
Paparahin ko na sana ang paparating na taxi nang may humintong sasakyan sa aming harapan. It's a range rover. Bumaba ang salaming bintana at nakita ko ang nakasuot ng rayban na si Blade. He grew stubbles that made him look hotter, not that he was not hot before, now his hotness went extreme. Hot daddy will be his best definition.
"Ang tagal mo! Kanina pa kami rito.." Ani ng nagmamaktol na si Troy habang ikinakarga ang mga bagahe namin sa likod. Teka, sundo ba namin ito?
Pinauna niya akong sumakay. Sa passenger seat ako pumwesto. Nagulat naman ako nang balak na tumabi sakin ni Troy.
"Bakit diyan kayong dalawa? Ano ako, driver niyo?" Sarkastikong tanong ni Blade na hinubad pa ang rayban shades upang makita kami sa kanyang likuran.
"Just fucking start the engine, Blade!" Anggil ng katabi ko. Dismissing any of his brother's rants.
"Doon ka na sa harap, Troy. I'm fine here.." I suggested just to stop their childish debate. Jusko, pati ba naman upuan pagtatalunan pa nila? Just how juvenile are they?
"No, I want to sit here." pagmamatigas ni Troy saka isiniksik ang sarili sa akin. The passenger seat is so wide pero nagsisiksikan kami sa isang lugar.
Tinitigan kaming dalawa ni Blade na mukhang naoffend sa huling sinabi ng kapatid.
"Troy, lumipat ka na nga. Ang sikip na dahil sa'yo!" Tinulak ko ang mukha niya palayo sa aking balikat dahil pilit siyang sumasandal at yumayapos sa katawan ko.
"So what? Gusto ko ng masikip." Aniya. Naubo ako ng wala sa oras. Pinamulahan ng mukha nang kuryosong tignan ako ni Blade, hinihintay ang reaksyon ko.
That has two meanings, you piece of shit!
"Fuck off, kuya! Dito ka na, mas maluwag dito!" Sinubukan siyang hatakin ng kapatid mula sa distansya namin.
BINABASA MO ANG
Masked Pleasure (BxB) ✔
RomanceSimon, haunted by a turbulent upbringing and a profound sense of abandonment, finds solace in his rebellious nature. However, his path takes an unexpected turn when he crosses paths with Troy, a charismatic yet troubled individual grappling with the...