YAMTF Kabanata: 27

28.4K 746 40
                                    

Nang dumating sa Prime Bar sina Raine at Chloe, ay agad silang huminto sa tapat ng nasabing bar. Bago tuluyang bumaba ng sasakyan, ay kinausap muna ni Chloe ang kanyang driver.

"Mang Ted, sige po pwede na kayong umuwi. Magtataxi na lang po kami mamaya ni Raine." pagbibilin ni Chloe sa driver.

"Ay maam Chloe, hindi po pu-pwede. Baka po mapagalitan ako ng mga magulang niyo kapag pinabayaan ko kayong bumiyahe pauwi." mahabang paliwanag nito habang kumakamot pa ng ulo.

"Haaayyy... Hanggang sa pag-gimmick ko wala talagang patawad sila Mommy," may inis sa timbre ng boses ng dalaga. "Sige po, ite-text ko na lang po kayo kapag magpapasundo na ako." saad ni Chloe saka bumaba ng sasakyan.

Bago tuluyang bumaba si Raine, kinausap muna n'ya si Mang Ted, "Hmmm... Sige po, h'wag po kayo mag-alala babantayan ko po si Chloe." wika ni Raine sa matanda.

"Salamat po Maam Raine, h'wag niyo na lang pong sabihin na sa parking lot ako maghihintay. Ayaw po kasi ni Maam Chloe na binabantayan eh." saad ni Mang Ted sa dalaga.

"Makaka-asa po kayo." nakangiting sambit ng dalaga rito saka tuluyang lumabas ng sasakyan.

Pagbaba ni Raine, bumungad sa dalaga ang magarang establisyamento na talagang makatawag pansin dahil sa angkin nitong ganda.

"Wow! Ang ganda." nagniningning ang mga matang sambit ng dalaga habang sinisipat ang kabuuan ng Prime Bar.

Napalingon lang si Raine nang tawagin ni Chloe ang kanyang pangalan, "Raine!" sigaw nito at sinenyasan pa siya ng dalaga na lumapit sa harap ng bar.

Ngiti lang ang iginanti niya rito saka naglakad papalapit sa kanyang kaibigan. Nang tuluyang makalapit ang dalaga sa bukana ng bar, agad siyang hinila ni Chloe para pumasok sa loob.

Nagulat si Raine nang makapasok sa loob ng Prime Bar, bumungad sa dalaga ang malakas na tugtugin na nagpapakabog sa kanyang dibdib. Sandaling huminto si Raine sa bukana ng pinto dahil hindi niya maaninag ang mga tao sa loob. Ilang segundo lang ang lumipas ay unti-unti ng lumiwanag ang loob ng bar. Dahil naka-adjust na ang mga mata ni Raine sa mumunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa nasabing lugar.

Nagulat na lang ang dalaga nang biglang may bumangga sa kanyang likuran dahilan para mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at mabilis siyang nahablot ng binata sa braso kaya't hindi natuluyang matumba si Raine sa sahig.

"Miss sorry, are you alright?" nag-aalalang usal nito habang nakahawak pa rin sa kanyang kanang braso.

"Ayos lang ako." malumanay na sambit ni Raine saka binawi ang kanyang braso sa binata.

Hindi na nakasagot pang muli ang binata dahil tinawag na ito ng kanyang kasamahan. "Trevor! In here!" rinig ni Raine na sigaw ng babae sa hindi kalayuan.

"Sige miss, sorry talaga." sinserong saad nito saka iniwanan ang dalagang nakatayo sa pintuan.

Lilingunin na sana ni Raine kung saan papunta ang binata nang biglang lapitan siya ni Chloe. "Baks, anong nangyari?" nag-aalalang sambit nito.

"W-wala, nakaharang kasi ako rito sa pintuan, kaya nabangga ako no'ng lalaki."

"Okay, tara na." anyaya ni Chloe saka ikinawit ang kamay sa braso ni Raine.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon