YAMTF Kabanata: 3

39.6K 1.5K 118
                                    

"Good morning Pilipinas!" masiglang sambit ni Raine nang makababa ng hagdanan.

"Aba good mood ata ang Ate ko, siguro sinagot ka na ng crush mo noh?" buska ni Nene habang abala sa kanyang pagkain.

"Hala siya... Lagi naman ako good mood ahh." sabay gulo sa buhok ng kapatid bago umupo sa hapag. "Saka masama bang maging happy kahit walang dahilan?"

"Wooshoo! Kunwari ka pa ate." dagdg pa ni Nene.

"Ay ipagpatuloy n'yo na nga ang pagkain n'yo, baka mahuli pa kayo sa klase." pagsusuway ni Mama Gina sa dalawa.

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay biglang nagsalita si Nene, "Mama penge po ng extrang pera, may project po kasi kami sa science."

"Hindi ko pa nakukuha 'yung bayad ni Misis Cruz sa paglalaba ko. Sabihin mo sa teacher mo bukas na lang." malungkot na saad ni Mama Gina.

"Eh mama kailangan na po ngayon." nakabusangot na apila ni Nene.

"Wala na talagang pera si Mama. Sakto lang ang ibinigay kong pambaon niyo sa eskwelahan."

"Ne, magkano bang kailangan mo?" ani Raine nang makitang nalulungkot na ang kanyang Ina.

"Singkwenta pesos po, Ate."

"Sige ako na'ng bahala," mabilis kinuha ni Raine ang kanyang pitaka at inabot sa kanyang kapatid ang singkwenta pesos.

"Ate, baka wala ka nang pera." nag-aalalang sambit ni Nene habang nakahawak sa kamay ng kanyang Ate Raine.

"Ano ka ba ayos lang ako." nakangiti niyang saad dito saka pilit iniabot ang pera kay Nene.

"Thank you po Ate." malambing na turan nito bago yumakap sa kanyang kapatid.

"Wala 'yon," balik yakap niya rito. "Oh tara na't baka mahuli pa tayo sa klase." anyaya ni Raine bago uminom ng tubig.

Bago umalis humalik muna ang magkapatid sa kanilang Ina. Naunang lumabas si Nene at si Raine naman ay kinausap ang kanyang Mama Gina.

"Mama heto po pambili natin ng ulam mamaya." abot ng isang daang piso ni Raine sa kanyang Ina.

"Anak, itago mo na 'yan, mamaya naman ay makukuha ko na 'yung bayad ni Misis Cruz sa labada ko." pagtanggi ni Mama Gina sa alok g dalaga.

"Sigurado po kayo Mama, may extra pa naman po ako rito."

"Anak ayos lang," sabay hawak sa kamay ng dalaga. "Anak salamat ha? Simula nang nawala ang Tatay Ben niyo, ikaw na ang gumabay d'yan sa kapatid mong si Nene. Kaya naman sobra ang pasasalamat ko sa diyos at may anak akong kagaya mo." naluluhang saad ni Mama Gina.

"Si Mama talaga, tigilan niyo na nga po ang panonood ng mga teleserye. 'Yan tuloy nahahawa na kayo, pero Mama 'wag po kayo mag-alala, kapag nakatapos po ako ng pag-aaral at nakakuha ng magandang trabaho. Bibigyan ko po kayo ni Nene ng magandang buhay." nakangiting sambit ni Raine para pagaanin ang loob ng kanyang Ina.

"Salamat naman kung ganoon anak, o sige na pumasok ka na baka mahuli ka pa sa eskwela."

Nakangiting tumango si Raine rito bago humalik sa pisngi ng kanyang Ina.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon