YAMTF Kabanata: 5

35.1K 1.2K 66
                                    

ICARUS's POV:


Nandirito ako ngayon sa tindahan malapit sa bahay nila Raine. Ewan ko ba matagal ko na s'yang nakikita pero wala akong chance dati na makausap siya. Nagsimula akong maging interesado sa kanya noong unang araw ng pasukan.


First Day ng 3rd Year High School life ko sa (FTHS) recess ngayon kaya napag'pasyahan kong pumunta sa field ng school. Madaming tao rito kaya minabuti kong pumunta nalang sa gilid kung saan tahimik at wala masyadong tao.

Habang papalapit ako sa malaking puno, may narinig akong boses ng babaeng kumakanta, hindi ko alam kung anong nag'udyok sakin na silipin ang pinanggagalingan boses na iyon. Nang matunton ko ito nakita ko ang isang babaeng may hawak na libro, Nakasandal ito sa ilalim ng puno habang kumakanta.

Para hindi ko s'ya maistorbo, naupo ako sa kabilang gilid, sapat na para kahit papano'y marinig ko pa rin ang maganda niyang boses. Ipinikit ko ang aking mga mata't isinandal ang likod sa malaking puno. Napakaganda talaga ng boses n'ya. Parang kung may ano itong timbre na ang sarap pakinggan, parang anghel na sobrang lambing na humahaplos sa aking puso.

Hindi ko namalayan na nakaiglip pala ako't naalimpungatan na lang dahil may tumapik sa aking balikat.

"Iho..." tapik sa akin ng matanda.

Nang buksan ko ang aking mga mata, hinagilap ko agad ang babae sa kabilang parte ng puno. Ngunit wala na ito sa kanyang kinauupuan, bagsak balikat akong tumayo saka nagtanong sa matanda.

"'Nong, nakita n'yo po ba 'yung babaeng nakaupo rito kanina?" tanong ko habang hindi mapakali sa pagsipat sa kapaligiran.

"Si Raine ba?" takang tanong nito.

"Hindi ko po kasi alam pangalan n'ya, basta mahaba po 'yung buhok n'ya na kulay mais tapos matangos ang ilong, medyo bilugan at kulay brown ang mata." paglalarawan ko sa pagbabakasakaling iisa nga ang pinag-uusapan naming babae.

"Ahh si Raine nga ang tinutukoy mo. Wala na, umalis na limang minuto ang nakakalipas."

"Raine po ba pangalan n'ya?" interesadong tanong ko rito.

"Oo Raine, parang ulan lang 'di ba? Kapag breaktime laging tumatambay dito iyon at maganda ang boses ng batang iyon." magiliw na usal ni manong sa akin.

"Siya nga po! Alam n'yo po ba ang buong pangalan n'ya?" Pag-uusisang tanong ko rito.

"Naku hindi ko alam eh, Raine lang kasi ang pakilala n'ya, pasensya na."

"Sige po, salamat." ngiti ko saka naglakad papuntang hallway.

Simula nang araw na iyon, lagi ko na s'yang inaabangan sa ilalim ng puno hanggang nalaman ko ang classroom n'ya.

Isang araw bago mag-uwian pumunta ako sa gilid ng hagdan malapit sa room ni Raine, hinintay kong matapos ang kanyang klase saka ko s'ya sinundan.

Kasama n'ya ang isang babae at lalaki na nakaakbay sa kanya. Nakita ko silang naghiwa-hiwalay sa sakayan ng jeep.

Naiwan si Raine at nakita kong nagsimula na itong maglakad mag-isa, sinundan ko s'ya sa paglalakad. Hindi ganoon kalayo pero sapat na para hindi n'ya ako mapansin.

Malayo-layo rin ang aming nilakad at nakita ko na lang s'yang huminto sa dalawang palapag na bahay. Simple lang ito kung titingnan, may maliit na gate at very inviting ang ambiance. Nang masigurado kong ligtas s'yang nakauwi, tinawagan ko agad ang aking driver saka nagpasundo rito.

Nakita ko s'yang lumabas ng bahay, hindi ko sinabi sa kanya na matagal ko na s'yang sinusundan at alam ko kung saan s'ya nakatira. Kaya laking tuwa ko ng malaman kong si Raine pala 'yung nangungulit at text ng text sa akin. Nang tuluyan ng makaalis si Raine sumakay na ako ng kotse at nagpahatid na sa school.

*****

Mabilis nakarating si Icarus sa FTHS at nabungaran niya sina Raine at Josh. Nilapitan niya ang mga ito at saka tumikhim, para iparamdam ang kanyang presensiy.

"Ehem..."

Napalingon naman ang mga ito sa binata saka tinitigan ng parang bakit-anong-kailangan-mo-look. Kaya naman dumukwang na lang si Icarus para halikan sa pisngi ang dalaga sabay sabing,

"See you at lunch baby, sunduin kita mamaya okay?" walang kimeng saad ni Icarus sa dalaga.

Tuluyan ng umalis si Icarus at naiwan ang tulalang si Raine pati na rin ang nagpupuyos sa galit na si Josh.

"Anong ibig sabihin no'n Raine?" seryosong usal ni Josh sa dalaga.

"Joshhie... Boyfriend ko na si Icarus." nahihiyang sambit ni Raine saka yumuko.

"Ano?!" histerical na wika ni Josh kaya't mas lalong nabahala ang dalaga.

"Sorry..." tanging nasambit ni Raine, dahil hindi n'ya kayang tignan si Josh sa mga mata nito.

"Ang tagal kitang niligawan, ang sabi mo hindi ka pa handa tapos malalaman ko na lang boyfriend mo na 'yung hambog na si Icarus! Ano ba naman 'yan Raine!" singhal nito sa sobrang kabiglaan.

"Sorry, hayaan mo kong magpaliwanag." naluluhang sambit ni Raine alam n'yang seryoso na si Josh dahil tinatawag lang siya nito sa pangalan kapag galit ito sa kanya.

"No Raine! Malinaw na sa'kin ang lahat! Ayaw mo lang talaga sa akin dahil hindi ako sing gwapo ni Icarus!" galit na wika ng binata.

"Josh, please! Hayaan mo ko magpaliwanag." sumamo ni Raine rito.

"Sige na Raine mauuna na 'ko... Sa susunod na lang tayo mag-usap." malungkot na usal ni Josh saka umalis sa harapan ng dalaga.

Tuluyan ng umalis ang binata at naiwan si Raine na luhaan sa kanyang kinauupuan.

"Patawarin mo ako, Joshhie." bulong ng dalaga habang tinatanaw ang binatang papalayo sa kanya.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon