YAMTF Kabanata: 6

39K 1.2K 67
                                    

Natapos na ang klase ni Raine at walang ganang naglalakad kasama ang kanyang kaibigang si Nicole.

"Wuy beshie ayos ka lang ba? 'Wag mo na isipin si Josh nagtatampo lang 'yon, kakausapin ka rin ng lalaking 'yon" pang-aalong litanya ni Nicole.

"Beshie, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasi naman si Icarus hindi ko alam na may saltik pala 'yong lalaking 'yon!" Iritableng sambit ni Raine dahil sa sobrang inis.

"Yan! 'Yan ang napala mo sa kalokohan mo, alam mo namang madaming source si Icarus. Hindi mo muna inisip ang kakahantungan ng kagagahan mo bruha ka."

"Oo na nga 'di ba? Malay ko ba kasing baliw pala iyong si Icarus, jinojoke-joke ko lang tapos tinotoo na! Crush ko lang naman s'ya eh." maktol ni Raine.

"Hay nako beshie, walang ibang makakasagot sa problema mo kung hindi ikaw lang din."

"Alam ko beshie kaya nga nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon eh. Ang tanga-tanga ko kasi! Kainis!" at kinoyumos niya ang kanyang mukha dala ng matinding pagkabalisa.

"Tara na nga beshie uwi na tayo, walang magbabantay sa mga kapatid ko ngayon eh." biglang anyaya ni Nicole sa kanya.

Hindi na umimik pa si Raine saka naglakad palabas ng eskwelahan. Habang nag-aabang ng jeep biglang tumunog ang kanyang telepono, nang kunin n'ya ito sa kanyang bulsa bigla naman itong nagloko.

"Bakit beshie sira na naman ba 'yung cellphone mo?" ani Nicole.

"Oo beshie nagloko na naman, may tumatawag pa naman." wika ni Raine habang pinupukpok ang kanyang telepono.

"Bumili ka na kasi ng bago para maitago mo na 'yan sa baul ni lola basyang, sobrang luma na niyang cellphone mo."

"Kung may pambili lang ba ako beshie why not, eh waley datung kaya tiis-tiis lang muna. Kapag nakaipon na ako saka ako bibili iyong kagaya sayo 'yung touch screen ba tawag d'yan?" Ignoranteng tanong ni Raine sa hawak ni Nicole.

"Ah Iphone to beshie, padala ni Papa galing Dubai."

"Buti ka pa beshie support ng Tatay mo noh? Samantalang ako simula pagkabata hindi ko na nakita 'yung totoong tatay ko, ni anino nga 'di ko kilala eh." malungkot na sambit ni Raine sa kanyang kaibigan.

"Wag ka mag-alala beshie tatanungin ko si Mama kung hindi na n'ya ginagamit 'yung isang cellphone n'ya, hihingin ko na lang para sa'yo." nakangiting wika ni Nicole.

"Awww... Ang bait talaga ng beshie ko! Nakakahiya naman kay Tita 'wag na ano ka ba, pag-iipunan ko na lang." nahihiyang sambit ni Raine.

"Oh s'ya ayan na 'yung jeep magkaiba kasi tayo ng way eh, sige una na 'ko ha?" pagpapaalam ni Nicole.

"Okay beshie babye!" at kumaway na lang si Raine sa kanyang kaibigan bago naglakad pauwi.

Nang makarating ang dalaga sa tapat ng kanilang bahay, ay agad nangunot ang kanyang noo dahil sa nakaparadang sasakyan sa labas. Nang buksan niya ang pintuan, nanlaki ang mga mata sa nakita. Nagulat ang dalaga sa kanyang kinatatayuan dahil matalim ang mga titig ng taong nabungaran niya sa kanilang tahanan.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon