YAMTF Kabanata: 13

28.7K 849 104
                                    

Makalipas ang tatlong taon...


RAINE's POV:

Nagising ang diwa ko sa tunog ng aking telepono. Tinakpan ko nang unan ang aking buong mukha, kasama na ang aking tenga para hindi marinig ang nakakabulabog na tunog nito.

Paano ba naman kasi itong kapatid kong si Nene— ay hindi na pala siya si Nene ngayon. Siya na raw pala si "Riz" ayaw na niyang magpatawag sa pangalang Nene simula nang tumungong ito ng High School. Itong si "Rizzalyn" nilagyan ng tugtog itong telepono ko.

Work ni Rihanna

Patuloy pa rin ito sa pagtunog kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito. Nang makita ko na si Ate Amara ang tumatawag, ay agad ko itong sinagot.

"Hello, Ate Amara." namamaos kong sagot dito.

"Ahh... Raine, sorry to disturb you. May favor lang sana ako." hinging paunmanhin nito sa kabilang linya.

"Ayos lang po Ate, Ano po ba 'yung pabor niyo po sakin?" Balik tanong ko sa kanya.

"Raine, pwede ka bang pumasok ngayon sa bakeshop? May sakit kasi ang anak ni Jackie kaya male-late siya ngayong umaga." paliwanag ni Ate Amara sa kabilang linya.

"Ganoon po ba Ate? Uhhhmm... Sige po, before mag-alas onse po nandyan na ako."

"Haayyy... Salamat, Raine, h'wag ka mag-alala kapag dumating si Jackie uwi ka na agad at fully paid ka pa rin for this day."

"Talaga po Ate? Salamat po." masayang sambit ko rito.

"Yes Raine, basta maraming salamat ha? Alam ko restday mo ngayon, kaya pasensya ka na kung naistorbo kita ha?" hinging paunmanhin sa akin ni Ate Amara.

"Sige po Ate, Maliligo lang po ako sandali at punta na po ako d'yan. Babye po!"

"Okay Raine, Salamat talaga. Bye!" rinig kong sabi ni Ate Amara saka tuluyang naputol ang linya.

Si Ate Amara? Siya ang Boss ko sa isang mamahaling Bake Shop sa BGC. Hindi ito nagpapatawag ng Ma'am, dahil ang gusto niya'y Ate o Ate Amara lang ang itawag namin sa kanya. Mabait ito sa aming mga trabahador niya, sila ng Asawa niyang si Sir Tyron, actually.

Tinanggap nila ako kahit na hindi pa ako nakaka-graduate ng college, 2nd year pa lang ako ngayon sa pagkokolehiyo. Kaya laking tuwa ko dahil binigyan nila ako ng pagkakataon na magtrabaho sa Bake shop nila.

Nang makababa ng hagdanan agad akong sinalubong ni Mama na nasa kusina, "Oh anak, may lakad ka?"

"Mama, papasok po ako sa trabaho ko."

"Di ba restday mo ngayon?" kunot noong tanong ni Mama sa akin.

"Ahh Ma, tumawag po kasi yung boss ko, wala raw po kasi 'yung isang kasamahan namin sa trabaho. Kaya pinakiusapan po ako na pumasok ngayon." pagpapaliwanang ko kay Mama.

"Hala sige, maligo ka na't ihahanda ko na ang almusal mo."

Tanging tango na lang ang isinagot ko tanda ng aking pagsang-ayon sa sinabi ni Mama. Mabilis ang naging kilos ko, nakapag-ayos ako ng aking buong sarili sa loob lamang ng kinse minutos.

"Oh Anak dahan-dahan naman sa pagsubo, baka ika'y mabilaukan" Pagpapaalala ni Mama Gina.

Hindi na ako nakasagot pa dahil sa punong-puno ng pagkain ang aking bibig. Iminustra ko na lang ang aking kamay upang sabihin kay Mama na ayos lang ang aking lagay.

Agad naman akong nagpaalam kay Mama nang matapos akong mag-almusal. Habang naglalakad ako'y may napansin akong taong sumusunod sa aking likuran. Sa bawat hakbang na ginagawa ko'y ganoon ding intensidad ang ginagawad ng taong iyon. Kaya naman nang magkaroon ako ng pagkakataon, agad akong tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Saktong hinto ko sa waiting shed, ay siya ring hinto ng jeep kaya't dali-dali akong sumakay dito.

Bente minutos ang itinagal ng aking biyahe bago nakarating sa aking pinagtatrabahuhan. Dumiretso ako sa loob sa locker room para ilagay ang mga gamit ko. Saktong pasok ko ay siya namang bungad sa akin ng katrabaho kong si Chloe.

"Oh baks, anong ginagawa mo rito?"

"Pinapasok ako ni Ate, may sakit daw anak ni Ate Jackie." tanging sambit ko rito dahil abala ako sa pag-aayos ng aking sarili.

"Sige baks una na 'ko sa labas..." pamamaalam ni Chloe.

Nang matapos sa pag-aayos, ay agad akong lumabas ng locker room at nagsimula sa aking trabaho bilang isang kahera.


*****


Alas nuwebe nang matapos ako sa aking trabaho, may pasok ako sa Trinus University nang alas kwatro ng hapon, ngunit napagdesisyunan ko na huwag na munang sumipot dahil tatlo lang naman ang subjects ko ngayong araw.

Ilang minuto lang ang aking ibiniyahe at ngayon ay naglalakad na ako papunta sa bahay. Nang aktong bubuksan ko na ang gate namin ay biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Raine..." rinig kong sambit nito, na nabosesan kong si Aling Vicky. Isa sa aming kapitbahay.

"Aling Vicky, bakit po?" kunot noo kong saad dito, dahil hindi naman ito pala-imik sa akin. Nakakapagtaka lang.

"Raine, may lalaking sumisilip diyan sa tapat ng bahay niyo kanina."

"Sino raw po?"

"Hindi ko nga nakita eh, nakasumbrero at jacket kasi."

"Ganoon po ba? Sige po salamat, tanong ko na lang po kay Mama." ngumiti na lang ako rito bago tuluyang pumasok sa aming bahay.

Isinara kong maiigi ang gate. Dahil aaminin ko, medyo kinabahan ako sa sinabi ni Aling Vicky. Wala akong ideya kung sino at ano ang pakay nito sa aming pamilya. Dahil kung kakilala namin iyon, edi sana kumatok siya sa gate. Bakit nagmamasid pa?



*****


Hello mga labs! ❤️ May Cameo ang TYMARA sa chapter na 'to, kasi namiss ko na sila eh. 😂
Kayo namiss n'yo rin ba ang TYMARA? Sa mga hindi po nakaka-kilala sa TYMARA, basahin n'yo po ang "Crush at First Sight" para knows n'yo na din sila.. Oh s'ya! See you next chapter mga labs! ❤️



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon