YAMTF Kabanata: 41

29.8K 779 51
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at kinaharap ni Raine ang hirap ng kanyang pagbubuntis. Nandyan ang pagsusuka tuwing umaga, na talagang sinusukuan niya dahil sa nanghihina ang kanyang buong katawan sa tuwing mangyayari iyon.

Mabilis ding hinahalukay ang kanyang sikmura, kapag nakaka-amoy ito ng mga pagkain na hindi gusto ng kanyang pang-amoy. Masyadong nagiging pihikan na rin si Raine sa mga pagkain na kanyang kinakain. Ngunit hangga't kaya n'yang tiisin ay kumakain pa rin siya upang hindi gutumin ang munting supling sa kanyang sinapupunan.

Dumaan din si Raine sa pagiging sensitibo, madali itong nagiging emosyonal kahit sa mga simpleng bagay lamang. Gaya na lang nang nangyari noong nakaraan sa pagitan nila ni Icarus...


Flashback:

"Baby, 'yan ba talaga ang susuotin mong damit?" tanong ni Icarus sa dalaga habang inaayos nito ang kanilang mga gamit papuntang ospital.

"Opo mahal, bakit mo naman natanong?" nagtatakang saad nito sa binata.

"Uhmmm... Nothing, maganda naman s'ya kaya lang... Hindi ba masyadong daring ang suot mong 'yan?" alanganing pagtatanong ni Icarus.

Tiningnan naman ni Raine ang kanyang sarili at wala s'yang makitang masama sa kanyang suot na Black V Line Maternity Dress.


Photo CTTO

"Ano bang daring dito?" iritableng saad ni Raine saka bumusangot ang maganda nitong mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Ano bang daring dito?" iritableng saad ni Raine saka bumusangot ang maganda nitong mukha.

Lumapit naman agad si Icarus sa kanyang kasintahan at saka pinadausdos ang kanyang hintuturo pababa sa gitnang bahagi ng dibdib ng dalaga.

"Ito ang mali mahal, kita na ang pisngi ng dibdib mo riyan sa suot mong damit." usal nito habang seryosong nakatingin sa mga mata ng kanyang nobya.

Namula naman ang mga pisngi ni Raine dahil sa ginawang iyon ni Icarus, kaya biglang tumaas ang timbre ng boses nito.

"Eh sa naiinitan ako eh!" singhal nito saka nagdabog papalayo sa binata.

Sinundan naman agad ito ni Icarus at maagap na hinablot ang bewang ng dalaga, dahilan para makulong ito sa kanyang mga bisig,

"Nah ah ah! You're not going anywhere baby." mapang-akit na wika ng binata habang nakakulong sa kanyang mga bisig si Raine.

"B-bitawan mo ako Icarus." naiilang na sambit nito habang pilit iniaalis ang mga braso ng binata.

Mas lalo namang hinigpitan ng binata ang kanyang pagkakayapos kay Raine, dahilan para mas mailang ito sa kanya.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon