YAMTF Kabanata: 10

29.6K 765 31
                                    

Tatlong linggo ang lumipas simula nang ipinagdiwang nina Raine at Icarus ang kanilang unang buwan bilang magkasintahan. Naging maayos naman ang takbo ng kanilang relasyon, may mga hadlang ngunit hindi sila nagpapaapekto sa mga ito.

Sabi nang matatanda masyado pa raw silang bata para masabi nila Raine at Icarus na mahal na mahal na nila ang isa't-isa sa loob ng maikling panahon lamang. Ngunit para sa kanila, ay mas matimbang ang kanilang nararamdaman kesa sa anumang bagay. Kaya naman hangga't maaari hindi na pinapatulan pa ng dalawa ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon.

Nang matapos ang klase ni Raine ay itinext niya si Icarus na papunta siya ngayon sa Music Room. Palaging ganito ang routine nila bilang magkasintahan, lahat ng gagawin nila ay kailangan itext para alam ng isa kung ano ang ginagawa nito. Sa una ay naninibago pa si Raine dahil hindi siya sanay sa ganoong kalaseng set-up ngunit kalaunan ay nakasanayan na rin niya ito.

Itong mga nagdaang linggo kasi ay hindi nakakakumpleto ng pasok sa eskwelahan si Icarus. Minsan ay tatlong beses lang sa isang linggo ito kung pumasok, kaya naman sobra ang pag-aalala ni Raine sa binata. Pilit n'yang tinatanong si Icarus kung may problema, ngunit ayaw naman nitong magsalita tungkol sa pagliban nito sa eskwelahan. Minsan pa nga'y iniiba pa nito ang usapan at dinadaan siya sa lambing para hindi na magtanong pang muli.


*****


Alas sais ng gabi, nang biglang tumunog ang telepono ni Raine. Maagap niya itong kinuha sa bulsa, saka tinignan kung sino ang tumatawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang hindi nakarehistro ang numerong tumatawag.

Dala ng kanyang kuryusidad agad naman niya itong sinagot, "Hello?"

"Hello, si Raine ba ito?" bungad ng boses lalaki sa kabilang linya.

"Opo, sino po sila?" kabado niyang sambit, dahil sa dating ng boses nito.

"Pumunta ka sa St. Andrews Hospital, naaksidente ang boyfriend mong si Icarus." humahangos na saad nito.

"Sige po, papunta na ako!" histerikal niyang sambit habang nangingilid ang kanyang mga luha. Dali-daling inayos ni Raine ang kanyang mga gamit at agad tumakbo papalabas sa hallway. Dala nang kanyang pag-aalala sa binata, ay hindi niya alintana ang mga taong kanyang nakakasalubong. Ang tanging tumatakbo lamang sa kanyang isipan ay ang kaligtasan ni Icarus.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Raine habang abala sa pagtawag sa numero ni Icarus. Saktong tayo n'ya sa gilid ng kalsada ay biglang may humintong jeep sa kanyang harapan. Agad naman s'yang sumakay dito at sabay sabing, "Manong sa St. Andrew's Hospital po, makikiabot po ng bayad." pakiusap niya sa mga pasahero roon.

Labing limang minuto ang lumipas, at mabilis nakarating si Raine sa nasabing lugar. Dagli niyang tinanong ang receptionist ng ospital kung saan ang kwarto ni Icarus, ngunit iba ang nakuha niyang sagot mula rito.

"Kayo po ba si Ms. Reynalyn Lopez?" biglang sambit nito na siyang nakapagpakunot ng noo ni Raine.

Kahit nagtataka kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan ay binalewala na lang ito ng dalaga, "Opo, saan po ang kwarto ni John Icarus Reyes?"

"Sumunod po kayo sa akin." anito saka lumakad papuntang elevator.

Kahit naguguluhan ay sinundan na lang ito ni Raine, hindi niya maintindihan kung bakit hindi sinagot nito ang kanyang katanungan, sa halip ay ihahatid pa siya nito kung saan man. Tahimik na nagmasid si Raine at nang makitang sa ika-limang palapag huminto ang elevator ay agad nagsalita ang nurse, "Ms. Raine dito po tayo." wika ng nurse bago lumabas ng lift.

Ang buong akala niya'y sa fifth floor ang kwarto ni Icarus ngunit nagkamali siya, dahil pumasok pang muli sila sa isang pinto na sa wari niya ay ang fire exit door. Kahit nagtataka kung bakit sa taas ng ospital siya nito dinala, ay hindi na lang umimik si Raine at sumunod na lang dito habang nagmamasid sa paligid. Nang makarating sila sa dulo ng hagdanan agad binuksan ng nurse ang pintuan at bumungad sa kanya ang rooftop ng ospital. Nagtataka siya kung bakit dito siya dinala ng nurse, kaya naman hindi na mapakali si Raine at saka nagtanong na rito.

"Nurse, bakit tayo nandito?" kunot noong tanong niya rito.

Sa halip na sumagot ay nginitian lamang siya nito at saka tumalikod paalis sa rooftop. Tinawag pa ito ni Raine, ngunit wala na siyang nakuha pang sagot mula rito.

"Hala anong nangyari ro'n. Bakit ayaw akong sagutin?" nakanguso niyang sambit sa hangin.

Tumalikod na siya papalabas ng rooftop at tinungo na ang pintuan papasok sa ospital. Ngunit nang akmang bubuksan na ni Raine ito ay biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

"Raine!" sambit nito sa kanyang pangalan.

Natigilan naman ang dalaga nang marinig ang boses na iyon. Kahit hindi siya lumingon, ay kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.



*****

Sino nga ba ang lalaking tumawag kay Raine?


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon