YAMTF Kabanata: 4

38.1K 1.3K 92
                                    

Tanghali nang biglang magising ang diwa ni Raine dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng kanyang telepono. Tamad n'yang kinuha ito at nang buksan ay nakita niya ang dalawang mensahe na galing sa kanyang mga kaibigan.

Ngunit hindi lang iyon ang kanyang natanggap, nakatanggap din s'ya ng disi otsong tawag na talaga namang ikinakunot ng kanyang noo. Inignora na lang n'ya iyon at mas itinuon ang atensyon sa kanyang mensahe.

Inuna niyang buksan ang mensaheng galing kay Josh.



From: Joshhie ^_^

Ulan bakit ka umuwi? Textback...Asap!



At saka isinunod ang kay Nicole.



From: besNicNic

Hoy beshie nasaan ka na? 'Wag kang mag-inarte riyan 'te! Gunusto mo 'yan 'di ba?



Nang matapos basahin ang mga ito, ay agad niyang nagpasyang bumangon sa kama at nag-inat inat para mag-ayos ng kanyang sarili. Akmang lalabas na s'ya ng kwarto ay biglang tumunog ulit ang kanyang telepono. Mabilis naman niyang kinuha ito at nakita na may isa s'yang bagong mensahe galing kay Icarus.



From: ICARUS ❤️

I told you baby you can't get rid of me! ;)



Nangunot ang kanyang noo sa nabasa, hindi alam ni Raine kung anong ibig sabihin ng binata sa mensahe nito.

"Raine, Anak... Gising ka na ba?" biglang tawag ng kanyang Ina sa pintuan.

Pinagbuksan naman agad niya ito at mumukat-mukat na humarap kay Mama Gina.

"Bakit po Mama?" bungad ni Raine habang naghihikab pa.

"May sakit ka pala, ayos ka lang ba anak?" nag-aalalang wika ni Mama Gina at sinipat kung ayos lang ba ang kanyang lagay.

"Wala po akong sakit Ma, sino pong nagsabi sa inyo?" kunot noong tanong ni Raine rito.

"Sabi sa akin ng bisita mo."

"Bisita?"

"Oo anak, bumaba ka na lang at asikasuhin mo doon. Magpapahinga muna ako." saad ni Mama Gina bago tinalikuran ang dalaga.

Hindi na nag-abalang ayusin ni Raine ang kanyang sarili. Inisip niya na baka si Nicole o Josh lang ang taong bumisita sa kanya. Kaya naman naghihikab at nangangamot pa ng tiyan ang dalaga nang tuluyan siyang makababa ng hagdanan. Humarap s'ya sa gawi ng sala at nagulat sa taong nabungaran niya roon.

"Anong ginagawa mo rito?!" gulat na usal ni Raine sabay ibinaba ang kanyang damit na bahagyang tumaas.

Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng binata kaya pinamulahan ang dalaga dahil doon. Tinaasan n'ya ito ng kilay na parang naghihintay ng sagot, ngunit wala siyang nakuhang responde rito.

Hindi sumagot si Icarus at umangat lang ang gilid ng labi nito. Naglakad ang binata papalapit kay Raine saka dumukwang para mahalikan ito sa pisngi.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon