YAMTF Kabanata: 38

29.8K 867 89
                                    

Napatigil sa pagtakbo ang dalaga at dahan-dahang naglakad patungo sa liwanag, unti-unting nagbagsakan ang kanyang mga luha dahil sa kanyang nakita. Ang mga paa niya ngayo'y parang may mabigat na batong hila-hila, dahilan para ang bawat hakbang na kanyang ginagawa ay sobrang bigat at pasadsad.

Nakita ng dalaga ang imahe ni Icarus na ngayon ay nakatingin lamang sa kanya. Patuloy sa pagluha ang mga mata ni Raine dahil masaya siya't kaharap ngayon ang kanyang kasintahan na maayos ang kalagayan. Pormadong-pormado ito ngayon sa kanyang suot na tuxedo na nakapag-palabas lalo sa angking kagwapuhan ng binata.

Nakangiti lang ito kay Raine habang pinagmamasdan ang bawat hakbang na ginagawa ng dalaga, papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nang magtama ang kanilang mga paningin, parang bumagal ang takbo nang buong paligid ni Raine. Ang bawat segundo na lumilipas ay parang nagiging minuto dahil sa lagkit ng kanilang pagtitinginan.

Ilang hakbang na lang ang ihahakbang ng dalaga nang biglang lumapit sa kanya si Icarus. Mabilis nitong hinablot ang bewang ni Raine saka ginawaran nang mapagmahal na halik sa labi ang dalaga.

Nagulat naman si Raine sa ginawa ng kanyang kasintahan ngunit kalaunan ay nadala na rin siya sa pamamaraan ng halik ng binata, kaya't tinugunan na rin niya ito.

"Hmmm..." ungol ni Icarus sa pagitan ng kanilang mga halik.

Nang marinig ni Raine ang pag-ungol ng binata agad siyang humiwalay rito, na ikinagulat naman ni Icarus, "W-what's the matter baby?" kunot noong usal nito sa dalaga.

"Nahihiya ako mahal, baka may makakita sa atin."  saad ni Raine saka yumuko sa sobrang kahihiyan.

"Right, sorry about that baby." wika ng binata habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

"Mahal, bakit ako tinawagan ni Margaux? Niloloko niyo na naman ba ako?" sambit ni Raine habang matamang tinitigan si Icarus sa mga mata nito.

"W-what?!" gulat na usal ng binata. "Ano na namang sinabi sa'yo ng pinsan kong iyon?"

"Wala naman, umiiyak kasi siya eh. Tapos sabi niya pumunta raw ako dito, pinagmamadali pa nga ako kaya tingnan mo 'yung suot ko nakapambahay lang. Nakakahiya naman sa'yo." anito sa binata na agad naman tiningnan ang itsura ng dalaga pababa.

"Haaayyy... That Menggay, she's gonna pay for this. I just told her to contact you habang nag-aayos kami ni Brent ng dinner date natin." umiiling na usal ni Icarus habang nakayakap pa rin sa bewang ng dalaga.

"Hayaan mo na mahal, ako naman 'yung unang nag-isip agad ng masama. Nadala kasi ako sa pag-iyak ng pinsan mo eh."

"Kahit na, hindi niya dapat ginawa 'yon, hindi ka tuloy nakapag-ayos dahil sa pang-gu-goodtime ni Menggay. Pero maganda ka pa rin naman baby kahit na ano pa ang isuot mo."

"Ayos lang po ako mahal, ang importante ayos ang lagay mo" nakangiting sambit ni Raine sa binata.

"Alright... Let's go?" anito saka inalalayan ang dalaga papunta sa lamesa.

Naglakad ang dalawa papalapit sa lamesang inihanda ni Icarus para sa kanila ng dalaga. Bumungad kay Raine, ang isang magandang set-up ng lamesa na para sa dalawang tao lamang. Napaka-romantiko nitong tingnan sa gitna ng mga halaman at mga bulaklak na nakapalibot sa buong cottage.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon