YAMTF Kabanata: 15

30.1K 806 49
                                    

Mabilis namang napakunot ang noo ni Raine, nang mapadako ang kanyang paningin sa sala, gulat na gulat siya sa kanyang nasilayan. Matagal niyang hindi nakita ang imahe ng taong ito, kaya naman nangilid agad ang kanyang mga luha dahil sa loob ng isa't-kalahating taon, ay hindi akalain ni Raine na makikita pa n'yang itong muli.

"J-josh?" nauutal na sambit ni Raine.

Ngumiti lamang ito at inumang ang mga braso, na parang naghihintay ng yakap mula sa kanya. Agad namang tumakbo sa gawi ni Josh ang dalagang si Raine saka ito yumakap ng sobrang higpit.

Binalik din naman ni Josh ang intensidad ng pagkakayapos ng dalaga, at bahagya pa itong binuhat dahil sa pagkamiss.

Nang matapos ng High School, agad lumipad patungong Amerika si Josh at doon pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Simula kasi nang umalis ito ng Pilipinas ay hindi na ito kumunekta kahit kanino, lahat ng social media account ng binata ay dini-activate niya sa hindi malamang dahilan, kaya masasabing namiss talaga nila ang isa't isa.

"Namiss kita!" naluluhang saad ni Raine habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa binata.

"Namiss din kita, Ulan."

Bigla namang humiwalay si Raine sa pagkakayapos dito't saka tiningnan ng masama ang kanyang kaibigan, "Namiss mo ako, talaga lang ahh." inirapan niya rito't halatang may inis sa timbre ng boses ng dalaga.

"Oo nga, namiss talaga kita... Lalo na iyang kakulitan mo." natatawang usal ni Josh saka pinisil ang ilong ni Raine.

Agad namang sinuway ng dalaga ang kamay ni Josh, saka ito humalukipkip habang masama ang tingin sa binata.

"Oh... Bakit ang sama ng tingin mo sa akin?" natatawang saad ng binata, dahil sa itsura nito ngayon na nakabusangot ang mukha.

"Eh kasi naman sasabihin mong namiss mo ako, pero ang totoo hindi naman! Kasi kung namiss mo talaga ako, hindi mo ako titiisin ng isa't kalahating taon na walang paramdam! Ni tawag o text pati na sa facegram waley!" iritableng saad ng dalaga.

"Ulan..." natatawang usal ni Josh saka hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. Sa puntong iyo'y hinawakan na ni Josh ang magkabilang pisngi ng dalaga at saka ito iniharap sa kanya upang magtama ang kanilang paningin.

"Ulan, namiss talaga kita, ako ba namiss mo?" malambing na sambit ng binata habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

Nang marinig ni Raine ang malambing na boses nito'y agad s'yang napatingin sa mga mata ni Josh. Nagsalubong ang kanilang mga paningin, at biglang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga, hindi n'ya alam kung bakit ganoon na lang ang pagpintig ng kanyang puso. Hindi niya malaman kung saan ba siya kinakabahan, sa dating ba ng pagtitig ni Josh o sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Ulan..."

"Syempre naman, sino bang hindi makakamiss sa bestfriend ko." palusot ni Raine para hindi mahalata ang kanyang pagkailang.

Napangiti naman si Josh sa inasal ni Raine, kaya naman hinawakan na niya ito sa kamay at saka hinila paupo sa sofa.

"Oh eto Ulan, binili ko talaga para sa'yo 'yan." masiglang wika ng binata habang abala sa paghalungkat ng mga bag na yari sa papel.

Mataman lang pinagmamasdan ni Raine ang kanyang kaibigan. Lalong umayos ang itsura nito ngayon, malayong-malayo na sa Josh na kaibigan niya noong High School pa sila. Ang dating patpatin, ngayon ay naging brusko na ang pangangatawan. Mas kuminis na rin ang kutis ni Josh gawa ng klima sa Amerika. Ang buhok nito na dati'y kulot, ngayon ay naging tuwid na. Mas bumagay din sa binata ang bagong kulay ng buhok n'yang kulay ginto.

Dala ng pagkatulala ng dalaga, hindi niya namalayan na nakatingin na pala sa kanya si Josh, na may malaking ngiti sa labi, "Ulan... Alam kong gwapo ako, baka matunaw na ako niyan." pang-aalaska nito sa kanya na nakapagpabalik sa katinuan ng dalaga.

"Tsss... Hindi ka naman masyadong mayabang ano po?" sarkastikong saad ni Raine saka ito inirapan.

Napahalakhak naman si Josh sa mga sinabi ni Raine saka ito nagsalitang muli, "Gwapo naman..." nakangiting usal nito saka kinindatan ang dalaga.

"Grabe ang hangin dito," saad ng dalaga saka ipinaypay pa ang kanyang mga kamay. "Riz, pakipatay nga ng electrifan grabe na ang hangin eh."

"Ate, hindi naman mahangin ah, ang init-init nga eh." nagtatakang sambit ni Riz sa dalaga.

Napailing na lang si Raine, dahil sa walang kwentang sagot ng kanyang kapatid. Hindi niya malaman kung nagbibiro lang ba ito o sadyang mahina lamang maka-gets ng mga biro si Riz.

"Gano'n na ba kalakas ang appeal ko sa'yo ngayon, kaya't dalang-dala ka na sa hangin ko?" nakakalokong usal ng binata na may malaking ngiti sa labi.

"Sus! Anong tinira mo sa Amerika at naging ganyan ka Joshhie? Tirahan mo naman kami ng hangin sa paligid, sinolo mo na eh." sarkastikong wika ni Raine rito habang pabirong niyuyugyog ang kanyang kaibigan.

Natatawa naman si Josh sa mga litanya ni Raine at saka nito hinuli ang kamay ng dalaga.

Natigilan naman si Raine sa kanyang bahagyang pagyugyog kay Josh at napatingin sa kanilang mga kamay na ngayon ay magkahawak na. Maagap niyang binawi ang kanyang kamay sa binata, at sabay silang napabaling sa bungad ng kusina nang magsalita si Mama Gina,

"Mga anak tara na't kumain." ani Mama Gina saka muling bumalik sa kusina para maghain.

Sumunod naman ang tatlo at sabay-sabay na kumain ng hapunan. Naging masaya ang naging hapunan ng mag-anak kasama si Josh. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong oras na sila ay magkakasama.


*****


"So paano Ulan mauna na ako, salamat sa masarap na hapunan." nakangiting usal ng binata habang naglalakad papalabas ng gate.

"Salamat din Joshhie, lalo na sa mga pasalubong mo."

"Wala iyon... Ahh Raine," biglang tawag ni Josh sa dalaga. "C-can I invite you out, tomorrow?" nauutal na wika nito.

"Hmmm... Bukas after ng klase ko sunduin mo ako... Okay?" wika ng dalaga na nakatawag sa atensyon ni Josh.

"Talaga?" biglang namilog naman ang mga mata ni Josh nang marinig ang sinabi ni Raine. "Thank you Ulan, Thank you!" masiglang saad ng binata.

"Sige na Joshhie, thank you ulit."

Ngumiti na lamang si Josh saka naglakad patungo sa kanyang sasakyan.



*****

Sa mga nag-asam na si Icarus ang lalaking nakita ulit ni Raine, sorry for disappointing you mga labs. 😂✌️ Oh well see you next Chapter mga labs ! ❤️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon