YAMTF Kabanata: 35

32.7K 867 77
                                    

WARNING:
The next scene is not suitable for young Readers. It contains matured content such as strong languages and sexual scenes. (R-18)
Read at your own risks!



*****


"Okay po Sir, here's your keycard." saka inabot ang susing korteng credit card.

"Alright, thanks!" ngiting usal ng binata saka inakbayan si Raine.

Naglakad ang magkasintahan patungong elevator. Napansin nila na nasa ika-apat na palapag pa lang ang lift nito kaya niyakap muna ni Icarus ang dalaga patalikod.

Nagulat naman si Raine sa biglang pagyapos ng binata sa kanya patalikod. Niyakap rin naman agad ng dalaga ang mga braso ni Icarus pabalik.

"Ang bango naman ng baby ko." usal ng binata habang nakasubsob ang mukha sa leeg ng dalaga.

Nakaramdam ang dalaga ng kilabot, kilabot dahil sa hininga ni Icarus na humahalik sa kanang parte ng kanyang leeg. Kinilig si Raine sa dating ng mga salita ni Icarus habang nakapulupot ang mga bisig nito sa kanyang maliit na bewang. Napapikit ng mariin ang dalaga, dahil hindi n'ya maipaliwanag kung ano itong panibagong nararamdaman niya para sa kanyang kasintahan. Nadadala na ang dalaga sa mumunting halik na iginagawad ni Icarus sa kanyang leeg, mabuti na lang at bumukas ang elevator dahilan para humiwalay siya rito.

"T-tara na m-mahal." nauutal na sambit ni Raine habang hindi makatingin sa mata ng binata.

Hindi na hinintay ni Raine ang sagot mula kay Icarus, kaya't nauna na s'yang pumasok sa lift at dumiretso hanggang sa pinakasulok nito. Isinandal ni Raine ang kanyang likod sa elevator dahilan para lamigin s'ya nang husto. Napaayos naman ng tayo ang dalaga nang sumunod na sa kanya ang nobyo.

Nakita niya na pinindot ng binata ang 7th floor ng lift saka siya binalingan nito. Lumapit si Icarus sa tabi ng dalaga at agad hinagilap ang kanyang kamay.

"Hey baby are you alright," baling sa kanya ng binata. "Your hand's cold." nag-aalalang usal nito saka kinuha ang dalawa n'yang kamay.

"O-okay lang po ako m-mahal... Malamig kasi." nauutal na sambit ni Raine habang hindi makatingin ng diretso sa binata.

Nanlaki ang mga mata ni Raine, nang dalhin ni Icarus sa bibig nito ang kanyang mga kamay. Ikiniskis ng binata ang kamay nito para magkaroon ng friction sa pagitan ng kanilang mga balat saka ito hinipan.

"Are you feeling okay now, baby?" saad ni Icarus habang patuloy na hinihipan ang mga kamay ng kanyang nobya.

Tanging tango lang ang naisagot ni Raine, dahil nahihiya s'ya sa kasintahan. Hindi n'ya alam kung bakit biglang uminit ang sistema ng kanyang katawan sa pamamaraan ng hawak ni Icarus sa kanyang mga kamay.

"Ano ka ba Raine, anong nangyayari sa'yo?" naguguluhang sambit n'ya sa kanyang sarili.

Nagulat naman si Raine nang biglang tumunog ang elevator. Nang balingan nila ang floor level, nakita nila na nasa ika-pitong palapag na ang lift dahilan para ibaba na ni Icarus ang kanyang kamay.

"Let's go baby." wika nito saka hinila ang kanang kamay ni Raine papalabas ng lift.

Naglakad ang dalawa patungo sa kwartong nakareserba para sa kanila. Mabilis naman nilang nahanap ang Room 705 saka ito binuksan ni Icarus, gamit ang keycard para sa seradura ng pinto.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon