YAMTF Kabanata: 31

29.2K 941 31
                                    

Nang matapos ikwento ni Icarus ang dahilan kung bakit siya umalis nang walang paalam, ay mabilis niyang binalingan si Raine. Ngunit wala itong nakuhang sagot o reaksyon mula sa dalaga.

Nabahala si Icarus dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak at saloobin ngayon ng dalaga. Napansin pa niya na nangingilid na ang mga luha ni Raine, ngunit pinipilit lang nitong magpakatatag.

"Raine, alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pag-iwan sa'yo, pero umaasa ako na mapapatawad mo pa rin ako balang araw." humahagulgol na usal ni Icarus.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ni Icarus na punong-puno ng emosyon. Pero kabaligtaran naman sa parte ng dalaga, naluluha nga ito ngunit walang mababakas na kahit ano sa itsura nito ngayon, kaya naman mas nabahala si Icarus sa ipinapakitang ito ni Raine.

"Raine, talk to me please." pakiusap nito sa dalaga habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. "Patawarin mo ako Raine, hindi ko ginustong iwan ka."

Sa puntong iyon ay binalingan na siya ng dalaga, sinalubong s'ya nito ng matatalim na tingin. Tingin na punong-puno ng galit at pagkamuhi. Napansin pa ni Icarus, na bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito na parang pinapakita ng dalaga na hindi ito natutuwa sa mga sinabi n'ya.

"Talagang pinamuka mo lang sa akin Icarus na hindi mo ako mahal." sarkastikong sambit ni Raine at sa puntong iyon ay nagbagsakan na ang mga luhang kanina pa nitong pinipigilan.

"That's not true Raine, mahal na mahal kita. Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kitang masaktan." umiiyak na usal ni Icarus na agad namang sinagot ng dalaga.

"Ayaw mo akong masaktan?!" sarkastikong saad nito sa binata. "Ayaw mo akong saktan ha?!" sa puntong iyon ay tumaas na ang boses ng dalaga.

"Pwes, gusto ko lang sabihin sa'yo na huli na ang lahat Icarus, dahil simula pa lang nang araw na iniwan mo ako, ay abot langit na ang sakit na naidulot no'n sa akin! Ngayon sabihin mo, hindi ba ako nasaktan sa pagkawala mo ha!" bulyaw ni Raine na umalingawngaw sa buong silid.

"Halos mabaliw na ako noong araw na nawala ka, ang buong akala ko naaksidente ka lang, abot-abot ang panalangin ko na sana maayos ang lagay mo. Pero putangina! Wala akong kaalam-alam na iniwan mo na pala ako!" bulyaw ni Raine sa binata habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

"Raine I'm sorry..." hindi na natapos ni Icarus ang kanyang sasabihin nang biglang putulin ni Raine ito,

"S-Sorry?! Bakit ka nagso-sorry Icarus? Dahil ba naaawa ka sa akin, kasi iniwan mo ako na parang basura?" humahagulgol na sambit ni Raine.

"Hindi kita iniwan Raine para sa sarili ko, iniwan kita dahil ayoko na matali ka sa sitwasyon ko na wala namang kasiguraduhan..."

"Kahibangan yan, Icarus!" sigaw ni Raine. "Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin, para hindi mo pagkatiwalaan ang pagmamahal ko sa'yo?!"

"No! That's not what I meant, Raine."

"Hahaha!" sarkastikong halakhak ng dalaga. "Nagdesisyon ka para sa sarili mo, hindi mo ako hinayaang damayan ka sa mga panahong kailangan mo ako. Mas pinili mo pang saktan ako ng walang kamalay-malay, kesa sa masaktan akong kapiling ka!"

Hindi nakasagot si Icarus sa sinabi ng dalaga dahil aaminin niya, sinarili niya ang pagdedesisyon tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit. Kaya naman hindi niya masisisi si Raine kung kamuhian siya nito ng tuluyan.

You and Me, Together Forever ✔️ (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon