YAMTF Kabanata: 39

30.2K 854 63
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw simula nang ipinagdiwang nina Raine at Icarus ang kanilang ika-apat na anibersaryo. Kasabay nang selebrasyon na iyon ay ang pagpapahayag ni Icarus na pakasalan ang kanyang pinakamamahal na si Raine.

Hindi makapaniwala ang dalaga, dahil hindi niya lubos akalain na hahantong sa kasalan ang kanilang relasyon ng binata. Sa una ay nakaramdam ng takot si Raine, dahil hindi niya alam kung ano ang kakahantungan ng kanilang relasyon kapag ikinasal na sila ng kasintahang si Icarus. Pero habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ang binata, lalong nakukumbinse ang kanyang sarili na ituloy ang nalalapit nilang kasal dahil ipinaparamdam sa kanya ni Icarus ang walang humpay nitong pagmamahal para sa kanya.

"Baby, are you listening?" haplos ni Icarus sa kaliwang pisngi ng dalaga.

"H-ha? Ano nga ulit 'yon mahal?" wala sa sariling sambit ni Raine rito.

"Ang sabi ko kung meron ka pa bang idadagdag para sa Engagement Party natin?"

"Ahh... Wala na po mahal, okay na po sa akin lahat 'yan." alanganing sagot ni Raine bago tiningnan ang mga listahan na nakakalat sa lamesa.

"Baby, is there anything bothering you?" nag-aalalang sambit ng binata habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang nobya.

Nilingon naman agad ni Raine ito saka hinawakan ang kamay ni Icarus na humahaplos sa kanyang pisngi, "Ayos lang po ako mahal, hindi lang po talaga ako sanay sa mga engrandeng handaang gaya nito." saad ng dalaga saka inginuso ang mga papel sa lamesa.

"Baby don't worry, may kinuha na akong event organizer para mag-asikaso nang Party."

"Nakakahiya naman kasi mahal sa parents mo." malungkot na wika nito saka yumuko.

Mabilis naman na lumapit si Icarus sa tabi ng dalaga saka nito hinawakan ang dalawang kamay ng kanyang kasintahan, "Mahal... si Mommy ang may gusto nito, para mameet na rin nila sina Mama Gina and Riz."

"Haaayyy... Nalulula pa rin ako sa mga nangyari sa atin, isipin mo tatlong buwan na lang ikakasal na tayo." saad ng dalaga saka isinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Icarus.

Agad namang iniyakap ng binata ang kanyang kaliwang kamay sa likod ni Raine saka nito hinaplos ang likuran ng dalaga.

"Don't stress yourself baby, I know masyadong mabilis ang mga nangyari sa atin. Ayaw na kasi kitang mawala sa buhay ko kaya gusto na kitang pakasalan agad."

Bigla namang humiwalay si Raine sa balikat nito saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Icarus, "Mahal na mahal kita Icarus, at hindi ako nagsisisi na umoo ako sa alok mong magpakasal tayo." naka-ngiting sambit ni Raine saka ginawaran ng magaang halik sa labi ang kanyang nobyo.

Nang akmang ihihiwalay na ng dalaga ang kanyang labi rito, agad hinablot ni Icarus ang kanyang batok saka siniil ng mapusok na halik sa labi si Raine.

Napangiti naman ang dalaga sa ginawa nito kaya't ipinulupot na rin n'ya ang kanyang mga braso sa leeg ng binata. Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang mga halik nang biglang bumukas ang pinto sa opisina na kinaroroonan ng magkasintahan.

Mabilis napahiwalay ang dalawa sa kanilang mga halik at nangunot naman ang noo ni Raine sa babaeng bumungad sa pintuan, "Margaux? A-anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong niya rito.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon