YAMTF Kabanata: 26

30K 791 53
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, mga araw simula nang lakas loob na dinikitan ni Raine ng sulat ang itim na sasakyang palaging nagmamanman sa kanya. Hindi niya ito kilala, pero malakas ang kutob niyang si Icarus ang nakasakay sa loob ng sasakyan na iyon. O baka naman inaasam lang niya na sana, sana ang binata na lang ang taong palaging nakasubaybay sa kanya?

"Iiihhhhhh!" inis na sambit ni Raine sa kanyang sarili.

Iniling na lang ni Raine ang kanyang ulo para waksihan ang mga bagay o tao kung tutuusin, na siyang gumugulo sa isipan n'ya.

"Raine, focus! Kailangan mong mag-focus, hindi kung ano-anong iniisip mo riyan... Kainis!" inis na bulalas niya habang nagpupunas ng table sa bakeshop na kanyang pinapasukan.

"Sinong nakakainis, Raine?" pagtatanong ni Amara ang kanyang boss sa bakeshop.

Nagulat ang dalaga dahil sa pagsulpot ni Amara sa kanyang likuran. Bahagya siyang nakaramdam nang hiya dahil napalakas pala ang kanyang pagkabulalas kanina.

"Ate Amara w-wala po," nahihiyang saad niya rito. "May naisip lang po ako." pagpapalusot niya saka muling itinuon ang kanyang atensyon sa pagpupunas ng lamesa.

"Raine," tawag ni Amara sa dalaga. "May problema ka ba?" nag-aalalang sambit nito sa kanya.

Sandaling napahinto si Raine sa kanyang ginagawa dahil sa narinig mula kay Amara. Kaya naman agad n'yang binalingan ito sabay sabi nang, "W-wala po Ate Amara, ayos lang po ako." wika niya rito saka ito binigyan ng isang alanganing ngiti.

Nagpatuloy lang si Raine sa pagpupunas at laking gulat niya nang biglang hawakan ni Amara ang kanyang kamay. "Raine, 'di ba sabi ko naman sayo, kapag may problema ka handa akong makinig." nakangiting sambit nito at saka s'ya tinitigan ni Amara ng masinsinan.

Wala ng nagawa pa si Raine kung hindi ang bumuntong hininga na lamang, "Ate ayos lang po talaga ako, salamat po sa pag-aalala." pasasalamat niya rito saka ginantihan ng matamis na ngiti si Amara.

"Naiintindihan ko Raine, basta kapag handa ka ng ikwento, 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin okay?"

"Opo Ate..." hindi na natapos ni Raine ang kanyang sasabihin nang biglang may yumakap kay Amara.

"Hi babe." magiliw na bati ni Tyron dito saka ginawaran ng isang halik sa pisngi ang asawa.

"Oh babe you're early," balik halik n'ya rito. "Nasaan na ang mga bata?" kunot noong pagtatanong ni Amara kay Tyron.

Hindi na nakasagot pa si Tyron nang biglang nagtakbuhan ang kanilang mga anak papasok sa bakeshop.

"Naynay! Naynay!" sabay na tawag nina Tyreese at Tyler.

Mabilis na humalik ang mga ito sa pisngi ng kanilang Ina. Yumukod naman si Amara para maabot ng mga anak ang kanyang pisngi.

Pagkatapos humalik, agad na hinagilap ng mga mata ni Amara ang kanyang bunsong anak, "So where's Tyarra?" anito sa mga bata na agad namang sinagot ni Reese.

"Naynay, She's with yaya Mia po." maarteng wika nito sa kanyang Ina habang abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon