YAMTF Kabanata: 8

32.3K 993 64
                                    

Madaling nakarating sa eskwelahan sina Raine at Icarus. Magkahawak kamay silang lumakad sa hallway at ang lahat ng atenson ng mga mag-aaral doon ay nasa kanila nakatuon. Maraming alingaw-ngaw silang naririnig, kaya't napayuko na lang si Raine sa sobrang kahihiyan.

Agad namang pinisil ni Icarus ang kamay ng dalaga, nang mapansin nito na lumuluha ang kanyang kasintahan.

"Ayaw kong nakikita kang umiiyak mahal, parang gusto kong saktan lahat ng taong mananakit sa'yo!" pigil ang galit ni Icarus, habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

"Ayos lang ako mahal, hayaan na natin sila." sagot naman ni Raine rito.

"Bakit ba ang bait-bait mo mahal? Kaya lalo kang napapamahal sa akin eh." malambing na turan nito bago hinagkan ang dalaga.

"Ayoko lang ng gulo, hangga't maaari titiisin ko ang panghuhusga nila sa akin. Kalaunan ay magsasawa rin sila." pambibiro ni Raine bago yumapos pabalik rito.

"Lagi mo tatandaan mahal, wala na akong ibang gusto kundi ikaw lang. Maaaring mga bata pa tayo, pero alam ko sa sarili ko na ikaw ang gusto ko." makahulugang wika nito.

"Salamat mahal, basta h'wag kang magbabago ha?" ani Raine nang humiwalay ito sa kanilang mga yapos.

"Opo mahal." saad ni Icarus bago pinisil ang ilong ni Raine.


*****


Dumaan ang maghapon, at ngayon ay nakadungaw lamang si Raine sa bintana. Abala kasi ang kanilang grupo, para sa pag-e-ensayo sa kanilang nalalapit na kompitisyon sa larangan ng pagkanta.

Hindi nakita ng dalaga si Icarus simula nang maihatid siya nito kanina, "Nasaan na kaya si Icarus, wala pa naman akong telepono para mai-text siya." nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang tawagin siya ng kasamahan niya sa singing club.

"Raine, practice na tayo!" sigaw ni Annie.

"Sige, susunod na ako."

Nang akmang papasok na ang dalaga sa loob ng Music Room, ay biglang nasilayan niya si Josh na papalapit sa kanyang kinatatayuan. Iba na ang ayos nito ngayon, hindi gaya ng dati na kung pumorma ay parang nerd. Ngayon ay lumabas ang natatagong kagwapuhan ng binata, nang tanggalin nito ang malaking salamin sa mata.

Kakausapin na sana ni Raine ito ngunit bigla siyang nilampasan ni Josh, kahit nahihiya'y nilakasan na lamang niya ang kanyang loob para tawagin ito, "Josh!" aniya na siyang dahilan para mapahinto ito sa paglalakad.

Hindi man lang nag-abalang lingunin ng binata si Raine, kaya naman siya na ang kusang humarap dito. Nakaramdam siya ng pagkahiya, dahil sa lamig ng pakikitungo Josh. Tiningnan niya ito sa mga mata, ngunit nabigo siya dahil walang ibang mababakas dito kundi blangkong ekspresyon na sing lamig ng North Pole.

"Josh..." panimula niyang bunga sa binata. Walang ganang nakatingin lang ito sa kanya, na parang naghihintay ng kanyang sasabihin. "Josh pwede ba tayong mag-usap?"

"Spill!" maikli ngunit punong-puno ng hinanakit na sambit ng binata.

"Josh, sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol sa amin ni Icarus. Sasabihin ko naman talaga sa'yo lahat, pero naunanan lang ako ng hiya," Hindi naman nagsalita si Josh na mas ikinabahala ng dalaga. "Josh magsalita ka nama..." hindi na naituloy ni Raine ang kanyang sasabihin nang putilin ito ng binata.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon