YAMTF Kabanata: 23

27.8K 740 45
                                    

Makalipas ang bente minutos, nakarating na sina Raine at Josh sa gymnasium ng Fort Trinity High School. Ilang beses din silang nagpaikot-ikot upang humagilap ng parking space, ngunit sadyang maraming sasakyan ang nakaparada na roon. Sinubukan muling umikot ng sasakyan ni Josh at sa pagkakataong iyo'y, sinuwerte silang makakita ng puwang kaya naman dali-dali s'yang gumarahe roon.

Sandaling nilingon ni Raine ang mga tao sa labas, nakaramdam siya nang matinding kaba dahil sa rami ng taong dumalo sa nasabing bulwagan.

Habang abala sa pagmamasid ng kapaligiran si Raine, bigla niyang narinig na nagsalita si Josh.

"Are you ready?" usal ng binata saka pinatay ang makina ng kanyang sasakyan.

Sa puntong iyon ay nilingon na ng dalaga si Josh at nakangiting tumango rito tanda ng kanyang pagsang-ayon.

Bago tuluyang makababa, pinagbuksan ni Josh ng pintuan ang dalaga saka ito inalalayan pababa ng sasakyan.

"Salamat Joshhie." nakangiting sambit ni Raine at iniabot ang kanyang kanang kamay sa binata na ngayon ay nakalahad na.

"You're welcome," masiglang usal ni Josh saka siya inalalayan pababa. "Let's go." saad nito at iniumang ang kanyang braso para maikawit ng dalaga ang kanyang kamay rito.

Sabay na naglakad sina Josh at Raine sa loob ng gymnasium, bumungad sa kanila ang hindi magkandamayaw na dami ng tao. Mas nadagdagan pa ang kabog ng dibdib ni Raine dahil sa lakas ng tugtugin na umuukupa sa kabuuan ng nasabing lugar.

"Beeeessshhhhiieeee..."

Sabay na napatingin ang dalawa nang marinig ang isang malakas na tili. Kahit malakas ang tugtugin sa loob, ay narinig pa rin nila ang sigaw nito dahil sa sobrang tining ng boses ng taong iyon. Paglingon nila, napangiti ang dalawa nang makita si Nicole na mukang sabik na sabik sa kanyang mga kaibigan.

"Beshiiiiiieee! Namiss kita!" sigaw nito habang mabilis na yumapos kay Raine.

"Palagi naman tayong magkatext kahit hindi tayo nagkikita." natatawang sambit ni Raine habang kayakap ang kanyang kaibigan.

"H'wag ka ng ano riyan, basta namiss kita." pabirong pagtataray nito sa dalaga.

"Bakit siya lang 'yung namiss mo, Paano naman ako Nicnic?" mapagbirong usal ng binata saka iniumang palabas ang kanyang mga braso na parang naghihintay ng yakap mula kay Nicole.

"Joshhhhhhiiiieeee..," nakakabinging tili nito at mabilis na yumakap na rin sa binata. "Siyempre naman namiss din kita noh!" matinis na boses ang iginawad nito sa binata na siyang nakapagpalayo kay Josh dito.

"Grabe naman 'yang bunganga mo Nicnic, ang sakit sa tenga." iritableng saad ng binata habang hinihimas ang kanyang kaliwang tenga.

"Letsugas ka, aarte pa ba kuyang? Buti nga niyakap pa kita diyan eh!" masungit na bulalas nito saka inismiran si Josh.

"Ang sungit mo pa rin talaga hanggang ngayon." pang-aalaska ni Josh dito.

"Tse!" singhal ni Nicole saka humalukipkip ang mga braso ng dalaga.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon