YAMTF Kabanata: 9

32.9K 984 68
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, at mas naging matibay ang relasyon nina Raine at Icarus. Para sa iba'y masyadong mabilis ang kanilang naging relasyon, ngunit pinatunayan nila na hindi nababase sa tagal ng panahon ang tunay na pagmamahal.

Nasanay na rin si Raine sa mga usap-usapan tungkol sa relasyon nila ng binata. Hindi na niya ito binibigyan ng pansin, dahil para sa kanya wala nang iba pang mas mahalaga kundi ang mahal niyang si Icarus.

Sabado ngayon wala pasok sa eskwela, Abala si Raine sa paglilinis ng bahay nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha n'ya ito sa kanyang bulsa at saka tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makitang si Icarus pala ito, ay kusang ngumiti ang kanyang mga labi na akala mo'y may sarili itong pag-iisip. Kaya naman bago pa mainip ang kanyang kasintahan ay mabilis niyang sinagot ang tawag.

"Hello mahal." Masiglang sambit ni Raine.

"Mahal good morning, ano po ginagawa ng baby ko?" Bungad ni Icarus sa kabilang linya.

"Naglilinis lang po ako ng bahay mahal."

"Oh! I'm sorry baby, did I disturb you?"

"Okay lang, patapos na rin naman ako." Wika ni Raine.

"Are you sure baby?"

"Oo naman mahal, bakit po?" Pagtatanong pa ng dalaga.

"Uhmmm... Can I invite you later?"

"Saan naman, magpapaalam pa ako kay Mama."

"May pupuntahan lang tayo, please? Don't worry I will fetch you later para maipaalam kita kay Mama Gina." Pursigidong saad nito sa kabilang linya.

"Okay po... Basta ipaalam mo ako kay Mama ha?"

"Thank you, Baby... See you later, I love you!" Masiglang sambit ni Icarus.

"Okay po, Mahal. I love you too." Matapos noon ay agad niyang pinatay ang linya ng telepono.

Ngayon ay prenteng nakasandal si Icarus sa kanyang sasakyan, habang ang kanyang driver naman ay nasa loob ng kotse. Nagulat na lang ang binata nang biglang bumukas ang gate nila Raine at iniluwa roon ang kanyang nobya.

Halos matulala si Icarus sa simpleng ayos nito, nakasuot ang dalaga ng isang white lace blouse, na tinernuhan ng kulay tsokolateng palda na abot hanggang tuhod.


Photo CTTO

Photo CTTO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon